"Sir, ito na po ang pinapagawa ninyo sa akin." Napaangat si Miguel ng tingin mula sa pagbabasa ng papeles nang may inilapag ang kaniyang tauhan na isang brown envelope sa kaniyang harapan. "Makaaalis ka na." Tumango at umalis ito sa harapan niya at lumabas na ito sa opisina niya. Akmang babasahin na niya ito nang biglang may pumasok sa opisina. Napansin niyang si Lucia lang pala ang pumasok. Inilapag niya muna ito sa mesa bago niya nilapitan si Lucia at hinalikan sa pisngi. "Oh, naparito ka?" Ngumiti ito sa kaniya at gumanti rin ito ng halik. Akala niya ay sa pisngi siya hahalikan nito pero sa labi pala. Kahit nagulat siya sa ginawa nito ay ipinagsawalang-bahala na lang niya ang ginawa ng kaibigan. Nasanay na kasi siya sa pabigla-bigla nitong paghalik sa labi niya. Kaya nga napagkakamal

