''Oh? Anong nangyayari sa 'yo?" Kumunot ang noo ni Dane pagdating ni Oceana sa kusina. Napansin kasi nitong napatulala siya. "Bakit ganiyan ang itsura mo?" dagdag na tanong pa nito sa kaniya habang nakahawak siya sa kaniyang dibdib. Napatingin si Oceana sa kaibigan. "Huh?" Tinaasan siya nito ng kilay. "Huwag mo akong ma-huh-huh diyan! Sasabunutan kita. Ang tanong ko sa 'yo ay kung bakit ganiyan ang itsura mo? Para kang natatae riyan?" "Dane, hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako. Bigla na lang kasing pumipintig ang puso ko nang malakas." Napangisi ito sa sinabi niya. "Huwag mo nang pansinin iyan. Kumain ka na nga riyan. Baka malipasan ka ng gutom." Napailing na lang siya sa sinabi nito. "Ewan ko sa 'yo, bakla ka!" Napasimangot si Dane sa sinabi ng kaibigan. "Ay, 'Te! Nakapag-ma

