Umigting ang panga ni Miguel dahil sa nabasa niya sa brown envelope na hawak. Hindi niya matanggap ang resulta na natanggap. Hindi siya puwedeng magkamali dahil mismong dalawang mata niya ang nakakita. Mabilis niyang kinuha ang telepono at kaagad niyang tinawagan ang private investigator niya. "This is bullsh*t, Rough Drobele! I didn't expect this to happen. Nakita ko siya gamit ang mismong dalawang mga mata ko, hindi ako puwedeng magkamali," mariin niyang sabi habang ang higpit ng pagkahawak sa telepono. Kulang na lang ay mapiga na ang mga ito. Napabuntonghininga lamang ang nasa kabilang linya. "Are you questioning my skills, Mr. Wageman?" malamig na tanong ni Rough. ''No, I didn't even say that, Rough. I'm just asking! What the hell is happening? It is her. I'm sure of it! She is Ocea

