Teaser
"What the!" Gigil na turan ni Penelope nang mapansin sinadya ni Laurice ang ginawa.
"How dare you, bītch!" Akmang lalapitan niya sana ang malditang si Laurice nang mabilis na pumagitna ang dalawang kapatid nitong lalaki.
"Enough!" Halos parang kulog ang boses ni Israel nang sumigaw ito.
"Let's go, Penelope," bulong sa kanya ni Isaiah. Hindi makapaniwala si Penelope, buong akala pa naman niya ay siya ang kakampihan ng kanyang boyfriend.
"How dare her insulting me, Isaiah!" Inis na nagpupumiglas siya mula sa pagkakahawak ng kanyang kasintahan. Kasalukuyang kinaladkad kasi siya ni Isaiah palabas ng party.
"She's drunk," simpleng sagot lang ni Isaiah sa kanya.
"Really, gano'n lang ang sasabihin mo sa akin? Hindi niyo man lang pagsasabihan ang kapatid niyo?" Hindi makapaniwalang tanong niya.
"Pwede ba Penelope, stop acting na walang utak ang kapatid ko. Ano bang kasalanan sa'yo ni Laurice at gano'n na lamang kainit ang dugo mo sa kapatid ko?"
Sumilay ang pilyang ngiti sa mga labi ni Penelope nang mapagmasdan ang pag-igting ng mga panga ng kanyang super hottie na kasintahan.
Aaminin niyang hindi lang siya ang naging girlfriend ni Isaiah okay lang sa kanya at least isa siya sa mga babaeng pinulot nito.
Halos lumuhod pa nga siya sa harapan nito para lang mapansin dahil sa plano niyang mapabilang sa circle of friends nito, isa pa ay siya ngayon ang flavor of the month nito.
Kahit gano'n pa man ay mataas ang respeto ni Isaiah sa kanya. Pasalamat na lamang siya sa isiping iyon.
Hindi lingid sa kanya na sobrang protective ng dalawang lalaki sa nag-iisang kapatid nitong babae. Minsan, hindi niya maiwasang mainggit kay Laurice.
"Hindi mo ba nakita ang ginawa niya sa akin, look at my dàmn dress," inis niyang turo sa basang-basa niyang damit.
"Hindi gagawin ni Laurice 'yan kung hindi mo siya sinubukang galitin, kilala ko ang kapatid ko, Penelope."
"Of course, kapatid mo siya kaya siyempre naman siya ang kakampihan mo. Sino lang ba ako?"
Nagulat siya nang bigla siyang talikuran ni Isaiah sabay iling na dagli rin naman niyang hinabol. "Sandali lang, Isaiah!"
"What?" Salubong ang kilay ni Isaiah nang lingunin siya nito.
"I'm sorry, hindi ko napigilan ang sarili," aniya at dahan-dahang inabot ang kabilang braso ni Isaiah pero iniwas ng huli.
"Saka na tayo mag-usap kung nasa tamang huwisyo ka na," seryosong tugon sa kanya ni Isaiah at walang-sabing iniwan siya nito.
Nasundan na lamang niya ng tingin ang papalayong kasintahan. Saka niya napansin ang pagtulo ng mga luha mula sa kanyang mga mata.
Sigurado na naman siyang kay Laurice ang punta ni Isaiah. Naiinis siya dahil mas super protective si Isaiah kaysa kay Israel when it comes to Laurice the bītch.
NASA SARILING KWARTO si Laurice kung saan dinala siya ng kanyang Kuya Israel. "Sana hindi mo iyon ginawa kay Ms. Ty."
"She provoked me, kuya. Ano sa tingin mo ang gagawin ko sa babaeng iyon ang hayaan na lamang siya sa nais niya? No way!"
Narinig niya ang marahas na buntong-hininga ng kanyang Kuya Israel. "Matuto ka kasing makinig, Lau."
"I'm listening kuya, hindi ba kita pinakikinggan?" Hindi niya napigilan na mapasimangot. Mayamaya ay narinig nila ang pagkatok ng pinto. Halos lumuwa ang puso niya sa kaba dahil alam niyang si Isaiah iyon.
"He's here," ani ng kanyang Kuya Israel.
Kailangan niyang mag-relax at baka mahalata siya ng kanyang Kuya Israel. Matagal na niyang inalis sa sistema na bawal ang damdamin na kanyang nararamdaman, akala niya mawawala pero nang bumalik ang kanyang Kuya Isaiah mula sa US ay mas lalong umusbong pa ang damdamin na dati akala niya infatuation lang. Kinakabahan na siya sa silakbo ng kanyang damdamin. Hindi ba't kaya niya nagawa kay Ms. Ty ang sabuyan ito ng wine sa mukha at pati damit ay nabasa dahil sa inis niya rito nang makita itong kasama ang kanyang Kuya Isaiah plus pang nalaman niyang heto ngayon ang flavor of the month ayon na rin sa narinig niya sa ilang mga circle of friends niya na walang ibang ginawa kundi ang dalhin siya sa kalokohan, pero hindi sa kanyang ikasasama, dahil kahit paano alam niya kung sino ang pwede niyang pagkatiwalaan.
Hindi pa sila talagang nagkausap ng kanyang Kuya Isaiah dahil nga busy ito lalo na at isa na rin ito sa magma-manage ng ilang mga negosyo ng kanilang mga magulang tulad ng kanyang Kuya Israel.
Israel is older than her in just 25 seconds. Iyon ang naalala niyang sabi ng kanyang Mama Lorie.
"I think, hindi pa kayo nagkausap since dumating siya, hindi ba? Siguro heto na ang pagkakataon niyo." Nakangiting ginulo ng kanyang Kuya Israel ang kanyang buhok na siyang ikinasimangot na naman niya.
"Kuya, I'm a woman already," alma niya sa ginawa nito.
"You're still my baby sis," tudyo sa kanya ng kanyang Kuya Israel.
Gusto niyang hawakan sa kabilang-braso ang kanyang Kuya Israel na huwag siya nitong iiwan kaya lang magtataka ito sa tila childish act niya kung sakali. Nakagat niya ang kanyang pangibabang-labi. Handa na ba siyang makita at makausap ang lalaking matagal ng gumugulo sa kanyang isipan?
Kanina nang makita niya ito sa enkwentro nila ni Penelope ay halos himatayin siya sa napakalakas nitong dating at sa bilis ng pagtibok ng kanyang puso na dati ay hindi gano'n kabilis kung tumibok, nabuhay lang nang makita ang nag-iisang lalaking nakakagawa niyo'n.
Damang-dama niya ang panlalamig ng kanyang mga kamay. Iyong tipong sobrang tense niya?
Hanggang sa binuksan na nga ng kanyang Kuya Israel ang pinto ng kanyang kwarto at pumasok ang kanyang Kuya Isaiah. Konting usap lang ang nangyari sa dalawa at nagpaalam na rin sa kanilang dalawa ang kanyang Kuya Israel.
"Laurice, how are you?" Tinig palang ng kanyang Kuya Isaiah ay naliligalig na naman ang kanyang puso. Para siyang hinihingal sa bilis ng pagtibok ng kanyang puso. Tila ba kayhirap huminga nang narito na ang lalaking naging dahilan ng nangyari kanina.
"F—Fine, thank you, Kuya Isaiah."
Hindi siya makatingin ng diretso sa mga mata nito. "Ibig sabihin may kasalanan ka dahil hindi ka makatingin ng diretso sa aking mga mata."
Gusto niyang isigaw dito kaya siya hindi makatingin ng diretso dahil sobrang kaba ng kanyang puso. Tang-ina, bakit ba kasi kaylakas ng dating ng presensiya nito sa kanya?
"Just forget about it," ani ng kanyang Kuya Isaiah.
Alam niyang tinutukoy nito ang tungkol sa nangyari kanina. Wala siyang maapuhap na sasabihin, gusto niya tuloy sapàkin ang sarili. Hindi naman siya ganito, pero bakit nga ba nabato-balani siya palagi kapag kausap niya ang kanyang Kuya Isaiah. Lalo na ngayon na kapwa na sila adult.
Naaalala pa niyang maraming babaeng nagkandarapa rito na halos manginsay pa sa sobrang kilig kapag ito'y ngumiti. Inaamin niyang isa siya sa mga babaeng iyon.
Napaigtad siya nang masuyong hawakan nito ang kanyang baba upang pagtagpuin ang kanilang mga mata. Kitang-kita niya ang kakaibang ningning sa mga mata ng kanyang Kuya Isaiah.
"Aren't you happy to see me?"
Napa-mura siya ng ilang beses sa sariling isipan nang sumilay na naman sa mga labi ng kanyang Kuya Isaiah ang ngiting nagbigay kiliti sa kanyang puso. Akala niya mawawala na ang mga nararamdaman niyang kababalaghan dito pero mas lalo lang nag-uumigting gayong nasa tamang edad na sila. Ilang heartache na ba ang tiniis niya sa tuwing may babaeng na li-link dito? Well, hindi na niya mabilang. Siya lang ang nakakaalam na umiiyak siya, Minsan kapag mugto naman ang kanyang mga mata ay sinasabi na lamang niya dahil sa pinanood niyang Korean drama na sobrang nakakaiyak. Ilang manliligaw na rin ang binasted niya at hindi pinagtuunan ng pansin dahil sa kanyang nararamdaman para sa kanyang Kuya Isaiah.
"O—Of course... I'm happy to see you, k—kuya," nauutal pa niyang sagot dito.
Mas lalong naligalig ang kanyang puso nang haplusin ng kanyang Kuya Isaiah ang kanyang baba na may pagsuyo. "Hindi ko akalaing mas lalong tumingkad ang ganda mo habang tumatagal," simpleng papuri lang iyon pero para kay Laurice para siyang dinuduyan mula sa narinig mula sa kanyang Kuya Isaiah.
Parang tumigil ang mundo ni Laurice sa ginawa sa kanya ng kanyang Kuya Isaiah. Amoy na amoy niya ang pamilyar nitong pabango na talaga namang nanunuot sa kanyang ilong. Para bang nasa isang lugar sila na sila lamang dalawa ang naroon. Feeling niya natupad ang kanyang mala-fairy-tale na sitwasyon iyong tipong sila lamang dalawa sa iisang lugar.
Malaya niya tuloy napagmamasdan ang gwapong mukha ng kanyang Kuya Isaiah. Mas lalo lang itong gumwapo sa kanyang paningin. Kaya hindi na siya magtataka kung bakit maraming babae ang bàliw na bàliw dito.
"Hey, are you with me, princess?" pukaw sa kanya ni Isaiah.
"H—Ha? A...e...a—ano nga ulit 'yon, k—kuya?"
Pabirong pinisil ni Isaiah ang kanyang ilong dahilan para mapasimangot siya rito. Kung kanina ay medyo at ease siya ngayon ay parang inaalis ng pagiging pala-asar nito ang awkwardness na siyang labis niyang ipinagpasalamat.
"Bakit ka ba nauutal, na star-struck ka ba sa ka-gwapuhan ng kuya mo?" biro pa ni Isaiah sa kanya. Kahit kailan talaga pinapasaya ng kanyang Kuya Isaiah ang kanyang mood plus pa ang kakaibang kaba at ang tipong tila kinikiliti ang kanyang puso sa matinding kilig.
Alam niyang mali ang nararamdaman niya para sa sariling kapatid pero paano nga ba niya mapipigilan ang damdaming matagal na niyang itinatago?
"Hindi ka parin nagbabago ikaw pa rin ang nang-aasar kong kapatid," aniya habang pinipilit na pigilan ang kilig.
"Next time iwasan mo ang gulo, okay?"
"Depende kung talagang nais nila ng gulo, you know me well, kuya."
Kailangan pa niyang ikuyom ang mga kamao para alisin ang panginginig ng kanyang mga kamay, mas lalong lumapit kasi sa kanya ang kanyang Kuya Isaiah at natatakot siyang baka hindi siya makapagpigil at baka mahalata siya nito.
"Namiss mo ba ako, kuya?" tanong niya rito.
"Ilang taon din tayong hindi nagkita, bakit hindi? Sandali nga lang, bakit nga pala hindi ko alam ang new number mo?"
"A...e, teka, hindi ka ba nabigyan ni Kuya Israel?"
"Nope, mas busy pa sa akin si Israel and you know that."
Ayaw man niyang mahiga sa matipuno nitong dibdib ay wala na siyang magawa dahil iyon ang sinasabi ng kilos ng kanyang Kuya Isaiah. Siguro sinulit nito ang oras na magkasama sila dahil alam niyang busy na rin ito sa mga susunod na araw.
"Balita ko basted lahat ng mga manliligaw mo, I'm wondering about kung bakit?"
"Wala akong natipuhan isa man sa kanila," sagot niya.
Gusto niya sanang idugtong na ikaw lang ang lalaking nagbigay kilig at ligalig sa aking puso pero hindi niya magawa, ano siya bali? Lihim na lamang siyang napangiti sa naisip.
Hindi sinasadyang sabay pa silang napahikab. "I guess I have to go, sleep tight, princess."
Ayaw pa sana niyang umalis ang kanyang Kuya Isaiah pero wala na siyang magagawa. Heto lang ang nag-iisang tumawag sa kanya na princess na siyang labis na nagbigay kilig naman sa kanyang kinikiliting puso. Aaminin niyang nanghinayang siya nang akmang aalis na ito.
Pumikit siya at dinama na lamang ang mainit nitong labi na ngayo'y lumapat sa kanyang noo. Umaasa siyang sana ay sa mga labi naman niya lumapat ang mga labing iyon. Pero agad din niyang sinita ang sarili.
"Sandali, nasaan si Penelope?" tanong niya sa kanyang Kuya Isaiah.
"She's fine, I can handle her."
Hindi niya parin kayang salubungin ang mga mata ng kanyang Kuya Isaiah. Nakakatakot at baka mabasa nito ang kanyang nadarama.
"Mabuti naman kung gano'n. Hindi ko naman talaga gus—"
"I know, just forget about it, hindi ba't iyan ang sinabi ko sa'yo kanina? Ayokong ma stress ka pa na isipin iyon, do you understand?"
"Yes, kuya."
"Good. Sige na, matulog ka na at mukhang malalim na ang gabi."
"Happy birthday, kuya," ang huling sinabi niya. Muli ay nakangiting lumapit sa kanya ang kanyang Kuya Isaiah at mas lalong niyakap siya nito ng buong-higpit.
Bakit gano'n, ibang-iba ang yakap nito kumpara sa yakap ng isa niyang kuya na si Israel? Tila ba may kakaiba sa yakap ng kanyang Kuya Isaiah na may nais ipahiwatig na hindi niya mawari.
Pero agad din niyang iwinaksi ang iniisip. Masasaktan lang siya sa mga very assuming niyang damdamin.
"Good night," bulong sa kanya ng kanyang Kuya Isaiah. Hayan na naman ang kiliti na kanyang nadarama.
Dàmn.