Kabanata 2

1223 Words
Matuling lumipas ang ilang araw ay naging smooth ang naging takbo ng kanyang buhay kahit pa nga sabihing mahirap para sa kanya sa tuwing nakikitang nakipaglampungan ang kanyang Kuya Isaiah sa kahit sinong babae. Hindi lingid sa kanya na womanizer ang kanyang dalawang kuya. "Hindi pa ba umuuwi ang Kuya Isaiah mo gayong kaarawan ng MamaLa ninyo ngayon?" tanong ng kanyang inang si Lorie sa kabilang linya. "Subukan ko po siyang tawagan, Mama." "Thanks, sweetie." Sumilay ang matamis na ngiti sa kanyang mga labi. Nang pàtàyin ng kanyang ina ang kabilang linya ay muli niyang kinontak ang kanyang Kuya Israel. Sa malas ay hindi niya ito makontak. Nakalimutan ba ng mga ito ang kaarawan ng kanilang MamaLa. Kung kanina ay masaya siya biglang napalitan ng kalungkutan ang kanyang nadarama. Atubili naman siyang tawagan ang kanyang Kuya Isaiah. Naunahan kasi siya ng kaba. "Ma'am, nariyan po sa labas ang kaibigan niyong si Lea." "Papasukin niyo po siya, Manang." "Sige ho." Mayamaya ay narinig niya ang ilang mga yabag na papalapit sa kanyang kinaroroonan. "Lau?" Nilingon niya ang kaibigan na si Lea. "Salamat at pinaunlakan mo ang imbitasyon ko." Si Lea ang nag-iisa niyang best friend. "Mahindian ko ba ang maganda kong kaibigan?" nakangiting biro sa kanya ni Lea. Sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi na kanina lang ay nakaramdam siya ng lungkot. Palibhasay mabilis lang siyang magpalit ng mood. "Mabuti na lang at hindi ako busy. By the way, wala nga pala akong dalang sasakyan." "Okay lang, sa kotse ko nalang tayo sumakay. So far kailangan ko pang kontakin sina Kuya Israel at Kuya Isaiah. Kung hindi parin nila sasagutin ang mga tawag ko, tulungan mo akong puntahan sila sa kani-kanilang mga condo unit, okay?" "What?!" Bulalas ni Lea sa kanyang sinabi. "P—Pero..." "Ayaw mo gano'n? Akala ko ba crush mo ang Kuya Israel ko? Paano ka niya mapapansin niya'n kung ni konting motibo ay wala kang gagawin? Kahit man lang konting pagpapansin? Gosh, Lea!" Palatak niya sa mahinhin niyang kaibigan na si Lea na daig pa ang isang taong hindi makabasag ng pinggan. Nagulat siya nang takpan ni Lea ang kanyang bibig, nakangiting inaasar lang niya ito. "Kaloka ka, paano kung marinig tayo ng Kuya Israel mo, e, 'di buking na ang cute mong kaibigan?" Hindi maipinta ang mukha ni Lea nang sabihin iyon sa kanya. "Sus, ang aminin mo kinikilig ka sa tuwing tinutudyo kita sa kuya ko." "Oo naman at hindi ko iyon itatanggi. Okay na akong makita siya na masaya, mahirap mangarap lalo na at isang Aurelius. Crush stage na lang muna ang beshy mo mahirap na." Tulad niya para kay Kuya Isaiah niya ay matagal na ring crush ni Lea ang kanyang Kuya Israel, same sila ni Lea na inakalang infatuation pero habang tumatagal ay mas lalong umusbong ang damdaming pilit nilang pinapatày noon. "Sa tingin mo ba love na itong nararamdaman ko para sa kapatid mo, Lau?" "Siguro, matagal na 'yan, e. Elementary pa tayo crush mo na si Kuya Israel hanggang ngayon siya pa rin. May ilang manliligaw ka ring tulad ko pero lahat sila hindi mo binigyang-pansin dahil nga love na iyang nadarama mo para sa kapatid ko." "Ang hirap ma in love sa isang womanizer, masakit," ani Lea sa kanya. Tulad niya ay relate siya rito. Aaminin niyang matagal na silang magkaibigan ni Lea pero hindi niya parin sinabi rito ang tunay niyang nararamdaman para sa kanyang Kuya Isaiah. Dahil para sa kanya mananatiling lihim ang nararamdaman niya para sa kanyang Kuya Isaiah na masasabing untold love. "Yes, masakit hindi mo kayang maipaliwanag kung gaano kasakit," aniya. Iminuwestra niya ang sofa at naupo sila ni Lea. "Manang, ipaghanda niyo nga kami ni Lea ng meryenda," utos niya. "Yes, ma'am." "Humuhugot ka yata, so, who's the lucky guy na bumighani sa pihikan mong puso?" tudyo sa kanya ni Lea. She rolls her eye balls sa tanong na iyon ng kanyang kaibigan. "Duh, hugot ba iyon?" "Yes, hanggang kasuluk-sulokan ng puso ang mga katagang iyon. Hindi mo ako pwedeng pagsinungalingan, Lau. I know you well, tahimik ka lang pero alam ko kung sinong lalaki ang tinatangi mo." Medyo naalarma siya sa narinig mula kay Lea pero mas pinili niyang umaktong maging kalmado. Walang pwedeng makaalam sa kanyang baliw na damdaming na masasabi niyang bawal na pag-ibig. "Really, sige nga hulaan mo." Nakangiting hamon niya sa kaibigan. "Hindi mo man sabihin pero alam ko na siya ang lalaking iyon." Natawa siya sa makahulugang tingin na ipinukol ni Lea sa kanya. "Spill out, Lea." "The man, or should I say the brother, who's more overprotective than the other one. I never get my instincts wrong, Lau." Hindi niya inaasahan na tama si Lea sa sinasabi nito pero hindi niya pwedeng aminin iyon sa kaibigan. Halos hindi siya makahinga sa hula nito sa kanyang damdamin. "Am I right?" tudyo pa ni Lea sa kanya. Sa huli ay nagawa niyang tumango sa kaibigan. "Uh, uh... paano na 'yan? That's...I guess, incest, Lau." "Kaya nga mananatiling lihim itong nararamdaman ko." "Subukan mong buksan ang iyong puso sa ibang lalaki, how about Mr. Del Mundo?" Naalala niya si Mr. Del Mundo. Isang mayamang negosyante na walang ibang ginawa kundi ang pagiging masipag sa panliligaw sa kanya. Pero kahit anong gawin niya ay walang pwedeng pumalit kay Isaiah sa kanyang puso. "I can't, mas masakit kung magpapaasa ka lang ng tao. Mas maigi parin iyong diretsang sagot kaysa ang maghintay sa wala," sagot niya sa kaibigan. Mayamaya ay dumating na rin ang kanilang meryenda. "Narito na ho, ma'am." "Pakilapag na lang sa mesa, Manang." Pagdakay inaya niya si Lea na kumain ng cookies and lemonade. Hindi naman nagtagal ay dumating ang kanyang Kuya Israel. Biglang umasim ang mukha nito nang makita ang kaibigan niyang si Lea. "Hi, I'm sorry kung hindi ko nasagot ang tawag mo. Don't worry I remember MamaLa's birthday. Tinawagan ko na rin si Isaiah. Sumabay na kayo sa'kin papunta sa venue mamaya, okay?" turan ng kanyang Kuya Israel. "Alright, kuya." "Hmmm... hindi ko akalaing kasama mo pala ang Manang mong kaibigan," tudyo ni Israel kay Lea dahilan upang ma-bad-trip na naman ang kanyang kaibigan. Paano ba naman kasi ay parang Manang kung manamit itong kaibigan niyang si Lea. "Shut up, Israel. Hindi ka nakakatuwa. Huwag kang mag-alala at may pangmalakasang damit ako mamaya sa party. Tingnan lang natin kung hindi luluwa iyang mga mata mo kapag nakita mo ako," inis na sagot ni Lea sa kanyang kapatid. Siyempre, hindi niya napigilan na mapangisi sa asaran ng dalawa. "Well, see you, babe," tudyo lang ng kanyang Kuya Israel sa kaibigan niyang halatang namumula na sa inis. "Talaga, kaya humanda kang damuho ka." "Of course, kaya ako lang ang escort mamaya at wala ng iba, okay? Well, that's an order," pilyong turan ng kanyang Kuya Israel sabay pingot pa sa ilong ng kaibigan niyang si Lea. "Dàmn you!" Asik ni Lea sa kanyang Kuya Israel. Isang malutong na halakhak lang ang siyang naging tugon nito saka sila nito tinalikuran. Alam niyang kinikilig na ang kanyang kaibigan pero tulad niya ay magaling din itong magtago ng nararamdaman, hindi tulad ng ibang babae na hayagan mapansin lang ng lalaking crush. "Kung alam mo lang, Lea. Kinikilig talaga ako sa inyo kapag nag-aasaran na kayo ni Kuya Israel." "Isa ka pa, tumahimik ka," inis na sagot sa kanya ng kaibigang si Lea.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD