Chapter 1
KABILANG ang buhay namin sa mababang uri o tinatawag na LOW CLASS. Inaamin kong nasa marangya at tanyag akong Unibersidad. Iyon nga lang ay kabilang ako sa miyembro ng mga estudyante na walang kakayanan magbayad ng tuition fee. Oo, scholar ako. Scholarship ang takbuhan ng mga tulad kong may utak pero walang pera. Masakit man isipin nguni't iyon ang totoo.
Ako nga pala si Reign Annie Tanhueco, second year college. Hindi kagandahan pero may kabutihang taglay.
Hindi ako palakaibigan iyon ang sinabi ng iba pero ayos na sa akin 'yong dalawang masasamahan basta totoo at walang lamangan. Gusto ko sa isang tao ay totoo at hindi pakitang-tao. Ugali ko kasi na kapag mabait ka sa akin ay ganoon din ako pero kung asal mo hindi kaaya-aya sa lipunan kalimutan mo na ako. Hindi ko kailangan ng mga taong pagtitiyagaan ko ang masamang ugali.
"FRENNY, magtago tayo," hinihingal niya kong hinatak papalayo malapit sa hagdanan. Si Nicole ang best friend ko, A.K.A 'Frenny'.
"Ano?" Nagtataka kong usisa nang magtago kami sa ilalim ng stair.
Maya-maya may mga yabag ng sapatos kaming narinig pababa sa hagdanan. Napakahigpit nang pagkakahawak sa akin na halos bumakat ang kamay nito sa braso ko. Nang wala na kami narinig na ingay ng sapatos ay nakuha namin lumabas sa pagkakatago. Sisilip-silip ang kaibigan ko sa buong paligid bago ako tingnan ng maigi.
"Thanks God, nahanap din kita, " bulaslas niyang nakahawak pa rin sa balikat ko.
"Anong nangyari sayo? May pinagtataguan ka ba?"
Bumuga muna ng hangin, "May hinarang na naman ang Lucifer Kingdom sa ikatlong palapag ng building mabuti nakatakbo kaagad ako kung hindi patay ako nito. Panigurado 'yong init ng ulo nila sa akin mabubunton nakakatakot pa man sila lalo si Cedric."
Tila hihimatayin pa yata itong kaibigan ko dahil sa takot.
"Kumalma ka lang sino ba si Cedric? saka sino 'yong mga Lucifer Kingdom kamo?" parang ngayon ko lang narinig ang pangalan nila.
Nag-smirk. "Hindi mo kilala ang leader ng Lucifer Kingdom? Kabilang sila sa high class at ang buong miyembro ang nagmamay-ari ng University na 'to!" bulyaw niya sa akin.
"So?" Naiinis ako sa sinasabi niya. Sino ba sila? Ano kung sila may ari ng university?
"Anong so? Gangster sila maraming umiiwas sa grupo na 'yon dahil sa asal nilang demonyo."
Inirapan ko nalang siya sa inis.
"Wala ka kasing pakialam sa mga taong nasa paligid mo ang gusto mo lang ay 'yong mag-aral nang mag-aral." nagmamaktol niyang sabi.
"Hangga't wala akong ginagawang masama hindi ko sila makikilala."
"Ewan ko sayo basta iwasan mo sila. Once na makasalubong mo ang isa sa kanila o ang mismong Lucifer dapat ka nang umiwas."
"Bakit ko gagawin ang bagay na iyon? Hari sila?" sarcastic kong tanong.
"Ano ka ba! Si Cedric Lee kasilag ang tinatawag nilang Young Master. Ang ibig sabihin, mula siya sa malaking pamilya at sa kanya ipapamana ang kayamanan ng Kasilag family."
"Okay," walang gana kong pagsang-ayon.
"Pumapatay din sila ng tao."
"Mayaman pero pumapatay ng tao sa anong dahilan? Ang pagkakaalam ko ang mga mayayaman tahimik lang 'yan habang nagpaparami ng pera except na lang kung papatay sila dahil sa pera."
"Ginagawa nila 'yon dahil sa kanila ang unibersidad na 'to." halatang inis na.
"Tapos? Ganoon na 'yon? Karapatan na nila pumatay dahil sa kanila ang unibersidad na 'to? Wow, ang cool pero nakakainis."
"Hindi sila basta-basta. Bibigyan ka nila ng White stub kung nakagawa ka nang kasalanan. Blue stub naman kung naulit pa ang ginawa mo at humanda ka dahil lahat ng tao iiwasan ka. Iisipin nilang kaaway ka nang Lucifer Kingdom. Pero ang huling stub ang dapat mong iwasan. Black Stub, hindi ka lang iiwasan ng mga tao dahil sa kasalanan at warning sayo, kung hindi sila mismo ang gagawa ng paraan para mapatay ka. Swerte mo na lang kung hindi ang Lucifer Kingdom ang papatay sayo pero syempre malas ka pa rin kung maraming tao ang pagtutulungan kang patayin."
Nakaramdam ako nang takot. Takot na baka mapabilang ako sa mga bibigyan ng stub kung sakaling makita ko sila.
"Anong klaseng paaralan 'to?"
"Matagal nang ganito ang sistema ng paaralan natin. Hindi mo lang masyado pinapansin dahil abala ka sa pag-aaral."
"Okay lang iyon naman talaga layunin natin dito 'di ba? Ang mag-aral nang maigi para sa pangarap hindi para makisangkot sa gulo ng ibang tao at isa pa, never ko silang makikilala dahil iniiwasan ko ang mga ganoong tao. Ayoko makipag-usap sa iba lalo kung hindi ko kilala."
"Bahala ka, huwag mo sabihin na hindi kita binalaan malawak ang unibersidad pero malaki ang posibilidad na magkita ang landas niyo ng Lucifer Kingdom mabuti na 'yong nag-iingat."
"Fine." sabi ko na lang bago ito magpaalam sa akin upang pumasok sa susunod niyang klase.
Sino nga ba ang mga miyembro ng Lucifer Kingdom? Bakit hindi ko yata nakilala dati. Masyado na ba ko subsob sa pag-aaral kaya hindi ko namalayan na nasa university ako ng mga gangster? 'Di bale, who cares magpatayan sila hangga't gusto nila basta ako mag-aaral ng mabuti at gra-graduate.
Nakapasok na ko ng room namin tahimik ang lahat nang makita ako. Syempre, pinapatay na naman ako sa isipan nila.
"May binigyan na naman na white stub ang Lucifer Kingdom walang kadala-dala." sabi ng babae ba hindi ko know pangalan.
"White stub pa lang halos lahat nang nabigyan ng white stub hindi umaabot ng blue at black. Aba, takot lang nila kay Cedric." sabi ni Unique.
Si Cedric na naman curious na tuloy ako sa kanya.
Kahit nasa oras ng klase nakukuha nilang mag-chismisan. Kawawang professor namin laging binabastos sa harap ng klase.
"Maraming humahanga kay Cedric pero marami rin takot umamin dahil sa nakakatakot niyang imahe naalala niyo 'yong babae?"
"Ah oo 'yong babae no'ng isang araw." sabi ni Era.
"Yes, lakas loob mag-abot ng sobre kay Cedric. Kaya ayon, until now hindi tinatantanan ng mga miyembro ng Lucifer Kingdom."
"Kawawa nga, eh."
"Hangga't maaari iwasan mong huwag magustuhan ang isa sa kanila dahil sigurado magiging delubyo ang buhay mo." Napansin yata nila na nakikinig ako kung kaya't itinuon ko ang buong atensyon sa itinuturo ni Prof.
Ang huling sabi ni Nicole ay sa canteen kami magkikita pero hanggang ngayon wala pa rin ito. Umorder ako ng pagkain dahil kanina pa kumakalam ang sikmura ko at dahil bihira lang makakain dito ay lulubos-lubusin ko na. Madami pa kaming bayarin sa bahay kung kaya't tipid pa rin kahit paano.
Mga walong kalalakihan ang pumasok sa loob ng canteen. Tila may dumaan yatang anghel nang makita sila dahil sa sobrang katahimikan ng lugar. Halata rin na nasa high class sila dahil sa tindig ng kanilang pangangatawan at itsura. Kaagad napukaw ng aking mata ang lalaki na nangunguna sa paglalakad.
Sino kaya sila? Bakit parang takot ang karamihan ng estudyante rito?
"Lumayas ka diyan sa kinauupuan mo kung ayaw mong mabigyan ng stub!" sa palagay ko nasa 6'1 lang siya, samantalang ang iba ay nasa 6'2. Siya ang pinaka-maliit at may kulay ang buhok na red.
He is a bad man.
Halos magkandarapa ang pinaalis niyang babae sa puwesto nito kasama ang ibang kababaihan.
Tahimik pa rin ang mga tao hinihintay kung ano pa ang puwede mangyari.
"ANO? KAKAIN KAYO O STUB ANG KAKAININ NYO?!" bulyaw ng lalaking may panyo sa leeg.
Parang mga langgam ang mga estudyanteng bumalik sa kani-kanilang kinakain at ako? Heto tulala pa rin sa walong lalaki.
Lumapit sa kanilang puwesto ang isang babae na may dalang cake. Sa palagay ko siya ang nag-bake no'n dahil sa hindi maayos ang pagkakagawa. Hindi ko naunawaan ang sinabi ng babae dahil sa malalakas na tawanan ng mga lalaki.
Tumayo ang pinaka leader yata nila tapos seryosong nakatingin sa babae.
"Ginawa ko 'to para sayo." Desperada, uso na ngayon ang pagiging desperada. Kung dati lalaki ang nanliligaw ngayon ay baliktad na.
Ilang minuto tahimik ang mga tao at maging ako ay naghihintay sa gagawin ng lalaki.
"Ako mismo nag-bake nito para sayo Cedric," Ulit niya pero hindi ko inaasahan na maibagsak ko ang kutsara na hawak ko.
Naghuhurementado ang puso ko dahil sa kaba lahat ng tao rito sa akin ang tanaw. Ang hindi ko lang maunawaan kung bakit may humatak sa akin palabas ng canteen. Ngunit balewala sa akin yun dahil inintindi ko ang ginawa ni Cedric sa babae. Isinaboy lang naman niya ang cake na hawak sa mismong mukha nito. Grabe ano? pahiyang-pahiya tuloy ang babae sa mga taong nakasaksi ng pangyayari.
Siya si Cedric.
Nakita ko na ang buong miyembro ng LUCIFER KINGDOM.
A Y IE S H IE N