"Ang akala ko ba kayong dalawa lang nandito? Kaya ko nga sinama si Cedric para makapag-usap sila," paniniguro ni Peps sa girlfriend. "Oo nga, actually kadarating lang niya," sumesenyas sa akin si Shien na lumayo kay Dexter. Halos magkadikit na kasi kami dahil tumayo ito para tingnan kung si Cedric nga ba 'yong dumating. Naglakad ako palapit sa kinatatayuan ni Shien. "Masama bang magkita sila?" Bulong sa'kin ng kaibigan ko. Marahil pansin nitong hindi natitinag ang titigan ng dalawa. "Si Dexter lang naman ang may-ari ng Angelic University. Ang nakakuha ng New Rank sa chart," "Omg, totoo?" halos saluhin nito ang dibdib sa sobrang gulat. I nodded, bago lapitan si Peps. "Puwede ba lumabas muna kayo? Kasi---alam mo na," Kabado kong utos dito. "Iyon ay kung papayag siya?" Same kami luming

