Marnelie's POV Nandito ngayon ang Mama ni Cedric. Sinasabi ko na nga ba at maniniwala siya sa akin kahit hindi nito feel makipag-usap. So what, ang dahilan kung ginawa ko ang bagay na iyon ay dahil desperada na kong makuha ang lalaking mahal ko. Hindi na ko puwede magpatumpik-tumpik pa, baka heto na rin ang last chance na ipaglaban ko ang minsan kong nararamdaman para sa kanya. Si Cedric, oo siya, medyo nakakainis lang kasi dahil si Reign ang gusto niya kahit alam niyang gusto ko siya. Masama na ba iyon? Minahal ko si Axel, pero kaagad din akong na tauhan sa nangyari. Dahil din naman sa kanya kung bakit nagawa kong mag-move-on sa lalaking minsan kong minahal kahit bawal. "She's there," bulaslas sa akin ni Thine gamit ang kanyang bulong. Buntong hininga kong tinanaw ang pinanggalingan ni

