Chapter 10

2112 Words
Nakagayak na at paalis ni sila Efrim at Tam papuntang bar nang tumawag ang bantay na inutusan niyang magbantay kay Nami. Gusto daw nang dalaga na papuntahin ang mga kaibigan nito dahil hindi naman daw ito maaring lumabas, kaya ang mga ito na lang daw ang pupunta sa mansyon. “Hindi ako ang magdedesisyon n’yan, ipapaalam ko muna iyan kay Mr. Dixon!” alanganin niyang tugon dito. “Pero sir nagwawala na po si Ma’am, kung hindi daw po s’ya papayagan sa gusto niya, tatalon daw siya sa bintana.” Sumbong nito. “Hayyy! Hayaan mo siyang tumalon,” tugon niya sa kausap. “Sir naman, ang lakas mo ding magbiro. Baka totohanin at lalo tayong malagot niyan.” Anito nasa tingin niya ay napakamot ng ulo. “Ipapaalam ko muna kay Mr. Dixon, kaya bantayan n’yo siyang mabuti. Tatawagan na lang kita ulit mamaya,” bilin pa niya dito bago putulin ang kanilang pag-uusap. Saka niya tinawagan ang matanda at ipaalam dito ang sitwasyon ngayon sa mansyon. Pero kahit ayaw nito sa ideyang may ibang tao na magpupunta sa bahay nito ay wala rin itong nagawa dahil baka kung ano pang maisip ng dalaga kung hindi ito pagbibigyan sa gusto nito. Matapos ang usapan nila ng matanda ay agad siyang tumawag sa mansyon para ipaalam ang pagpayag ng matanda sa gusto ng dalaga. Pero mariin niyang binilinan ang mga tagabantay na doblehin ang pagbabantay dito, dahil tuso ang dalaga at baka masalisihan sila. Tinawagan din niya si Sgt. Santos para doblehin din nito ang pagbabantay sa labas ng mansyon. “Ano kuya Efrim, ready ka na bang umalis.” Untag ni Tam nanakatingin at matamang inaantay ang kanyang hudyat. Nang tumango siya ay agad din nitong pinaandar ang sasakyan. At nang makarating sila sa lugar kung saan nagtatrabaho si Yang-yang ay napakunot-noo siya sa pagtataka, kasi wala naman siyang makita bar sa lugar. Mukhang napaka elegante ng lugar at walang bahid ng mga nag-i-inuman. Pagbaling niya kay Tam ay nakangisi ito sa kanya. “Hoy, ikaw Tam ay ‘wag mo akong pinagloloko, huh!” saka niya ito hinila sa tenga. “Aahh... ahhh! ‘wag mo naman ako pingutin kuya Efrim!” anito na pilit tinanggal ang kamay niya sa tenga nito, hinaplos-haplos nito iyon. Bahagya naman siyang nakunsensya ng makita na namula ang bahagi ng tenga nito na piningot niya. “Bakit mo ako dinala dito, diba sabi ko sa ‘yo—“ nang mapatigil siya dahil napansin niya ang isang magarang sasakyan na tumigil sa isang eskenita sa pagitan ng dalawang naglalakihan building, tanging dalawang tao lang ang pwedeng magkasya doon. “Buksan mong mabuti ang ‘yong mata kuya Efrim, walang ka bang napapansin,” ngisi nito na tila nagyayabang pa. Mas nagulat siya ng pumasok ang isang lalaki na kanina lang ay bumamaba sa magarang sasakyan sa eskanita, mukha namang dead end iyon at mukhang madumi, kaya pinagtataka niya na pumasok sa ganoon klaseng lugar ang isang mayaman na tulad nito. “Tara!” hila ni Tam sa kanya at hinila siya sa eskenitang iyon. “H’wag mo na akong hilahin dahil kaya ko namang lumakad mag-isa.” sabay hila sa kanyang kamay. Namangha siya ng makita ang isang pinto, hindi niya akalain na may pinto doon papasok. Papasok na sana sila ng biglang humarang sa pinto ang dalawang naglalakihang bouncer. “Hindi kayo pwedeng pumasok dito ng basta-basta, kailangan n’yo muna ang passcode para makapasok kayo.” At pnag-salikop nito ang mga braso na tila puputok na dahil salaki ng mga muscle ng mga ito. Nagtaka naman siya sa passcode na hinihingi nito, bigla naman lumapit dito si Tam at may pinakita saka binulungan ang dalawang bouncer na mukhang kinabahan na tumingin sa kanya. Hindi man niya alam ang sinabi ni Tam sa dalawa ay pinahanga siya nito. Nag-bow ang dalawang bouncer at saka gumilid para padaanin sila. “Ipagpa-umahin n’yo po ang inasal namin, young master Efrim. Welcome to Love City.” Nagtaka naman siyang sumunod lang sa pagpasok ni Tam na parang balewala lang sa kanya ang ginawa. Hanggang makaapasok sila sa loob ay mas lalo siyang namangha dahil hindi basta-basta ang mga tao na nandon. May ilang artista at pulitiko ang nandon. Naupo sila sa counter, saka niya muling binalikan si Tam dahil hindi niya ito matanong kanina. “Ano ‘yung pinakita mo do’n sa dalawang bouncer kanina at ‘yung binulong mo?” aniya na patuloy ang paglibot ng mata sa kabuuan ng bar na iyon. “Ipinakita ko lang sa kanila ang picture ni Chairman at saka ng isang iyon,” sabay turo sa isang kilalang government offical, isang corrupt na opisyales. Ngayon lang din niya ito napansin, kilala ang ama niya bilang isang matinik na sindikato na hanggang ngayon ay hindi mahuli-huli ng mga pulis. Kaya nga marami sa mga grupo ng sindikato, lalo na ang maliliit na grupo ang natatakot sa tuwing naririnig ang pangalan ng Ama, at sa narinig na paliwanag niya kay Tam ay alam na niya ang dahilan kung bakit sila kaagad na nakapasok. Siguradong isang sindikato ang namumuno dito. Napasin din niya ang ilang lalaki na nakatingin sa kanila at saka bumulong ang isa sa kasama nito, tumango-tango ito saka umalis. “Maging alerto ka Tam,” babala niya sa kasama. “Oo, kuya, nakita ko din.” Na tinutukoy ang mga lalaking nakatingin sa kanila. Naisip niya na siguro bagong mukha, kaya naka-alerto din ang bantay. At ganon din ang mata niya na walang tigil sa pagsuri ng bawat ditalye ng lugar. Habang umiinom ng inorder nilang alak ay may lumapit sa kanila na isang lalaki. “Magandang gabi, Sir. Kung hindi po nakaka-abala sa inyo maaari daw po ba kayong makausap ng aming boss?” magalang nitong tanong pero sa kabilang banda ay nag-uutos ang tono nito. Napatawa siya nang pagak. “Sino ba yang boss mo? siya ang may kailangan sa ‘kin, bakit hindi siya ang lumapit?” may pag-uuyam niyang sagot sabay simsim sa hawak niyang baso na may alak. Hindi niya inalis ang tingin sa lalaki hangga’t hindi ito ang mauunang magbaba ng tingin. “Kung ganoon ay maaari po ba kayong maghintay sandali at ipapaalam ko lang po sa boss ko ang inyong sinabi?” saka ito nakakalokong ngumisi. “Siguraduhin mo lang na sandali lang ‘yan, dahil madaling mainip itong young master ko” segunda ni Tam, na palihim niyang siniko. Tumingin lang ito kay Tam at saka bumalik ito sa kwartong tadtad ng body guard. Nasa taas ito at may nakasulat na VIP at ang katapat nito ay VVIP. Sa may tatak na VVIP pumasok ang lalaking kumausap sa kanila, ilang sandali na pumasok ang lalaki ay may sumilip sa salaming bintana na natatabingan ng makapal na kurtina. Pamilyar ito sa kan’ya pero hindi niya maalala kung saan niya ito nakita. Ngumiti ito sa kanya saka ito lumabas ng kwarto at pinuntahan siya. “Nice to see you here, Efrim!” bati nito at inabot ang kamay sa kanya. “Remember me?” napa-isip naman siya sa tanong nito dahil hindi talaga niya matandaan kung saan niya ito nakita. “P’wede bang sa taas na lang tayo mag-usap dahil maingay dito.” Pag-anyaya nito at sa huli ay pumayag na rin siya. “Sorry, pero nagkita na ba tayo dati?” tanong niya sa matanda. Tumawa ito at umupo na nakatukod ang braso sa dalawang tuhod nito, “Oo, pero hindi ko sigurado kung natatandaan mo pa, dahil maliit ka pa noon?” “Ano pala ang gusto mong sabihin?” balewalang tanong niya. Ngumisi ito at saka sumandal sa mala-haring upuan nito, “Gusto lang kitang i-welcome, dahil ang anak ng kilalang sindikato sa bansa ay nandito sa lugar ko. Pero mas masaya sana kung hindi na kayo muling tatapak sa lugar na ito.” anito na biglang dumilim ang anyo na nakatingin sa kanila. Natawa siya at naiiling-iling sa sinabi nito, kanina lang ay napaka-masunurin ng itsura nito ngayon ay parang handa na itong mangagat. Napatingin siya sa suot nitong singsing at biglang may pumasok na alaala sa kanya, “Naalala na kita,” aniya na tumatawa. “Ikaw ‘yung lalaki na lumuhod sa harapan ni Papa at nag-mamakaawa. Bakit ka nga pala nagmakaawa noon?” nakakalokong ngisi ang pinukol niya dito na nagpadilim lalo sa anyo nito. Tikom ang kamao nito na nakatitig sa kan’ya, “S’ya nga pala, isa rin sa dahilan ko kung bakit ako nagpunta dito, dahil hinahanap ko ang kliyente mo na humaharas sa tao ko. Kung kilala mo man ‘yon ay pakisabi na kung galawin pa niya muli si Yangyang, hindi na ako magaatubili na balatan siya ng buhay.” Saka siya tumayo at humakbang palabas, pero bago ito lumabas ay bumulong ang lalaki na nasa tabi nila. Paglabas nila nang bar na iyon ay binilinan n’ya si Tam na ipagpatuloy ang pagbabantay sa labas at loob ng bar. Dumiretso muna siya sa bahay nila bago siya magpunta sa mansyon ng mga Dixon, at dahil gusto niya makita kung ano ang kalagayan nang ni Yangyang. **** Pagdating niya sa mansyon ng mga Dixon ay agad na lumapit ang isang bantay, “Kamusta ang lagay dito?” tanong niya. “Wala naman pong naging problema, naka-alis na din po ang mga bisita niya maliban sa isang lalaki na nasa kwarto pa ni Ms. Dixon. Tumango lang siya dito at kaagad siyang nagtungo sa kwarto ng dalaga. Kakatok na sana siya ng marinig ang mga ungol na nanggagaling sa kwarto nito, na hindi man lang na i-lock ng maigi ang pinto. “Aahhh... f*ck... f*ck...” anang boses ng lalaki na halos marinig niya ang langit-ngit ng kama sa sobrang lakas ng pagbayo nito. “Aaaahhh! Baby— ugh!! aaaahhh, just like that... f*ck... aahhmmpp!” para siyang nanigas na nakatayo sa labas ng pinto sa kwarto ng dalaga. Naninikip ang dibdib niya sa naririnig na halinghing ng dalaga, mahigpit ang hawak niya sa doorknob. Nang hindi na niya matiis ay tinulak niya ang pinto sakaling huminto ang mga ito sa ginagawa. Wala siyang paki-alam kung magalit man sa kanya ang mga ito. Gustong-gusto na niyang balatan ng buhay ang lalaking nasa ibabaw ngayon ng dalaga. Nakita siya ng dalaga pagpasok niya, pero ngumiti lang ito at hindi huminto o natinag manlang sa ginagawa. “Aahhmpp, push it harder baby... aahhhh... f*ck!” anito na nakatingin pa rin sa kanya saka kinagat pa nito ang ibabang labi nito. “Yeah... baby... yeah aahhh! Just like that, ughh!” at lumingon din sa kanya ang lalaki saka ito ngumisi, sabay hawak sa kaliwang dibdib ng dalaga at ang kabila ay sinubo nito. Napaliyad naman ang dalaga sa ginawa nito. Para siyang nanunuod ng live na p*rn, pakiramdam niya ang pulang-pula ang kanyang mukha at sasabog na anumang oras dahil sa galit. “Can you go outside ahaaa!!? We’re not yet done ... uuhhhmp!” sabi pa nito na walang pakialam na may nakakita sa kanila, hindi siya makapaniwala sa nasaksihan niyang ginagawa ng dalaga. Galit na galit siyang bumaba, at inutusan ang mga lalaking bantay na pasukin ang kwarto ng dalaga at kaladkarin palabas ang lalaking nasa loob. Kinalma niya ang sarili at naupo sa sofa, maya-maya lang ay bitbit na nang mga ito ang lalaking mura ng mura at nakasuot lang ng boxer short. Malulutong na mura ang natanggap niya mula dito. “Isang buka pa ng bibig mo sabog ‘yang ulo mo!” aniya habang nag-ngingitngit sa galit, sabay tutok ng baril sa sentido nito na nagpatahimik dito. Pagtingala niya ay nakita niya ang dalaga na natapis ng kumot at naka-ngiting tumingin sa kanya, saka muling pumasok ng kwarto nito. “Itapon niyo ‘yan sa labas, siguraduhin n’yo na hindi na ‘yan kahit kailan makakapasok dito at makakalapit kay Ms. Dixon kahit na kailan.” Galit niyang utos, agad namang tumalima ang mga ito, at pinaalis ang lalaki na walang saplot maliban sa boxer short na suot nito. Rinig niya ang mura nito sa kanya hanggang sa paglabas nito. “Humanda ka, tandaan mo ang araw na ito dahil babalikan kita!” galit nitong sigaw. Hindi na niya ito pinansin at umakyat ng kwarto para maligo at para maibsan ang galit niya kay Nami. Hindi siya makapaniwala sa nasaksihan niya sa kwarto ng dalaga, sa inis niya ay sinuntok n’ya ang salamin na nasa loob ng banyo, masakit ang sugat na natamo niya mula sa mga bubog ng salamin pero wala ng mas sasakit pa sa nararamdaman niya ngayon. Sa tagal nang panahon na ginugol niya mahanap lang ito, pero ito lang ang mapapala niya. Ang masaksihan ang kalaswaan nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD