bc

Finding The Missing Piece

book_age18+
86
FOLLOW
1K
READ
billionaire
kidnap
family
powerful
billionairess
gangster
drama
tragedy
bxg
first love
like
intro-logo
Blurb

Paano kung tumakas ka sa sindikato na kumidnap sa ’yo? Pero sa pagtakas mo mapupunta ka din pala sa isang grupo din ng sindikato.

Tulad nang nangyari kay Efrim, sa pagtakas nila sa mga sindikato ay nabaril s’ya. Sa pag-aakala na katapusan na niya ay wala na s’yang nagawa kundi pumikit na lamang, ngunit sa muli niyang pagdilat ay nasa kamay na siya ng isang matinik na lider ng mga sindikato.

Kinupkop s’ya nito at inalagaan na parang tunay na anak, at yung ina-akala niya na magiging maayos na ang buhay niya, saka naman dadating ang ang isang tao na magpapagulong muli ng sa inaakala niyang maayos na buhay.

Ang babaeng una niyang minahal, na nalalagay sa panganib ang buhay dahil din sa mga sindikato.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Tanging tikatik ng patila na ulan ang maririnig sa madilim na apat na sulok ng silid na iyon, at ang mahihina at pigil na pag-iyak ng mga mumunting tinig. Tatayo at ang maliliit na hakbang na patungo sa isang butas sa dingding, kung saan sisilip ang inosenteng mata na tatanaw sa mga lalaking natatang-lawan ng mapusyaw na ilaw na tumatama sa lugar. Kung saan nagtatawanan ang mga lalaki habang nag-iinuman. At ang inosenteng mata ay makikita ang gustong makita ng may sumilaw na ngiti ng pag-asa, muli ay dahan-dahan ang paghakbang na bumalik sa mga kasama. “K-kuya Efrim!” tinig ng takot na batang babae na maririnig sa kadiliman. “Sshhh! ‘wag kayong maingay dahan-dahan lang ang pagkilos n’yo.” bulong nito sa mga batang kasama. “Opo.” saka dahan-dahan ang naging pagkilos ng mga ito. “Sundan n’yo lang ako at ‘wag kayong gagawa ng ingay ha!” bilin nito sa mga batang kasama. Ang mga munting hakbang ng mga bata ay naging maingat at walang ingay, isa-isang lumusot sa butas na sadyang ginawa para lamang sa mga maliliit na katawan, maingat ang ginawang pagkilos. Mga munting hakbang napatungo sa daan patungo sa kalayaan. At ng kanila na itong natanaw, ang mga inosenteng mukha ay masisilayan na ang ngiti at pag-asa na dati ay nababalot ng takot at pangamba. “Bilisan n’yo!” pabulong na utos niya sa batang kasama sa pagtakas. Muli ay isa-isang nag-silusot ang mga ito sa butas na pader. “Sino yan?” sigaw isang lalaking lumabas upang umihi sa gilid ng lumang gusali. “P****g i** ang mga bata tumatakas!” sigaw nito sa mga kasama ng makita sila. Ang ilan sa mga bata ay nakalusot na, may tatlo pa ang hindi pa kasama ang batang lalaki na nakakatanda sa kanilang lahat, nataranta na sila ng mahuli ng bantay. “Bilisan n’yong lumusot, pipigilan ko sila!” sigaw nito sa mga nakakabata sa kanya. “Pero kuya Efrim paano ka?” tanong ng isang batang babae na umiiyak na. “Huwag ninyo akong alalahanin dahil kaya ko ang aking sarili, bilisan mo nang lumusot sa butas Nami, umalis na kayo!” sigaw nito Malapit na ang mga bantay papunta sa kinaroroonan nila, at ng si Efrim na ang lalabas sa butas ay nahawakan ng mga ito ang kanyang binti at hinila pabalik, lalabas sana ang isang lalaki para pigilan ang ilang bata na nakatakas ng mahawak ni Efrim ang paa nito, hindi niya ito binitawan para makalayo ang mga batang nakatakas. “Kuya Efrim!” sigaw ng batang babae habang umiiyak. “Umalis ka na Nami, bilisan mo itakas mo na sila... takbo Nami... taakboooo!” anito habang inuundayan ng suntok ng mga lalaking pumipigil sa kanya Halos umubo na siya ng dugo sa dami ng suntok na sinasalo ng murang katawan, sa edad na labing limang taon ay nararanasan na niya ang lupit ng mundo. “Umalis ka na Namiiii!” buong lakas niyang sigaw para matauhan ang natutulalang batang babae, at ng marinig nito ang tinig niya ay nagmamadali nitong inakay ang mas nakakabata pa sa kaniya upang makatakas sa lugar na ‘yon. “Boss, pasensya na po isa lang ang naibalik namin. Hayop kasi itong si Efrim matagal na pala siyang nagpaplano, kinuha lang niya ang tiwala natin!” galit na wika ng isang lalaki habang nakayuko at pinukol ng matalim na tingin ang batang bugbug sarado, at puro dugo ang mukha habang nakaluhod at hawak ng dalawang lalaki ang kamay n’ya na nakataas at ang isang kamay nito ay nakasabunot sa kanya. “Manahimik kaaa!” sigaw ng lider ng mga ito at naka pamewang saka ubod ng lakas na sinampal ang lalaking nakayuko, dahil sa hindi inaasahan ang pagsampal ay nawalan ito ng balanse at bumagsak sa simento. Lumakad ang lider ng mga ito papunta sa kanya, “Magaling ka talaga Efrim.” sabay sabunot sa kanya. “Aghhkk—” daing niya, sa sakit ng pagsabunot nito sa kanya ay pakiramdam niya ay matatanggal ang anit niya. “Naisahan mo ang mga gung-gong na mga ito.” saka tinuro ang mga tauhan. “Sayang matalino ka pa naman at mukhang mapapakinabangan, kaso mukhang ibang landas ang gusto mong tahakin at iyon ay ang landas ng kamatayan.” saka malademonyo itong tumawa. “Sinayang mo ang pagkakataon mong maging kanang kamay ko, pero pwede pa naman kitang bigyan ng isa pang pagkakataon pero sa isang kundisyon—. anito na nilapit ang mukha sa mukha niya. “Kung maibabalik mo dito ang mga bata na pinatakas mo, lahat ng gusto mo ay ibibigay ko sayo.” at hinawakan nito ang pisngi niya, dahil malapit lang ang mukha nito sa kanya ay bigla niya itong dinuraan sa mukha. Galit na napatayo ito at bahagyang napaatras, pinunasan nito ang mukha saka ubod ng lakas siyang sinapak. Pakiramdam niya ay mawawalan na siya ng ulirat nang muli siya nitong sinabutuan at pinatingala. “Alam mo bang wala ka nang pakinabang sa ‘kin. Pasalamat ka pa nga sa ‘kin dahil pitong taon ka palang noon wala kanang pakinabang, pero kinaawaan kita at binuhay pa, ang swerte mo nga e. Tapos ang lakas ng loob mo ngayon, anong pinagmamalaki mo huh— dahil malaki na itong bay*g mo.” sabay hawak nito sa kanyang pag*****i. “Hayop ka!” sigaw niya. “Wala akong dapat na ipagpasalamat sayo dahil ikaw ang pumatay sa mga magulang ko.” pero tinawanan lang siya nito. “Kasalanan nila ‘yon dahil hindi nila sinunod ang gusto ko, kaya lang naiisip ko din na dahil iyon sayo, hahaha. Namatay sila dahil sayo, gusto ka nilang iligtas kaya sila namatay.” anito saka kinuha ang baril sa isang tauhan nito. Kinakabahan siya nang makita niya itong kinasa, pinigilan pa ito ng isang tauhan nito. “Boss, kung papatayin mo yan wala na tayong ibibigay kay Mr. D.” anito sa code name ng client nila. “Gusto mo sayo ko ito iputok?” saka nito tinutok sa noo ng lalaki. “H-hindi boss— pasensya na!” nanginginig sa takot nitong sagot. Nang muli ay humarap ito sa kanya, “Gusto ko lang alisin ang isang sakit sa ulo, marami pa tayong makukuha dyan, at hindi ang isang ‘to.” saka sa kanya naman tinutok ang baril. “Wala akong pakialam kung papatayin mo ako, mas maganda nga iyon dahil makakawala na ako sayo” hamon niya dito. “Matapang ka pa rin.” ngisi nito “Sayang ka bata, wala na rin naman akong pakinabang sayo kaya dapat nga lang na mamatay ka na.” ngisi nito. Isang malakas na putok ang narinig ni Efrim, saka nakaramdam siya ng mainit sa bandang dibdib niya, pagtungo niya ay nakita niyang tumutulo ang dugo sa kanyang dibdib. Ang tawa na malakas ng lalaking bumaril sa kanya ay unti-unting nagiging mahina sa pandinig niya. Ang tangin niya ay unti-unti na ring lumalabo, hanggang sa maramdaman niya ang lamig ng simento kung saan siya tuluyang bumagsak. “Itapon nyo na yan!” utos nito sa mga lalaki. “Saan namin boss ito dadalhin?” tanong ng isang sa tauhan nito. “Mga tanga talaga kayo, wala na ni isa sa inyo ang maasahan, bahala kayo kung saan n’yo yan gustong itapon, basta alisin n’yo yan dito.” anito saka tinalikuran na ang mga ito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.8K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.6K
bc

His Obsession

read
104.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.4K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook