Chapter 2

1232 Words
“Bwiset talaga— kahit kailan pahamak ang batang ito,” gigil na wika ng isang lalaki habang pababa ng sasakyan. “H’wag ka nang mainis, hindi mo ba nakikita,” ani ng isang lalaki sabay turo sa batang wala ng buhay. “Sayang lang siya, magandang lalaki pa naman malaki sana ang pakinabang natin d’yan,” naiiling nahinawakan ito sa paa. “Hawakan mo d’yan pare sa kamay,” utos nito sa isang kasama. “Dito lang ba natin ito iiwan?” alanganing tanong nito. “At saan mo naman gusto, patay naman na ang isang ito, makita man ‘yan hindi na rin ‘yan mabubuhay,” naiiritang wika nito. “Sige dito na lang, bilisan na natin at baka may makakita pa sa atin, siguradong mayayari tayo kay boss,” anito sabay hagis ng katawan sa gilid ng kalsada. Ang hindi alam ng mga ito ay may isang sasakyan ang nakahimpil sa di kalayuan at pina-nunood ang kanilang ginagawa, nang makaalis ang mga ito ay siya naman lapit ng isang magarang sasakyan, mula dito ay bumaba ang isang may edad na lalaki. “Tingnan ninyo!” tiim ang bagang na utos nito sa mga lalaking naka itim. “Opo,” sabay-sabay na sagot ng mga ito, binuhat nila ang katawan ng bata at marahang pinatihaya. Lumuhod ang isang lalaki at pinulsuhan ang leeg ng bata, “May pulso pa s’ya chairman,” anito saka tiningala ang matanda. “Bilisan n’yo isakay ‘yan sa sasakyan, ipahanda n’yo na rin ang lahat ng kailangan dahil gagawin natin ang lahat mailigtas lang ang batang ‘yan.” Anito na halos umapoy ang mata nito sa galit. Kaagad din pinaharurot ng mga ito ang sasakayan upang kaagad na makarating sa pagamutan. Ang ulo ng bata ay nakapatong sa hita ng matanda, makikita sa mata ng matanda ang galit, marahan nitong hinaplos ang mukha ng bata ng bigla itong umungol. Napangiti ito, “Napakagandang bata, sa murang katawang ay dinanas mo itong lahat, hindi ko hahayaan na masayang lang ang buhay mo, malayo pa ang iyong mararating,” anito saka tumingin sa lalaking nagmamaneho ng sasakyan. “Wala na ba’ng ibibilis ang pagmamaneho mo?” mahinahon pero ma-awtoridad ang boses nito. “Sige po chairman,” anito saka nag-radio ito sa mga kasamahan, hindi nag tagal ay biglang nagsidatingan ang mga naka-motorsiklo at pilit na hinawi ang takbo ng trapiko at mga sasakyang humaharang sa kanilang daraanan. Ilang sandali lang ay nakarating na sila sa isang pribadong ospital, kaagad na nagsilabasan ang mga doctor at nurse upang asikasuhin ang bagong dating, lahat ng mga pasyente na nakakita ay namangha dahil sa ginawang paaasikaso ng mga ito sa pasyente. “Iba talaga pag ma-pera...” na-iiling na wika ng isang kamag-anak ng pasyente sa ospital na iyon na bigla ring tumigil ng harapin ng mga tauhan ng matanda. “Pabayaan n’yo na sila,” utos ng matanda at dumiretso na sa Operating Room. Matagal na naghintay ang matanda sa labas ng operating room bago bumukas ang pinto nito. “Chairman!” ani ng doctor upang makuha ang atensyon nito. “Kamusta?” walang emosyon nitong tanong. “Successful po ang naging operasyon, pero maraming dugo ang nawala sa kanya at malalim din po ang naging sugat dahil mukhang malapitan siyang binaril wala kaming nakuhang bala at ang hinala namin ay tumagos ito. “Pasalamat na lang po tayo at lumihis sa maselang bahagi ang bala kaya nagawan po natin ng paraan dahil kung hindi malamang na hindi na siya umabot sa ospital, medyo matatagalan po bago siya maka-recover, kailangan po siyang matutukan ng mabuti.” Mahabang paliwanag nito. “Kung ganoon, gawin ninyo ang lahat ng inyong makakaya,” utos nito sabay talikod sa doctor. “Makakaasa po kayo Chairman,” ani ng doctor sa bahagya pang yumuko sa matanda. “Troy, ikaw na nag bahala dito,” utos nito sa kanyang secretary. “Opo, Chairman.” anito sabay baling sa iba niyang kasamahan, “ Ihatid niyo si Chairman sa mansion,” utos nito sa iba pang lalaki na naka itim. “Opo!” anito na nag-bow dito saka inalalayan ang matanda. Inasikaso ng secretary nito ang kailangan at dinala ang bata sa VIP room, maya’t maya ay pinupuntahan at chine-check ng mga doctor ang pasyente. “Alam mo ba kung sino ‘yung na admit dyan sa VIP room?” ani ng isang nurse. “Hindi ko alam kaka-duty ko lang e, ano ba ang meron?” balik nitong tanong. “Isang batang lalaki ang nabaril, siguro anak ng isang nasa posisyon kasi halos lahat ng nasa matataas ang posisyon dito sa Ospital nakita kong pumapasok dyan sa kwarto para i-check ang pasyente,” anito na mausisa ang mata para makita ang nasa loob. “Ang huling nakita kong pinasok d’yan ay ang President e, pero sobrang sikreto non, nabalita lang nang gumaling na ito.” anito, natigil lang ang kwentuhan ng mga ito ng pagalitan sila ng isang doctor na nakarinig sa kwentuhan ng mga ito. Halos isang linggo pa bago magising si Efrim, pagdilat ng kanyang mata ay nasa hindi pamilyar siyang lugar, ang garbo ng kwartong iyon, kisame pa lang nito ay halata nang mamahalin at nang mapa-baba ang kanyang tingin ay nagtaka siya dahil na papalibutan siya ng mga tao na naka-kulay puti, “Patay na ba ako?” naisa-tinig niya. Ngumiti naman ang isang lalaki na nakaputi, “Hindi iho, nandito ka sa ospital kamusta ang pakiramdam mo?” tanong nito. Ngunit hindi siya nagsalita at muli niyang nilibot ang buong kwarto, nang lumapit ang lalaki na naputi ay kumaway sa harap ng kanyang mukha. “Iho...” tawag nito sa kanya, “Gusto kong sumagot ka kung naririnig mo ako?” anito. “Alam mo bang nasa ospital ka?” tanong nito. “Opo, kakasabi n’yo lang,” aniya na medyo paos pa ang tinig, napangiti naman ang mga ito. “Kung ganoon ay wala palang problema sa pandinig mo, ngayon ay sundan mo naman ito ng tingin!” utos nito, saka winagayway ang hawak niton pulang panyo at kaniya itong sinundan. “Magagawa mo bang itaas ang iyong kanang paa?” tanong nito, “Okay ang kaliwa naman— ngayon ang kanang kamay pakitaas!” utos ulit nito at kanya naman itong tinaas, “Magaling iho, huli na ito ang kaliwang kamay naman,” anito. “Iho... pakitaas ang kaliwang kamay mo!” ulit nito pero kahit anong pilit niya ay hindi niya ito maramdaman. “Bakit hindi ko po maramdaman ang kamay ko?” sigaw niya sa mga ito, “Ano po ang nangyari sa akin?” halos magwala na niyang sigaw sa mga ito. “Huminahon ka iho,” anito saka tinanguan ang isang nurse,at saka siya tinurukan ng pampakalma. “Chairman, maayos ang naging operasyon pero kinakailangan po natin siyang i-therapy dahil na din sa na damage na ugat at tissue sa kanyang kaliwang dibdib, naapektuhan ang ilang nerve sa kanyang balikat upang kan’ya itong maigalaw. Sinisigurado po namin sa inyo na mabibigyan siya ng tamang gamutan,” anito sa matanda na nakaupo habang tinitingnan lang ang kanilang ginagawa. “Kung gano’n ay gawin ninyo ang nararapat,” anito at tuluyan nang tumayo at lumakad palabas ng kwartong iyon. “Makakaasa ka Chairman,” sabay yuko ng mga doctor sa palabas nang matanda. Pagkalabas ng matanda ay kaagad ding kumilos ang mga doctor.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD