“Young Master... young master gumising po kayo!” isang malakas na yugyog ang nagpagising kay Efrim.
“Ahh! Tam anong ginagawa mo dito?” pupungas-pungas niyang tanong sa binatilyong gumigising sa kanya.
“Young Master, nanaginip na naman po ba kayo?” nag-aalalang tanong nito.
Bumangon na siya pero hindi pa rin siya tumayo sa kanyang kama, hawak ang ulo na napatungo na lamang.
“Hindi n’yo pa din po makalimutan ang pangyayari noon?” may pagaalalang tanong nito.
“’H’wag mo na akong alalahanin Tam, saka bakit ka nga pala nandito ano ba ang kailangan mo?” saka siya tumingin dito.
“Ah... eh, pinapatawag po kasi kayo ng inyong Ama,” ngisi nito.
“Bakit daw?” aniya na tumayo na sa kanyang kama.
“Pasenya na young master, hindi ko din po kasi alam e!” anito na napapakamot sa ulo.
Naiiling na lang siyang napatingin dito, “Tam, ilang beses ko ba na sasabihin sa’yo na ‘wag mo akong tatawagin na young master, dahil hindi mo naman ako master,” na-iiling niya turan.
Natawa naman siya dito, ilang beses na niya itong sinabihan na ‘wag na siyang tatawagin na young master pero ang kulit nito, isa ito sa nasagip nila noon sa sindikato, wala na itong magulang dahil ulilang lubos na ito kaya kinuha niya ito kabilang sa mga tauhan ng Ama niya, at dahil sa ginawa niya ay iaalay daw nito ang buhay nito para pagsilbihan siya dahil sa kabutihan na pinakita niya dito.
“P-pero— Young Master...” na napakamot na lang ng ulo.
“Kuya na lang, naiilang ako pagtinatawag mo akong ganyan, kagaya mo lang din ako,” aniya dito.
“Pero iba ka po, Kuya Efrim,” ngisi nito.
Ginulo niya ang buhok nito bago tuluyang tumayo sa kama, “Sige na lumabas ka na at maliligo muna ako, susunod na lang ako.”
Tumango ito at lumabas na din ng kan’yang kwarto, napabuntong hininga na lamang siya na sinundan ito ng tingin.
Ano na naman kaya ang sasabihin ni Ama, aniya sa sarili dahil sa tuwing ipapatawag siya nito ay may malaki silang problema o kaya naman ay may kailangan silang buwagin na grupo ng mga sindikato.
Pagkatapos maligo ay dumiretso na siya ang sa opisina ng Ama, kumatok muna siya bago tuluyang pumasok.
Nakita niya ang Ama na nakatalikod sa pinto at nakaharap sa bintana, habang ang may kausap ito sa telepono, saglit lang siya nitong tinignan at sinenyasan na ma-upo at tinuloy ang pakikipag-usap nito, binuksan niya ang TV na nasa opisina nito, natuon ang kanyang atensyon sa balita.
“Isang grupo ng sindikato ang nasawata ng polisya nito lang nakaraang araw, at na pigilan ay tangkang pagpupuslit ng droga sa bansa, na pag alaman din ng mga otoridad na ang grupo ay sangkot din sa isang gawain kung saan binenta ang mga hubad na larawan ng mga menor de edad, ang mga bata—” hindi na niya tinuloy ang panonood dahil alam na naman n’ya kung ano ang nasa balita, hindi rin nagtagal ay pinutol nang Ama ang linya at saka siya hinarap.
Kilala ang grupo na kanyang Ama bilang isang kilabot at kilalang sindikato na kinatatakutan ng lahat, pero ang katotohan ay isa lang sikretong grupo na tumutulong upang masugpo ang krimen sa bansa hawak sila ng gobyerno at isang malaking lihim iyon, para mas mahanap o kaya ang mismong mga sindikato ang lumapit kanila ay pinalabas na isang grupo din sila ng sindikato.
“Kamusta ang tulog mo, Hijo?” nakangiting bati nito sa kanya.
“Maayos naman po, pinatawag n’yo daw po ako?” tanong niya.
Kinuha nito ang folder na nakalagay sa table nito at tumayo saka ito inabot sa kanya.
Nagtatakang tumingin siya sa ama, “Buksan mo muna!” utos nito sa kanya.
Napangunot siya ng noo ng makita ang profile ng isang babae, “Naiomi Dixon?” aniya saka tumingin sa ama.
“Wala akong ibang maisip na babagay sa trabaho na iyan kundi ikaw lang, anak ikaw lang ang pinagkakatiwalaan ko, kaya ang gusto ko ikaw ang humawak sa trabahong iyan,” nakiki-usap ang paraan ng pagtingin nito sa kanya.
“Pero ama—” na hindi nya naituloy dahil pinutol ng kanyang ama.
“Efrim, malaking sindikato ang tumatarget sa pamilyang Dixon, minsan na rin nadukot ng mga sindikato si Ms. Naiomi, buti na lamang at nakatakas siya, at ngayon ay may banta na naman sa kanya.
“Kaya Efrim, anak nakikiusap ako sayo, alam kong delikado pero ikaw lang ang may kakayahan na protektahan si Ms. Dixon,” saka ito tumabi sa kanya ng upo at hinawakan siya sa balikat.
Napatingin na lamang siya sa kanyang ama at napabuntong hininga, malaki ang utang na loob niya sa ama kaya naman ay lahat ng gusto nito ay kanyang sinusunod.
“Sige po, kailan po ako mag-sisimula,” pasukong tugon niya na labis naman ikinatuwa ng kanyang ama.
“Salamat Anak, sa isang linggo mo na sisimulan ang misyon mo sa ngayon ay kailangan muna nating pag-aralan ang mga hakbang na dapat nating gawin,” tumayo ito.
“Sumunod ka sa akin!” anito, tumayo na din s’ya at sumunod na lang din sa ama hawak ang folder, kaya habang sinusundan ang ama ay binabasa niya ang pagkaka-kilanlan ng dalaga.
Napapakunot ang kanyang noo sa nababasa, parang pamilyar sa kanya ang mga nababasa sa profile ng dalaga, pilit niya iniisip kung saan niya ito narinig, oo kilala niya ang Dixon Family dahil isa ito sa pinakamayaman sa bansa at kilalang kilala ang mga ito, pero ngayon lang niya nalaman na may pamangkin si Mr. Dixon na babae, na magiging tagapag-mana ng lahat ng ari-arian ng mga Dixon.
Napukaw lang ang kanyang pag-iisip nang hawakan siya sa braso ng kanyang ama.
“Ayos ka lang ba Efrim?” anito, tumungo lamang siya bilang tugon.
“Pasok ka, umupo ka muna at pag-uusapan natin ang mga dapat mong gawin habang nasa misyon ka.”
Napatingin naman siya sa mga lalaki na nakaupo din sa loob ng conference room
“Ito nga pala si Sgt. Santos,” turo nito sa katabi niya, “Si Gerenal Antonio at Major General Jhonson, sila ang tutulong sa atin para sa misyong ito.”
Napapailing naman siya sa sitwasyon niya ngayon, gano’n ba talaga kayaman ang mga Dixon para pati ang army ay kasama nila, maya-maya ay may kumatok sa pinto at sumilip si Tam.
“Tam anong ginagawa mo dito?” tanong niya sa binatilyo.
“Hello! young master... ay kuya Efrim pala,” ngisi nito habang kumakaway sa kanya.
“Chairman, nandito na po ang inyong bisita,” baling nito sa kanyang ama, nagtataka naman siyang napatingin sa ama.
“Papasukin mo na s’ya Tam!” utos nito.
“Sige po... Pasok na daw po kayo Sir,” anito na niluwagan ang bukas ng pinto.
Napanganga naman siya ng makita kung sino ang lalaking papasok.
“Mr. Dixon, maupo ka!” nakangiting salubong ng kanyang ama sa bagong dating.
Seryoso naman itong tumingin sa kanya, “S’ya na ba iyon?” anito na nakangiting bumaling sa kanyang Ama, tumungo naman ito bilang tugon.
“Hijo,” lumapit ito at inabot ang kanyang kamay.
“Kamusta po?” sabi na lang niya dito.
“Mabuti naman, ngayon pa lang ay alam kong nasa mabuting kamay ang aking pamangkin, umaasa akong mapoprotektahan mo siya,” anito at masuyong hinaplos ang kanyang kamay na hawak pa rin nito.
“Mr. Dixon, maaari mo bang isalaysalay ang buong kwento kay Efrim, para mas maunawaan niya ang kanyang gagawin,” anito sa matanda na muling bumalik sa upuan nito.
Napabuntong hininga ito at pansamantalang tumahimik ng sinimulan ang kwento.