Aries POV
Huminga muna ako nang malalim bago ko i-dial ang number niya. Ayon sa mga nabasa ko tungkol sa kanya, he’s not from the U.S. Nakita ko pa sa wiki page niya na ang ina niya ay Filipina at ang ama naman ay isang kilalang French billionaire—ngunit pumanaw na.
Nang i-dial ko na ang number niya, nag-ring ito pero walang sumagot. Tumawag ako ulit—wala pa rin. Kaya nag-send ako ng message:
“Please, answer your phone. It’s me, Aries Sullivan.”
Ilang minuto pa ang lumipas bago tuluyang nag-ring ulit ang cellphone ko. Siya na ito.
Sinagot ko agad.
“Hello?” sabi ko.
“Hi, Aries,” sambit niya agad, kalmado at mababa ang boses.
“So... saan mo nakuha ang number ko?”
Oh wow. He’s fluent in Filipino.
“Well, bumalik ako sa hotel kung saan mo ako dinala,” sagot ko, may halong inis sa tono ko.
“I know you’re curious,” sabi niya, kalmado pa rin. “Let’s meet tonight and have dinner—so I can explain my side.”
Explain his ass, bulong ko sa isip ko. Mayabang ang dating ng boses niya.
“Okay then, let’s meet. Just send me the location,” sagot ko, diretso ang tono.
“Okay, I’ll send it,” tugon niya bago ibinaba ang tawag.
Pagkatapos kong tawagan si Zevian, tinawagan ko naman si Rousse. Ikinuwento ko sa kanya na nakilala ko na ang lalaking kasama ko kagabi. Matapos iyon, nagdesisyon akong maligo para makapagpahinga.
Pagkatapos kong maligo, ramdam ko pa rin ang pagod ng katawan ko. Medyo masakit pa rin ang pagitan ng hita ko—at tila lalagnatin pa ako. Hindi ko ito masyadong ininda kanina dahil mas nangibabaw ang kagustuhan kong malaman kung sino ang lalaki kagabi.
Pagkatapos kong magbihis ng pantulog, dumiretso ako sa kama. Inayos ko ang kumot, isinampa ang sarili ko sa kama, at dahan-dahang ipinikit ang mga mata—hanggang sa tuluyan na akong nakatulog.
Nagising ako sa katok sa pintuan ng kwarto. Ang staff ko sa bahay—si Vivian, isang Filipina—ay nasa labas. Oo, meron akong isang Pinay staff sa U.S., at iyon ay isa sa mga kondisyon ni Mommy bago ako payagang tumira mag-isa.
“Miss Aries, gising na po kayo?” tawag ni Vivian mula sa pinto.
“Yes, Vi. Gising na ako... pero mukhang masama pakiramdam ko,” sagot ko, halos paos ang boses ko. May nanginginig sa tono ko na hindi ko mapigilan.
Pumasok agad si Vivian, lumapit sa akin at kinapa ang noo ko.
“Mainit ka nga, Miss Aries. Wait lang po, kukuha ako ng thermometer para ma-check ko kayo.”
Lumabas siya ng kwarto habang ako naman ay dahan-dahang bumaling sa nightstand para kunin ang phone ko. Ramdam kong nanghihina ako—mula ulo hanggang katawan, parang piniga ang lakas ko. Alam kong hindi ko kakayanin ang lumabas ngayong gabi.
Kaya napagdesisyunan kong e cancel ang aming pagkikita ni Zevian.
Habang hinihintay kong bumalik si Vivian, tinype ko ang message sa kanya:
"Hi Zevian. I'm really sorry, but I can’t make it to dinner tonight. I’m not feeling well. Let’s reschedule soon."
Pagkatapos kong i-send ang message, napapikit ako. Halos sabay dumating si Vivian, may dalang thermometer.
“Miss Aries, pakiusap lang po, patingin ako ng temperature niyo,” malambing na sabi niya.
Inilagay ko ang thermometer sa ilalim ng dila ko. Ilang saglit lang, tumunog ito—38.8°C.
“Naku, mataas nga ang lagnat mo. Magluluto ako ng sopas o chicken soup para makakain ka. Kailangan mong uminom ng gamot,” sabi niya, habang inaayos ang comforter ko.
“Thanks, Vi. Sorry, abala ka na naman,” sagot ko, halos mahina ang boses ko.
“Naku, wala po ‘yon, trabaho ko ‘to. Tsaka sabi ni Ma’am—si Mommy niyo—alagaan ko kayo palagi.”
Ngumiti ako kahit pagod. Grateful ako kay Vivian, parang may kapatid ako sa bahay.
Maya-maya, may tumawag. Pagtingin ko sa screen, nakita ko ang pangalan — Zevian. Na-save ko ang number niya kanina, kaya agad ko siyang nakilala.
What is with this guy?
Hindi ko pa rin alam kung dapat ba akong magtiwala o magduda sa kanya. Masyado pa ring sariwa ang mga tanong ko tungkol sa kung sino talaga siya at bakit niya ako dinala sa hotel nung gabing iyon. Pero sa ngayon, wala akong lakas para isipin ang lahat ng iyon.
Kaya sinagot ko ang tawag.
"Hello...?" mahina kong bati.
"What happened?" agad niyang tanong, seryoso ang boses.
"I have a fever. Sorry, I can’t make it tonight," sagot ko, halos paos na sa sakit ng lalamunan.
Sandaling katahimikan.
"Okay... can you do me a favor? Please send me your location and address," sabi niya, kalmado pero may urgency.
"Why?" tanong ko agad, nag-aalangan.
"I want to send you dinner."
"Wag na. I’ll be fine," tanggi ko, medyo naasiwa.
"I insist. Please... send it to me," mariin niyang sabi, pero hindi demanding—more like concerned.
Napabuntong-hininga ako. Hindi ko alam kung bakit, pero sa kabila ng kaba ko sa kanya, may bahagi sa aking sarili ang makilala siya.
"Okay... fine," sagot ko sa wakas.
“I’m sending it now.”
Nagpaalam ako at binaba ang tawag. Isinend ko sa kanya ang aking exact location sa penthouse gamit ang GPS pin, then set my phone down sa bedside table.
Makalipas ang ilang minuto, pumasok si Vivian.
“Miss Aries, may tao po sa labas. Zevian daw po,” malumanay niyang sabi.
“Let him in, Vi,” sagot ko, kahit may bahid ng pagdadalawang-isip sa tono ko.
“Okay, Miss Aries,” tugon niya bago tumalikod at lumabas muli.
Napapikit ako sandali. Gusto ko sanang magpahinga pa kahit kaunti, pero hindi ko maiwasang kabahan sa pagdating ni Zevian. Hindi ko namalayan na bumukas na pala ang pinto. Akala ko si Vivian ang pumasok.
“Vi, nasa loob na ba siya?” tanong ko habang nakatalikod pa rin sa pinto.
“It’s me,” sagot ng pamilyar na baritone voice.
Nagulat ako. Paglingon ko, nakita kong si Zevian nga—may dalang tray. Kumalat agad sa buong kwarto ang aroma ng mainit na chicken soup. Ang bango... at ang sarap ng amoy. Parang bigla akong nagutom kahit masama ang pakiramdam ko.
Maingat niyang inilapag ang tray sa maliit na mesa sa gilid ng kama. Pagkatapos, kinuha niya ang isang upuan at inilapit sa tabi ko.
“Pinapasok ako ng kasama mo,” sabi niya, mahinahon ang tono.
“Well, ano pa nga bang magagawa ko… andito ka na,” sagot ko, na may halong inis. Nakita kung pangiti lang siya.
Lumapit siya sa akin at marahang inalalayan akong bumangon.
“Kumain ka muna para makainom ka ng gamot. I know this is partly because of me,” malambing niyang sabi.
Yeah, tama ka diyan, bulong ko sa isip ko. Ikaw talaga ang dahilan kung bakit ako parang nabugbog ng sampong demonyo.
Habang sinusubukan kong bumangon, kinuha niya ang bowl ng soup. Akma na sana niya akong susubuan, pero agad kong inabot ang kutsara mula sa kamay niya—nahihiya ako. Hindi ako sanay na may ibang gumagawa nito para sa akin.
Pero iniwas niya ang kutsara mula sa akin.
“Ako na. Say ahh…”
Napangiwi ako, pero sa huli, binuksan ko rin ang bibig ko. Wala na akong lakas para makipagtalo. Isa-isa niya akong pinakain, maingat at mabagal, parang ayaw niya akong masamid.
Tahimik lang kami habang pinapakain niya ako. Ramdam ko ang init ng sabaw, dahan-dahang bumabalot sa tiyan ko. Nakakagaan ng pakiramdam. Hindi ko man aminin nang harapharapan na masarap ang soup pero sapat na siguro na maubos ko ito.
Pagkaubos ko ng soup, iniabot niya ang dalawang tableta.
“Isa para sa lagnat, isa para sa pain relever,” paliwanag niya.
Wala na akong tanong. Ininom ko agad, sabay higop ng tubig.
Pagkatapos kong inumin ang gamot, inilapag niya ang baso sa gilid ng mesa at tumingin sa akin.
“Better?”
Tumango lang ako. Hindi ko pa alam kung ano ang eksaktong nararamdaman ko. Pagod? Inis? Grateful? Confused? Maybe all at once.