Aries POV
Nagising ako kasi uhaw na uhaw ako. Ang sakit ng ulo ko, grabe, parang mabibiyak. Masakit din ang buong katawan ko—lalo na sa pagitan ng hita ko. Napangiwi ako. Biglang pumasok sa isip ko: Sht, ano bang nangyari kagabi?*
Ang last memory ko lang ay may nag-abot sa’kin ng inumin… tapos blanko na.
“F*ck…” napabulong ako, sabay hawak sa sentido ko. Hahawakan ko na sana yung kumot nang masagi ko yung kamay ng katabi ko. Napapitlag ako. May kasama pala ako sa kama.
“Sh*t! What just happened last night?” Halos pabulong pero may halong kaba.
Dahan-dahan akong bumangon, ingat na ingat ako para hindi siya magising. Parang ang lakas ng t***k ng puso ko, halos lumalabas na sa ribcage ko. Isa-isa kong pinulot yung mga damit ko na nagkalat sa sahig—parang mga piraso ng puzzle na ayaw ko sanang buuin. Nanginginig yung kamay ko habang nagsusuot.
Naglakad akong nakatiptoe, sinisigurado kong walang ingay. “D*mn…” I whispered, halos mapaiyak sa inis. Hindi ko ma-imagine… nagawa kong i-swipe yung v-card ko to a stranger. At ang mas masakit pa, hindi ko man lang maalala kung ano nangyari.
Paglingon ko ulit, nakatalikod pa rin siya, may unan na nakatakip sa mukha. Hindi ko man lang nakita itsura niya. Para akong sinakal ng hiya at galit, pero pinilit kong umalis.
Pag-uwi ko sa bahay, parang dinadala ko pa rin yung bsakit sa loob. Sobrang sakit pa rin ng katawan ko, para akong binagsakan ng mundo. Agad kong kinuha ang phone ko at tinawagan ang assistant ko.
Pag sagot niya, hindi ko napigilan ang panginginig ng boses ko.
“Nasaan ka kagabi? Bakit mo ako iniwan? Tell me what the hell happened!”
Halos pasigaw ko na tanong habang hawak-hawak ang aking phone.
“Aries, calm down…” narinig kong sagot ni Rousse, halatang nagulat siya.
“Hindi ko kayo iniwan. Nagulat nga rin ako nang bigla kang nawala.”
“Anong ibig mong sabihin na nawala?!” halos maputol yung boses ko. “Kasama kita the whole night! Then suddenly nagising ako sa—” napahinto ako, napakagat ng labi, pilit pinipigil ang luha. “—sa kama ng isang stranger. At wala akong maalala!”
Tahimik siya sandali sa kabilang linya. Ramdam ko ang bigat ng kanyang paghinga.
“Aries… may nag-offer ng drink sa inyo kagabi. Akala ko okay lang kasi parang friend niyo siya, kilala raw kayo. Then after a while, parang ang bilis n’yong nalasing. Sinundan ko pa kayo pero bigla kayong nawala sa crowd.”
“F-ck…f-ck” napahawak ako sa dibdib, nanlamig yung buong katawan ko.
“Tinawagan kita, pero hindi mo sinasagot ang tawag ko. Sinubukan kitang hanapin pero sobrang dami ng tao. Akala ko umuwi kana ahead of me…”
Naramdaman kong nanginig yung tuhod ko. Bumagsak ako sa sofa, hawak pa rin yung phone ko.
“So you’re telling me… may kumuha sa’kin?
Dinala ako… kung saan man? At iniwan mo akong—” napahikbi ako, hindi ko na natapos yung sentence.
“Hindi nga kita iniwan. I swear!” mariin niyang sagot.
“Kung sino man yung lalaking yun… baka siya yung kasama mo ngayon.”
Dahan-dahan kong pinikit ang mata.
Naalala ko yung nakatalikod na lalaki, yung unan na nakatakip sa mukha niya.
“Sh*t…” bulong ko. “Sino siya?”
“Aries?,” sagot ng assistant ko, medyo nanginginig pa ang boses ko, “nakita ko rin kagabi, may lumapit na lalaking naka-itim. Hindi ko masyadong maaninag yung mukha dahil dim yung ilaw. Pero… parang may kilala siyang tao sa bar. Hindi siya basta random person lang.”
Napakagat ako sa aking labi. Hindi basta random? Lalong lumakas yung kaba sa aking dibdib.
“Gusto kong malaman kung sino siya. Hanapin mo kung anong pangalan ng taong yun.
Check the bar’s CCTV, kung meron.”
“Aries, baka delikado—”
“Delikado na nga ako ngayon!” napasigaw ako, tumayo mula sa sofa. “Hindi ko alam anong ginawa niya sa’kin. Hindi ko maalala kahit ano. And I can’t just sit here!”
Natahimik yung assistant ko. Ilang segundo bago siya muling nagsalita.
“Okay, Fine. I’ll ask around. Babalikan kita once may info ako.”
Binaba ko yung tawag, pero hindi pa rin ako mapakali. Dumiretso ako sa banyo at tumingin sa salamin. Maputla yung mukha ko, magulo ang buhok, at may mga pulang marka sa dibdib at leeg ko na hindi ko matandaan kung paano ko nakuha.
Fck. Hindi pwedeng walang dahilan ‘to.*
Habang nagbibihis ako ng malinis na damit, tumigil ako bigla. May naalala akong maliit na detail—yung sing-sing na soot ng lalaking kasama ko. Kanina bago ako lumabas ng kwarto, napansin kong parang may kumikislap sa bedside table niya.
Hindi ko lang pinansin dahil nagmamadali ako.
“D*mn it…” bulong ko. Baka clue yun.
Napagpasyahan kong bumalik sa hotel kung saan ako dinala ng lalaking tumulong sa akin. Magbabakasakali akong tanungin ang receptionist—baka kilala nila ang lalaking kasama ko sa kwarto kagabi.
Pagdating ko sa hotel, binigay ko ang susi ko sa bellboy at dumiretso ako sa reception area. Nahihiya man ako, pero kailangan kong subukan.
"How may I help you, Miss?" agad na bati ng receptionist.
"Yeah, I just want to ask something. I was here last night. Someone brought me here, and I just want to ask if I’m allowed to get information about the person I was with?" Tanong ko, medyo kinakabahan.
"Umm... you don’t know the person who was with you last night? You’re a Victoria’s Secret model, right? You’re Miss Aries Sullivan?" tanong ng receptionist, halatang excited.
"Yes. And please, can you disclose his information?" sagot ko agad.
"Sure, Miss Aries," tugon niya, sabay ngiti.
"I’ll check the records. I wasn’t on duty last night, but let me see..."
Nag-type siya sa computer, ilang saglit ng katahimikan.
"Oh—here it is. He checked out about an hour before you arrived."
Tumingin siya sa akin.
"And yes... I know him. He’s a VIP. His name is Zevian Veylorin."
Parang may pamilyar sa pangalang iyon, pero hindi ko pa rin siya maalala nang buo.
"Do you have his contact number?" tanong ko.
"Actually, Miss Aries, I’m not allowed to disclose his personal information. I can only give you his name," paliwanag niya.
"Honestly, I don’t know him. I just want to say thank you. That’s all," sagot ko, taos-puso.
Sandaling natahimik ang receptionist. Pagkatapos ay ngumiti siya muli.
"Okay... I’ll write his number—but please, keep this between us."
Isinulat niya ang number sa isang papel at iniabot sa akin. Napangiti ako at nagpasalamat.
Inabot ko sa kanya ang $500 bilang pasasalamat. Nagulat siya pero tuwang-tuwa.
"Thank you so much, Miss Aries! Can I... can I get your autograph too?"
Ngumiti ako at pumirma sa isang maliit na notebook na inabot niya.
"Of course," sagot ko. "And thank you from Aries."
Pagkalabas ko ng hotel, naghintay ako sa labas para sa aking sasakyan. Naka-hoodie ako at may suot na malaking sunglasses—ayokong makuhanan ng picture ng TMZ. Matinik pa naman sila pagdating sa mga sikat na katulad namin. Ilang beses na rin akong na-feature sa TMZ dahil nakipag date ako sa isang Popular Singer, kaya doble ingat ako ngayon.
Pagdating ng sasakyan, kumuha ako ng one hundred dollar bill para ibigay sa bellboy. Pagkatapos, agad akong umalis pabalik sa penthouse.
Pagdating ko sa penthouse, dumiretso ako sa loob ng aking private office at humarap sa laptop. Bago ko tawagan ang number ni Zevian, nag-search muna ako tungkol sa kanya sa social media. Baka sakaling may IG siya... o sss.
Nang i-search ko ang pangalan niya, lumabas ang ilang profile. Pagbukas ko ng isa, napakunot ako—Damn. Ang hot niya. Grabe.
Naka-public ang IG niya. Sa bio nakalagay:
“Gem Baron. Stone connoisseur. Collector of rare things.”
Nasa profile din niya na isa siyang business owner, at siya pala ang may-ari ng sikat na jewelry brand na Isolde—isa sa paborito kong brands. OMG... what is he up to?
Does he know me?
Sigaw ng isip ko, “This guy... is he playing games?”
Naisip ko kung tatawagan ko ba siya o hahayaan ko na lang ang nangyari. Pero NO—sigaw ng loob ko. He needs to explain.
He swiped my v-card without my consent.
There’s no f*ckin’ way na palalampasin ko 'yon.
Hindi ako papayag na ganun lang niya nakuha ang V-card ko.
Swerte niya, sobra. Pero hindi ko siya palalampasin nang walang paliwanag.