Aries POV
Matapos ang ilang araw na rehearsal at photoshoot, dumating na rin ang araw ng fashion show. Nakarating na kaming lahat sa Brooklyn Navy Yard, kung saan gaganapin ang event. Abala na kaming lahat sa pag-aayos—makeup, hair, at final fitting.
Kinakabahan ako, kasi pagkatapos ng opening walk ni Gigi, ako na agad ang susunod. Pero alam kong kaya ko ito. Kaya kahit kabado, kalmado pa rin ako.
Lumapit si Rousse.
“Are you nervous?” tanong niya sa akin.
“A little bit,” sagot ko, habang pinipigilan ko ang pag t***k ng aking dibdib.
Pumasok na ang show director at ipinaalala na magsisimula na ang fashion show in 10 minutes. Lahat ng kasama sa opening segment ay pumila na. Nagyakapan pa kami ni Gigi at Bella, pati na rin ang iba pa naming kaibigan.
“Good luck, babe,” bulong ni Gigi.
“You’ll kill it,” dagdag ni Bella.
Nagpalitan kami ng mga ngiti at tahimik na dasal sa isa’t isa habang naririnig na ang pagsigaw ng crowd sa labas. Nag umpisa na ang beat ng music, at liwanag ng ilaw, ang ingay ng backstage—lahat ng iyon ay nagsimulang bumalot sa akin. Tumitibok nang malakas ang puso ko, pero ang adrenaline ay mas nangingibabaw.
"30 seconds!" sigaw ng stage manager.
Tumayo na si Gigi sa harap ng line, handa na. Tumango siya sa akin bago siya naglakad sa runway. Pagbukas ng LED screen sa harap, bumulaga ang matinding ilaw at nagsimula na ang show.
Unang lumabas si Gigi, at maya-maya ay ako na ang sumunod. Kinabahan ako sa simula, pero nang marinig ko ang palakpakan ng mga tao, mas lalo akong nabuhayan ng loob. Lalo pang tumaas ang kumpiyansa ko.
I felt so sexy wearing the pink lingerie and the iconic VS angel wings. Sa gitna ng lakad ko, napatingin ako sa audience nakita ko si Gemini kinawayan niya ako. Napansin ko rin si Tita Amelia sa unahan—nakangiti, kumaway, at nag-flying kiss pa. Gumanti ako ng flying kiss habang nakangiti at nag post, sabay dagdag ng konting swag sa hakbang ko.
Pagbalik ko sa backstage, agad akong hinila ni Rousse para sa second segment ko. Lima lang kaming may tatlong segment sa buong show—kaya alam kong napakalaking opportunity ito.
Nang i-announce na ang second segment, agad akong pumila sa harapan. Ako ang unang maglalakad, kaya nasa unahan ako ng line-up. Mas lalo pang tumaas ang confidence ko, siguro dahil ito na ang pangalawang beses kong maglakad sa runway.
Hanggang sa closing segment, ako naman ang huling naglakad—isang malaking karangalan na maging finale ng show.
Isa itong napakalaking opportunity para sa akin. Mas lalo akong naging headline sa social media, lalo na sa Pilipinas, dahil tatlong beses akong naglakad sa runway—isang bihirang chance para sa isang bagong modelo.
Pagkatapos ng fashion show, naghiyawan kami sa tuwa at nagyakapan. Ang sarap sa pakiramdam—lahat ng pagod, kaba, at puyat ay parang nawala sa isang iglap.
Tumakbo sina Gigi at Bella, pati na rin ang iba pa naming kaibigan, papunta sa akin. Unang yumakap sa akin si Gigi.
“You were amazing out there!” bulong niya sa akin habang humihingal pa.
“We both were,” sagot ko, habang magkahawak kaming tinitingnan ang controlled chaos ng backstage—tawanan, high-fives, champagne, at ilang stylist na may hawak pa ring sewing kit na parang hindi pa rin tapos sa trabaho.
Lumapit ang creative director ng show sa amin, hawak ang clipboard niya at may headset pa sa tainga.
“Fantastic work, girls. That closing walk—unforgettable,” sabi niya habang tinatapik ang balikat ko.
Napangiti ako nang malapad. Hindi ko pa rin lubos maisip na ako ang piniling pang-closing. At sa mga mata ng libo-libong nanonood, at sa dami ng flash ng camera—naipakita ko kung sino ako.
Maya-maya, lumapit si Rousse na may dalang malaking bouquet ng pink roses—ang ganda nito, parang kinuha sa isang editorial spread.
“For you, galing sa admirer mo,” sabi niya, may ngiti sa mga labi.
“And who might that be?” tanong ko, habang kinikilig sa loob.
“Just read the card,” sagot ni Rousse, sabay napangiwi.
Binasa ko ang card na nakalagay sa bouquet:
“Just like these pink roses, you radiate beauty, strength, and grace most effortlessly. I admire not only what you do, but who you are — deeply, quietly, and completely.”
XXX — ZV
Sanay na akong makatanggap ng flowers every time matapos akong rumampa sa runway, pero itong “ZV” na ito—unfamiliar. Nilagay ko muna ang bouquet sa tabi dahil nakita kong pumasok sina Gemini at Tita Amelia.
“Congratulations, to our angel,” sabi ni Tita, may hawak pang bouquet ng pink lilies. Alam na alam niya talaga ang paborito kong bulaklak.
“Congratulations to you, sissy!” yakap naman ni Gemini, may hawak na Juliet Rose. Wow, ang mahal nito. Pero knowing Gemini, afford niya talaga ang mga ganito.
“Thanks, you guys. I really appreciate that you’re here for my first VS Fashion Show. Sayang, wala sina Mommy at Daddy,” sabi ko habang yakap pa rin si Gemini.
“Actually, gusto sana nilang pumunta, pero nagka-problema sa isang planta ni Daddy sa China. Kailangan nilang lumipad agad doon,” paliwanag ni Gemini.
“Yeah, they called me yesterday,” sagot ko.
Pagkatapos ng eksena namin nila Tita at Gemini, nagpaalam na sila. Si Tita ay babalik agad ng Pilipinas dahil manganganak daw ang pinsan naming si Becca. Si Gemini naman may flight pa pa-Spain para sa business meeting.
Nagbihis na ako para sa after-party namin sa The Crane Club sa Chelsea, New York City. Nagsuot ako ng silk mini dress by Roberto Cavalli—hapit sa katawan ko, kaya sobrang sexy ng dating ko. Unlike other models, I actually have curves—and this dress hugged every inch perfectly. I felt powerful and confident.
Pagdating namin sa venue ni Rousse, naglakad kami sa red carpet. Kasama ko si Jasmin, and of course, we posed together. Dalawang fierce angels side by side—flashes everywhere. Pagkatapos, pumasok na kami sa loob ng club. Exclusive ang gabing ito—para lang sa mga modelo at VIP guests.
Pagkakita namin sa mga kaibigan namin, dumiretso na kami sa lounge area. Nagsimula na kaming uminom—chill, konting tawa, konting chika. Si Rousse naman, sumama sa grupo ng mga PA at stylists—puro rin mga beki, kaya parang mini-ball na rin ang eksena nila.
The vibe was electric. Music was loud. Champagne was flowing. And for the first time in a long time, I felt like I was exactly where I belonged.
Habang nag-eenjoy kami at sumasayaw, naubos na ang champagne ko kaya pumunta ako sa bar para humingi ng inumin. Medyo may tama na rin ako sa champagne na nainom ko kanina—nahihilo na ako habang naglalakad papunta sa bar. Sa daan, may nakasalubong akong lalaking naka-itim, pero hindi ko maaninag ang mukha niya dahil sa mga ilaw.
Bago pa ako makarating sa bar, may nag-abot sa akin ng isang baso ng inumin. Hindi ko alam kung sino, pero kinuha ko ito at ininom. Pagkatapos kong uminom, bumalik na sana ako sa mga kaibigan ko, pero bigla akong nahilo. Napahawak ako sa isang lalaki na hindi ko kilala. Mukha naman siyang guest sa party, dahil naka-formal siya at may suot na VIP tag.
Hinawakan niya ang braso ko at marahang pinaupo sa isang upuan. Narinig ko pa siyang nagtanong,
“You okay?”
Umiling lang ako, kasi parang hindi ko na kaya. Mabigat na ang katawan ko, at unti-unting nagdidilim ang paningin ko. Ilang sandali pa, naramdaman kong parang may yumuyugyog sa akin—parang dinuduyan ako sa hangin.
Hanggang sa tuluyan nang bumigat ang mga mata ko... at nawalan na ako ng malay.