Aries POV
Pagkabangon ko kinabukasan, hindi ko pa man naaabot ang kape ko, may text na agad si Rousse:
Rousse: “Wake up, Angel. Today is your big reveal.”
Sa loob ng isang oras, nakaayos na ako—naka. Sinundo ako ni Rousse at diretso na kami sa rehearsal venue: isang private warehouse na ni-rent out exclusively for the Angels.
Pagdating doon, punong-puno na ng energy ang lugar. Ang buong space ay may full runway setup, black curtains, blinding lights, and music thumping in the background. Naroon na ang ibang Angels—lahat sila gorgeous, confident, and already walking the marked floor with perfect posture.
Nilapitan ako ng floor director.
"Aries, welcome! You’ll rehearse all three of your walks today. One solo, one group, and the finale."
Sumunod agad ako. Sa bawat step ko sa mock runway, nararamdaman ko ang saya sa bawat hakbang ko sa runway stage.
Pagkatapos ng unang round ng walk, sumenyas ang choreographer na lumapit ako.
"Great stride, Aries. Controlled and graceful. Keep your eyes forward and claim the space—this is your runway now."
Ngumiti lang ako at tumango. Noted. I got this.
Pagkatapos ng ilang oras na rehearsal, halos lahat sa amin pagod at gutom na. Buti na lang, may nakahanda nang pagkain sa lounge area para sa mga Angels. Sabay-sabay na kaming kumain.
Nilagyan na agad ako ni Rousse ng pagkain sa plate ko—mostly low carb meals muna since next week na ang Fashion Show.
Habang kumakain kami, biglang lumapit si Gigi Hadid sa akin.
"Hi Aries, you look so stunning as always." Sabay halik sa pisngi ko.
"You too, Gi. By the way, I heard you didn’t renew your contract with BMW?" Sabay ngiti sa kanya.
"Yeah, I didn’t. Your sister offered me a better deal to become a new ambassador of Tesra."
Ngumiti rin siya, sabay naka upo sa tabi ko. Tumingin siya sa akin, na may curious ang expression.
"I heard you refused her offer?"
"You know me—I try not to be connected with the family business as much as possible."
Napangiti siya at umiling.
"You’re unbelievable, babe." Sabay napailing sa kanyang ulo.
Nagkatawanan kami. Si Gigi ay isa sa mga kaibigan ko sa industriya, kaya close kami—pati na rin ang kapatid niyang si Bella Hadid. Mabait talaga silang magkapatid, genuine at walang arte sa katawan.
Kaya tuwing may mga endorsement offers mula sa business ng pamilya ko, kadalasan sa kanila ko pinapasa. Gusto ko kasing iwasan ang perception na kaya ako may mga proyekto ay dahil lang sa koneksyon. As much as possible, gusto ko mapatunayan ang sarili ko on my own terms.
Maya-maya, lumapit na rin ang iba pa naming mga kaibigan sa industry—fellow models na matagal ko nang kakilala. May sarili akong circle of friends, pero to be honest, bihira ako lumabas o sumama sa kung anu-anong lakad. Hindi sa suplada ako, pero ayoko lang talaga masayang ang energy ko sa mga walang kwentang bagay. Hindi naman yun big deal sa mga kaibigan ko.
Usually, nakiki-join ako sa after parties pagkatapos ng Fashion Show, pero hindi rin ako mahilig magtagal. Just enough to celebrate, then I’m out. Pagkatapos naming kumain, tinawag kami ng Fashion Show Director.
Kailangan na raw naming pumunta sa studio area dahil magsisimula na ang official photoshoot, lalo na para sa mga new Angels.
Pagkatapos ng group photos at mga video materials na kinunan para sa campaign, nilapitan ako ng Talent Director ng Victoria’s Secret. Sinabi niyang kailangan ko raw pumunta sa office para sa isang private meeting.
Pagkarating ko sa staff office, pinaupo nila ako sa sofa. Ilang minuto pa lang ang lumipas, dumating na ang Assistant Manager ng IGM, kasabay ng Talent Director ng Victoria’s Secret.
Umupo sila sa tapat ko, dala ang isang branded folder.
Unang nag salita ang Talent Director ng Victoria Secret.
"Aries, as you know, we’re planning to make you the exclusive ambassador for our upcoming lingerie collection. And we’re here to discuss the terms and conditions of the contract. That’s why your Assistant Talent Manager from IGM is also here with us. Actually, we’ve already discussed the offer with IGM management. They have no objections, but they emphasized that the final decision is still yours."
Tahimik lang ako habang pinapakinggan ang paliwanag niya. Nang iniabot ng Assistant Manager ang folder, kinuha ito ni Rousse at iniabot sa akin.
Binuksan ko ang folder at sinimulan kong basahin ang laman ng kontrata. Maayos, detalyado, at malinaw ang bawat clause. Walang gray areas. Lahat transparent.
Wala akong naging objection—maganda ang offer nila. Gagawin nila akong exclusive ambassador para sa mga bagong lingerie products ng brand. Pero hindi lang doon natatapos. Kukunin din nila ako bilang exclusive campaign ambassador para sa Victoria’s Secret Beauty line.
Tiningnan ko ang Assistant Talent Manager na si Levi. Tinanong ko siya,
"I’m still under contract with another luxury beauty brand. Wouldn’t this be a conflict?"
Ngumiti siya nang mahinahon. at sinagot ako.
"We’ve already checked on that. Your current campaign is nearing its end. The VS beauty campaign will begin after you’ve fulfilled your remaining obligations. No overlap. No legal issue."
Tumango ako. Everything was falling into place.
Kaya hindi ko na pinatagal pa ang discussion namin. Kinuha ni Rousse ang pen mula sa folder at iniabot ito sa akin. Walang pag-aalinlangan, pinirmahan ko na ang kontrata.
Pagkatapos kong lumagda, ngumiti ang Talent Director.
"Congratulations, Aries. You're officially part of something bigger. We’re so excited to have you on board."
Sinabihan nila ako na magsisimula na bukas ang photoshoot at video campaign para sa bagong lingerie line na ipro-promote ko. Dahil dito, ipinaalam na rin nila sa akin na hindi muna ako sasama sa rehearsals bukas—priority ngayon ang shoot bilang bahagi ng official launch ng campaign.
Alam kong magiging loaded ang schedule ko, pero handa ako. This was the kind of busy I’ve always dreamed of.
Tinapik ako ni Rousse sa balikat at bumulong, “This is it. This is your next level.”
At sa loob-loob ko, alam kong tama siya.
Ito na nga. From Angel to the face of Victoria’s Secret—this wasn’t just a title. It was a turning point.
Pagkalabas ko ng office, agad akong bumalik sa mga kasamahan kong modelo para ituloy ang Angel reel shoot, bilang bahagi ng Fashion Show campaign. Buong araw kaming nagtrabaho—posing, filming, coordinating transitions. Gabi na nang matapos kami.
Pagkauwi ko sa penthouse, ramdam ko agad ang pagod. Diretso ako sa banyo, naghugas ng katawan, at humiga na sa kama. Hindi na ako nagbukas ng phone—kailangan ko ng pahinga. Bukas ay maaga na naman kaming magsisimula para sa shoot ng bagong lingerie campaign, at kailangan ko ang buong energy ko para doon.
Habang nakahiga ako, tulala lang ako sa kisame, nag-iisip.
I’m only 20 years old, pero ang dami nang nangyari sa career ko. Apat na taon pa lang ako sa industry, pero ang dami ko nang nahawakang brand—not just international, but also local brands sa Pilipinas.
Ngayon, isa sa mga pinakamalalaking pangarap ko ang natupad: maging isang Victoria’s Secret Angel. At hindi lang ‘yon—ginawa rin nila akong campaign ambassador para sa bagong lingerie at beauty line.
Pero hindi pa doon natatapos ang mga pangarap ko.
Gusto ko ring makapag-cover ng iba’t ibang international magazines.
Oo, nag-cover na ako ng Cosmopolitan at Mega sa Pilipinas. Sa Asia, nag-feature na ako sa W, Dazed, at Elle. Sa Europe, nagawa ko na ang Harper’s Bazaar Paris at London editions.
Pero wala pa ako sa cover ng kahit anong Vogue—Vogue US, Vogue Italia, Vogue Paris… iyon ang next big goal ko.
At higit sa lahat, gusto kong mapasama sa Top 10 Supermodels in the World. Mataas man ang pangarap na ‘yon, pero alam kong makakamit ko rin ito sa tamang panahon.
Bago ko ipikit ang aking mga mata, nanalangin muna ako. Nagpasalamat ako sa Diyos para sa lahat ng biyayang natanggap ko. Sa bawat hakbang ng journey ko, alam kong may dahilan kung bakit ako nandito.
Pagkatapos kong magdasal, pumikit ako para matulog.
Handa na akong harapin ang darating na bukas.