Aries POV
Pagdating namin sa IGM headquarters, ramdam ko agad ang energy sa buong building. Pag-akyat namin ni Rousse, sinalubong kami ng assistant ng agency director na Levi, "Hi Aries, right this way.
The orientation’s about to start. Congratulations again!"
Ngumiti lang ako, medyo kinakabahan. This is it—official na. Hindi na lang ito pangarap isa na akung VS Angel. Pumasok kami sa malaking conference room. Nandoon na ang iba pang models na under sa IGM—mga pamilyar na mukha, pero iba na ngayon ang vibe. Halos lahat kami ay napili, magiging bahagi ng Victoria’s Secret Fashion Show.
Nagsimula ang orientation. Briefing tungkol sa branding, schedule ng fittings, travel arrangements, choreography, rehersal at expectations bilang isang VS Angel. May mga representative rin mula sa Victoria’s Secret mismo—stylists, casting directors, even a few past Angels na nagbigay ng insights.
Speaker:
“This is more than a fashion show. It’s a legacy. When you step onto that runway, you’re not just wearing lingerie—you’re carrying the spirit of the brand. You're representing confidence, power, and story. Be ready to own that space.”
Pagkatapos ng orientation, isa-isa kaming tinawag for the contract signing.
Lumapit ako sa desk, where the contract was already waiting for me. Thick document, embossed with the VS logo on the folder. Sa gilid, may nakasulat:
"Victoria’s Secret Angel Agreement – Aries Sullivan"
Tumabi si Rousse sa akin, habang hawak niya ang phone para kunan ang moment.
"Smile, superstar. This is history."
Habang hawak ko ang pen, tumingin ako sandali sa glass wall ng conference room. Kita ang skyline ng New York City—at sa reflection ko, nakita ko ang sarili ko. Yung dating batang nangangarap lang sa harap ng salamin, ngayon ay pumipirma na ng kontrata bilang isang Victoria’s Secret Angel.
Lumagda ako. It's Official.
Pagka-sign ko, pinirmahan na rin ng representative mula sa brand. Binigyan ako ng welcome kit—kasama doon ang custom VS robe na may pangalan ko sa likod, at ang all-access badge ko for the show.
Paglabas namin ni Rousse sa conference room, halos pareho kaming sabay na napasigaw sa hallway.
"Girl, you’re not dreaming. You are an Angel. Let’s go celebrate!"
At habang papalabas kami ng agency, napabuntong-hininga ako. Alam kong ito na talaga ang simula ng bagong chapter sa buhay ko.
Bata pa lang ako, pinapanood ko na ang mga Victoria’s Secret Angels—makikita mo agad yung aura nila: fierce, full of confidence, commanding the stage like queens. Isa sa pinakaunang nag-inspire sa akin ay si Adriana Lima.
Idol ko talaga siya. Isa siya sa mga modelong hindi lang maganda, pero may presence—yung kahit hindi pa siya nagsasalita, alam mong may dating. I’ve had the privilege na makatrabaho siya several times. Since naging Class A model na rin ako, madalas kami magkita sa international shows, shoots, at events. Pero iba pa rin talaga kapag nakita mo siyang rumarampa sa Victoria’s Secret runway. Nakakakilabot. Nakaka-inspire.
At ngayon, ako na ang nasa posisyon na ‘yon. Ako na ang susunod na maglalakad sa stage na pinangarap ko noon pa.
"Grabe, Rous… This is really happening."
"Yes, baby girl! You’re not just watching history anymore—you’re part of it!"
Sa loob ng kotse pauwi, tulala lang ako habang pinapanood ang mga gusaling dumaraan sa bintana. Iniisip ko kung anong look ang ipapasuot sa’kin, sinong designer ang magha-handle ng wings ko, at kung sino kaya ang makakasabay ko sa backstage.
Kanina sa IGM headquarters, sinabi sa’kin na tatlong beses akong maglalakad sa runway—three segments, which is a big deal. Sobrang saya ko.
Hindi ko alam kung sobrang excited lang ako o naiiyak na rin sa tuwa, pero isang bagay ang sigurado—handa na ako.
Pagdating sa penthouse, sinalubong ako ng mga notifications. Trending na pala ang pangalan ko. Naka-tag ako sa mga post ng fashion pages, may mga headlines na:
“A Half-Filipina Class A Model Aries Sullivan Officially Joins Victoria’s Secret Angels.”
“Aries Sullivan Steps Into the Spotlight—Meet VS’s Newest Angel.”
Tumayo ako sa harap ng salamin, suot ang robe na binigay ng agency, may nakaburdang “Aries” sa likod.
Nginitian ko ang sarili ko. Hindi dahil sa ego, kundi dahil proud ako. Pinaghirapan ko ‘to.
Pagkarating ko sa penthouse, agad kong tinawagan si Gemini. Gusto ko siyang personal na sabihan na hindi ako makakapunta sa party niya sa mansion this Saturday.
Me: "Gem, I’m so sorry, hindi ako makakarating this weekend."
Gemini: "What? Bakit? Akala ko magki-celebrate tayo ng pagiging Angel mo!"
Me: "Oo nga eh, gusto ko rin sana. Pero starting tomorrow, sunod-sunod na ‘yung schedule ko. Wala na talaga akong pahinga."
Narinig ko ang kaunting disappointment sa boses niya, pero alam kong naiintindihan niya.
Gemini: "It’s okay, Sis. I get it—Victoria’s Secret ‘yan. Actually, invited din ako. I have a VIP seat so I can watch you live. Kaya dapat ibigay mo lahat, ha? We’ll celebrate after the show, promise?"
Ngumiti ako kahit pagod na. Sobrang supportive talaga ng kapatid kong ‘yon.
Me:"Thanks, Gem. I owe you one. See you there, okay? Love you!"
Gemini: "Love you too, superstar!"
Pagkababa ko ng tawag, huminga ako nang malalim. Mula bukas, tuloy-tuloy na. Walang pahinga, walang atrasan. Ito na talaga—showtime.
Kinabukasan ay pumunta na kami sa fitting session ng VS Studio. Pagkarating ko sa studio kung saan gaganapin ang fitting, sinalubong agad ako ng team ng stylists, tailors, at coordinators. May malaking signage sa pintuan:
“Victoria’s Secret Official Fitting – Angels Only”
Napalunok ako. This is it.
Pagpasok ko, ramdam agad ang kabog ng dibdib ko. Makikita mo ang racks ng custom-made lingerie, handcrafted wings, at mood boards na may pangalan ng bawat model. And then I saw it—may maliit na sign na nakasabit sa isang section:
“ARIES SULLIVAN – Look 1 / Look 2 / Finale Look”
Lumingon si Rousse sa’kin, hawak ang phone niya para i-document ang moment.
"Girl. This is your rack. You have your own rack!"
"Oh my God... Hindi ako makapaniwala."
Nilapitan kami ng lead stylist na naka-headset at may dalang clipboard.
Stylist:
“Hi Aries, welcome! We’re starting with your first look—this one is custom-made for your frame. Hand-sewn crystals, silk wings, and thigh-high lace boots. It’s part of the ‘Celestial Dreams’ segment. You’ll shine.”
Tiningnan ko ang unang look—isang delicate yet powerful piece. Silver with hints of rose gold, kumikislap ang bawat detalye. Ang wings ay feathered, light but dramatic, parang angelic warrior.
"This is insane. I love it." sabi ko.
"Good! Let’s get you into the fitting room, then we’ll do adjustments." pahayag ng stylish.
Pumasok ako sa fitting room at unti-unting sinuot ang unang look. Paglabas ko, halos mapanganga ang buong glam team.
One stylist whispered: “She’s born for this.”
Tumingin ako sa salamin. Para akong ibang tao—still me, pero leveled-up. Powerful. Ethereal.
Sumunod ang second look—mas daring, part ng “Midnight Sirens” segment. Deep navy, sheer panels, paired with metallic wings at stiletto boots. At ang finale look? Show-stopper. Pearls, crystals, white feather train—pang-close ng show.
“Aries, you’re closing the third segment. That means the spotlight’s all on you. Are you ready for it?" Sabi pa ng Lead coordinator.
Ngumiti ako. Hindi ako nagdalawang-isip. "I was born ready."
Pagkatapos ng fitting, habang binabalot nila ang mga looks ko sa special garment bags, pinirmahan ko ang final wardrobe sheet.
Official na talaga. May sarili na akong wings. May sarili na akong segment. At may sarili na akong moment.
Gabi na nang matapos ang fitting dahil ang dami pang kailangang i-adjust sa mga looks ko. Pagkatapos ng adjustments, nagkaroon kami ng meeting kasama ang coordinator—kasi may photoshoot kaming lahat ng new Angels for the official campaign.
Kasama rin doon ang video shoot para sa official Victoria’s Secret Angel reel, kung saan ipapakilala kami individually to the public.
Pagkatapos ng meeting, tinawag ako ng team para sa isang private conversation.
May nakatakda pala akong special shoot para sa bagong lingerie line na ilalabas ng Victoria’s Secret. Ayon sa manager ko sa IGM, kinokonsider na rin daw nila akong bilang newest endorser ng brand.
Hindi pa raw ito official, kasi ongoing pa ang negotiations. Yung kontratang pinirmahan ko ay exclusive lang for runway participation, hindi pa para sa brand endorsement.
Pero knowing na pinag-uusapan na ako for such a major role? Sobrang big deal na 'yon para sa akin.