Zevian's POV Pagkatapos naming mag-usap ni Aries kagabi, nakatulog na ako. Napanood ko pa kung gaano siya kahimbing matulog, at doon ako nakaramdam ng konting ginhawa. Kinaumagahan, pagkagising ko, nakita ko ang mga messages niya. Ayon sa kanya, nasa fitting na raw siya. Kaya nag-asikaso na rin ako para pumasok sa work, kahit ang totoo, mabigat pa rin ang pakiramdam ko. Na-miss ko ang mabangong amoy niya, pati ang presensya niya sa tabi ko. Pagdating ng tanghali, nakatanggap ako ng mensahe mula kay Aries. Uuwi raw siya sa Pilipinas. May emergency. Parang nanlamig ang buong katawan ko. Tinawagan ko siya nang ilang beses pero hindi niya sinagot. Lalong tumindi ang kaba ko. Hindi ko siya makontak kaya sinubukan kong tawagan si Rousse, pero kahit siya, hindi rin sumagot agad. Nagtext ak

