Aries POV Pagkarating namin sa Pilipinas, sinalubong kami ng assistant ni Daddy na si Maxwell, at si Kuya Max, ang second cousin ko. Paglapit pa lang namin, nagmadali akong lumapit at yumakap sa kanya. Close kami ni Kuya Max, at best friend pa siya ni Zevian, kaya alam kong may bigat ang dala niyang balita. “Kuya… how is my Daddy?” tanong ko, garalgal ang boses. Huminga muna siya nang malalim bago sumagot. “For now, he’s still in the operating room. Maraming bala ang tumama sa katawan niya. The doctors are doing everything they can.” Parang gumuho ako sa narinig ko. Doon na ako napahagulgol, hindi ko mapigilan. Hindi ko kayang isipin na mawawala si Daddy. At mas masakit isipin na baka masira si Mommy kapag nangyari iyon. Hinawakan ako ni Kuya Max sa balikat, pilit akong pinapakal

