Chapter Two

2295 Words
Two  Laine's POV "Dyusmiyo, fourthyear college ka na. Kunting buwan nalang at ga-graduate ka na. Bakit ka naman pumasok sa school ng naka two piece?? Blah blah blah... " Nang dahil sa katangahan ko kahapon ay napadpad tuloy ako ngayon dito sa disciplinary office. At kanina pa talak nang talak ang dambuhalang babae na nasa aking harapan. Panay irap lang ang ginagawa ko sa bawat linyang binibitawan niya. Like I care, duuhhh! Naputol ang kaniyang maingay na bibig nang may biglang pumasok. Oh~ the dean is here. "Your behavior is so inappropriate, Miss Ellaine Salazar. You're not only humiliating yourself with an indecent clothing and such but as well as the school. Take note of that! This is not a beach for heck's sake!! And definitely not your play ground!! Wala ka na ba talagang kahihiyan???" Inis na sigaw ng dean at sinampal pa talaga ako. Ang lakas talaga ng loob. Nyeta to! Hinawakan ko naman ang nasaktan kong mukha at sinamaan ko siya ng tingin. Siguro kung nakamamatay yung pagtitig ng masama ay paniguradong, masaya ko na siyang nilalamayan ngayon. Tsk! "Eh IKAW PO? Wala ka rin namang kahihiyan, diba PO?" Inis ko ring sigaw pabalik sa kaniya habang hinihimas ang nasaktan kong pisnge. Bigla siyang tumahimik kaya lihim akong napangisi. "Psh! Wag kasing magmalinis okay? Gayung alam na alam ko naman ang baho mo, mom." sabay irap ko sa kaniya at hindi ko na siya binigyan ng pagkakataong makapagsalita pa dahil lumabas na ako ng office pero narinig ko pa siyang sumigaw ng.... "Ide-delay ko ang graduation mo, as your punishment!" Umirap lang ako sa hangin at walang lingon na nagpatuloy sa paglalakad. Tsk! Wala akong pakialam!!! Kinuha ko yung phone ko sa bulsa at kaagad na tinawagan sila Dwayne. Gusto kong maglasing! Gusto kong mag walwal ngayong gabi! "Oh? Napatawag ka?" si Jaine ang sumagot. "Punta tayo mamaya sa bar. Gusto kong mag walwal." sabi ko lang sabay call end. Hindi ko na siya hinintay pang sumagot dahil alam ko namang pupunta talaga ang mga yun. Hindi na ako pumasok sa school at nagpunta nalang sa mall para bumili ng isusuot ko sa bar mamaya. \\ Nag-aayos na ako ngayon ng mukha ko at hindi nagtagal ay nagtungo na sa bar kung saan palagi naming tinatambayan. Hindi pa ako nakakapasok sa loob ay may mga lalaki na kaagad ang nagsilapitan sa akin. "Can we keep you---" hindi niya na naituloy ang kaniyang sasabihin ng magsalita ako. "Sorry boys. Hinihintay kasi ako ng mga friends ko. Next time okay? And btw, here's my number." malandi kong saad sabay abot sa kaniya ng calling card ko. Nginitian ko sila ng pagkatamis-tamis at seksing rumampa papasok sa bar. Rinig ko naman ang pagkamangha nila sa pagkembot na ginawa ko at paniguradong laway na laway sila sa katawan at beauty ko. Nang tuluyan na akong makapasok sa loob ay sinalubong ako kaagad nang maingay na tugtog at nang usok ng sigarilyo pati narin ang amoy ng samo't-saring alak. Kitang-kita ko rin ang kumpulan sa gitna ng mga taong lasing na, medyo tipsy, at mga naka-inom lang ng very slight na nag-eenjoy sa tugtog at maligaliw na nagsasayawan, yung iba naman ay nagiging wild na. Nagpalinga-linga ako't hinanap ko ang pwesto nila Jaine at agad ko naman itong nahanap kaya pumunta na ako doon at umupo. Hindi pa ako nagha-hi sa kanila nang agad kong inabot ang shotglass at tinungga ang laman non. "Wow! Hindi naman yata masyadong halata na gusto mo talagang maglasing ano?" Trex ng nakataas ang isang kilay. "Yo." Jin sabay lagay ng alak sa shotglass na hawak ko at nakipagcheers pa ito sa'kin. Nginitian ko lang ito at tinungga na naman ang laman non. "What reason ba kasi girl? Why do want na malasing ka ngayon?" Jaine na nakayakap sa braso ni Dwayne. Masyado ng expose ang magjowa na'to, ireport ko kaya sila sa mga pulis? For Public Display of Affection? Pero on the second thought ay wag nalang pala, baka umabot pa sa prison ang paglalandian netong dalawa. "Is this about the two piece??" natatawang sabi ni Jin. Nang-aasar na naman kaya napairap nalang ako. "Why did you pumasok sa school ng naka two piece kasi??" Jaine na halatang nagpapakyut na naman. "Two piece, two piece ka pa. Di ka rin naman nagwagi. Psh! Buti pa ang babe ko, waging-wagi ito sa puso ko!" Dwayne sabay pisil sa pisnge ni Jaine. Ito na naman po sila. Minsan masarap silang ipatapon sa pacific ocean, para pag fiestahan ng mga sharks doon. "Ano ka ba babe ko. You're making me kilig." pabebeng sabi naman ni Jaine. Mga takte! Sarap talaga pag untugin ng dalawang 'to. "Magsi-tigil nga kayo sa kaartehan niyong dalawa. Hindi ba kayo nagsasawa sa isa't-isa? Kasi ako, sawang-sawa na!" Liam sabay tungga ng isang shotglass. "Sinong magsasawa?! Never kaming magsasawa!! Ang sabihin mo'y naiinggit ka lang! Wala kasing SA'YO. Hmmp." Overacting naman na litanya ni Dwayne at nagyakapan na naman silang dalawa na parang pinaghiwalay namin, Psh! Kaya naman tumahimik nalang kaming lahat. Wala ng pag-asang magbago 'tong mga 'to. They're hopelessly obsess with each other. Napatingin ako sa paligid. Ang aga-aga pa, pero padami na ng padami ang mga lasing. Sobrang weak naman nila. Tsk! Napatingin ako sa mga lalaking naglalaway sakin diyan sa tabi-tabi. Nginingitian ko lang sila at nagwe-wave, ayun parang nalasing na rin. Natulala ba naman habang nakanganga ang bunganga at yung iba'y tumulo pa yung laway. Boys are so damn easy to win over. Pero bakit ibang-iba si Draight? Halos maghubad na yata ako't lahat-lahat sa harap niya ay hindi pa rin ito naaakit sakin. Napatingin naman ako sa isinuot kong damit ngayong araw na ito. Hapit na hapit sa beywang ko ang suot kong dress na kulay pula. May butas ito sa tiyan pati sa likod. Lantad na lantad ang maputi at makinis kong legs. Now tell me, bakit ayaw niya sakin?? "Laine! Teka lang.. Diba natalo ka sa bet natin?" nakangising sabi ni Dwayne. May bago na naman tong plano! Panigurado! Mga bwiset! "Yeah right! Hindi mo naakit si Draight!" maarteng saad naman ni Jaine. Ako na naman tinarget ng dalawang 'to. Kaya naagaw naman ng dalawang ito ang atensyon ng buong barkada. Lahat sila ay nakangisi na ngayon sa harap ko. Napairap tuloy ako sa hangin sabay tungga ng isang shot. Hindi ko alam kung anong klaseng inumin iyon. Pero ramdam ko ang pag-init non sa lalamunan ko na tila bay nakakapaso, at nalasahan ko ang mapait nitong lasa. "Now what??" inis kong sabi sabay irap. "Name your consequence!" sabay crossed legs at cross arms ng nakataas ang isang kilay. "Yan ang gusto ko sayo Laine! Madali kang kausap!" Jin ng may malapad na ngisi habang tinuturo pa ako. Tsk! "Wait-wait-wait! I found someone!" ngising saad ni Yena habang nakataas ang isang kamay para makuha ang attension naming lahat. Lahat kami ay napatingin sa kaniya. "Laine, for your consequence...." pagsisimula niya habang titig na titig sa mata ko at nakangisi ng nakakaloko. Mukhang hindi ko ata magugustuhan 'to. I smell, trouble. "Kailangan mong painumin ang lalaking yun!" sabay turo niya sa kung saan. Napatingin naman kami doon sa tinuturo niya at halos lumuwa ang mata ko sa lalaking kaniyang itinuro. Si Yzece! The ultimate badboy ng university namin. At bakit badboy?? Well, lahat kasi ay kaya niyang saktan. Walang pinipiling gender. 'If you mess with him, it's either you die or you'll suffer' is his MOTTO in life. Gosh! Bakit siya pa ang napili ni Yena? Tangina to! Lagi talaga akong nilalagay sa pahamak! Pero wait lang.. bakit parang kamukha ni Yzece yung nakilala ko sa restroom the other day? Tinitigan kong mabuti yung mukha niya at kinompara sa lalaking nakasama ko sa restroom that time... Napa-snap ako ng daliri nang marealize ko na kaya pala pamilyar sakin yung guy nayun kasi si Yzece pala yun! Hindi ko lang siya kaagad namukhaan no'ng time na'yun kasi medjo desinte yung suot niyang damit, wala siyang earings sa bibig at walang hawak na sigarilyo. But now that I'm seeing him here in this bar, He's more like the Yzece that we've known as the ultimate BADBOY. "Seryoso ka ba Yena?" Kunot-noong tanong ko habang nagmamaka-awa ang aking mga mata. Baka sakaling magbago ang isip niya. But no! The way she curved her lips. Alam ko na kaagad na wala akong takas! "Diba si Yzece yan? Ang badboy ng school! My Gosh Yena! Bakit siya pa ang napili mo? Hindi mo ba naisip na baka pagkatapos nito ay baka malumpo pa itong kaibigan natin?" mahabang litanya ni Trex pero mas lalo lang lumapad ang ngisi ni Yena. "Syiempre, hindi naman natin siya hahayaang mabugbog? Diba boys?" taas isang kilay niyang tanong sabay tingin sa mga lalaki na kasama namin. Sumipol si Dwayne. Tumikhim si Jin. Nagpalinga-linga naman si Liam, na biglang tumahimik magmula nong masabihan sa ka-OA-han ni Dwayne kanina. At dahil sa naging reaksyon nila ay mas lalo akong kinilabutan at kinabahan. Lahat sila ay takot kay Yzece!! Mga potang-inang to! Wala man lang bang tutulong sakin dito??? My gosh! Baka masira pa ang beauty ko nito! Sinigawan ko pa naman siya no'n sa restroom. Baka nagho-hold na sakin yan ng Grudge. Napatingin ako sa kinauupuan ni Yzece at napako ang mata ko sa kaniyang kamao. Ang laki nito! Litse! Baka nga mawasak ang mukha ko kapag nakatikim ng suntok galing sa matigas niyang kamao!! Damn!! What must I do para hindi matuloy ito??? Think Laine! Think!!! Kaso hindi nakisabay ang braincells ko kaya hindi tuloy ako nakapag-isip! "Well anyways...." pagpapatuloy ni Yena. "Lagyan natin ito ng twist!" Kaya kaming lahat ay napatingin ulit sa kaniya at halos hindi ako makapaniwala. The f***!! Gusto niya ba talaga akong mapahamak???!!!! Oh lord.. . Baka pagkatapos po nito ay matatapos din ang maliligayang araw ko dito sa mundo... Huhuhuhu. Help me pooo.... "OMG! Gusto ko yan girl! What twist ba??" excited na sabi ni Jaine. "Painumin mo siya ng alak..... Gamit ang iyong mga labi!" Oh s**t! I think I died! Nanlalaki yung mata ko habang pinoproseso yung consequence idea ni Yena. Kailangan ko talagang mag-isip ng ibang paraan para hindi ito matuloy. Think Laine! Litseng utak naman 'to, ayaw makisababay! "Hoy Laine! Natulala ka na diyan? Gagawin mo ba yung consequence o hindi???" Jin Oshit! Bakit ba naman kasi si Yzece Drei Sandoval pa ang napili ni Yena para sa consequence ko?.. Ang dami-dami namang mga lalaki diyan sa tabi-tabi. Why does it have to be him? "Ito na nga okay? Tatayo na." Gosh! Bigla akong nakaramdam ng matinding kaba. Mabilis ko tuloy na ininom ang shotglass kong may lamang tequila. "Hoy?! Bakit mo naman ininom? Para yun kay Yzece!" singhal sakin ni Yena. Napairap nalang ako. Kaya nag order sila ulit ng isa pang tequila. "Ipainom mo ito sa kaniya with your mouth, okay?" Jaine at binigyan ako ng isang shotglass. Napalunok ako ng sunod-sunod. Kaya ko bang talaga??? Bakit ang bigat-bigat yata ng paa ko? Bawat hakbang ay rinig na rinig ko ang malakas na pagkabog ng aking puso dahil sa sobrang kaba. Pakiramdam ko ay nakalibing na nga yata ang isa kong paa sa hukay. Hindi ko magawang rumampa papunta sa pwesto ng lalaking nagmamay-ari ng pangalang Yzece. Gayung nakikita ko ngayon kung paano niya sunod-sunod na sinuntok ang lalaking nakaupo sa kaniyang harapan. Nag-aapoy sa galit ang kaniyang mata habang patuloy pa rin na sinusuntok ang lalaki. Walang sinoman ang nagtangkang awatin si Yzece. Lahat sila ay nagkunwaring abala sa kanilang ginagawa. Mas lalo akong nilamon ng takot. Pa'no kung ako ang kaniyang isusunod?? Masisira pa yata ang maganda kong mukha. Waaa~ sigurado na ba talaga ako??? Paano kung tumakbo nalang kaya ako palabas ng bar nato?? Oh come on, Laine?!! You're a b***h! Kayang-kaya mo siyang akitin. It's easy as counting 1, 2, 3. Drive him crazy. You can drive him crazy! Pagkukumbinsi ko pa sa aking sarili. Huminga ako ng malalim. Tipid na ngumiti at inayos ang paglalakad. Malapit na malapit na ako sa pwesto niya nang matapos siya sa pagsuntok sa lalaking nasa harap ng kaniyang upuan. Nagbuntong hininga ako ng malalim para maalis ang kaba. Pero hindi umepekto. Kinakabahan pa rin ako! Halos mabulunan ako ng bigla siyang napatingin sa akin. His intimidating stares gave shivers down my spine. Ako na ang unang pumutol sa pakikipagtitigan naming dalawa. Hindi ko kinaya. Masyado siyang nakakatakot. Namukhaan niya kaya ako?? Nang maramdaman kong hindi na siya nakatingin ay muli ko siyang tinignan. With all honesty, sobrang gwapo niya. Ang una kong napansin ay ang perfect shape at napaka-manly niyang jawline. Ang buhok na medyo magulo at mahaba na hanggang leeg niya. May pagka-wavy pa ito at kulay dark brown. Ang kaniyang magkasabong na kilay, ang matangos na ilong, at ang pinkish niyang labi na may earings, at may hinihithit pang sigarilyo. But it only made him look so COOL. Mabilis kong binawi ang tingin sa kaniya ng bigla na naman siyang napalingon sa gawi ko. Nagkunwari akong nanonood sa sayawan habang pangiti-ngiti at sinabayan ko pa nang paghe-headbang ang nakaka-aliw na tugtog. Akala ko ay hindi na siya nakatingin sakin kaya napatingin ako ulit sa kaniya. Kaso TAKTE mga besh, nakatingin siya sakin kaya napilitan akong ngumiti. Napawi ang ngiti ko ng hindi niya man lang ito sinuklian. Tsk! Ang sunget. Nagbuntong hininga ako at tinignan ang shotglass na kanina ko pa hawak. Nagbuntong hininga ulit at mabilis itong tinungga. Seksi akong naglakad palapit kay Yzece at ng nasa malapit na niya ako ay mabilis kong dinampi ang labi ko sa labi niya.. He Stiffened. Hindi ko nakita ang mukha niya dahil nakapikit ako. Ayaw kong makita ang magiging katapusan ng buhay ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD