Chapter One
One
Laine's PoV
Yow people! I'm Ellaine Salazar. But just call me Laine. I'm totally gorgeous, hot as hell, at mas sexy pa kesa sa coke, yakult at etc. Halos lahat ng mga kalalakihan ay naglalaway sa beauty ko pati na sa body ko. Kilala ako sa University namin as the ultimate b***h in our school.
Why??
Well, let me enumerate the reasons.
Una. Marami-rami na ang napaiyak kong reyna-reynahan sa school namin.
Pangalawa. Hindi ko na rin mabilang ang couples na nagkahiwalay nang dahil sakin. Dahil inakit ko ang mga boyfriends nila.
Pangatlo. Hanggang ngayon ay wala pang nakakatalo ng record ko as the most rated b***h in our school.
Yes, I'm a b***h! And what's wrong about that? Tanggap ko ang sarili ko. At hindi ako katulad ng mga pekeng tao diyan sa tabi-tabi, na akala mo kung sinong malinis pero lintek! Mas mabaho pa pala sa imburnal ang tinatagong ugali! Pwe!!! Mga patapon!!
Well mga bitches, flashback muna tayo ng kunti.
Naglalakad kami sa hallway. Kasama ko ang mga kaibigan kong sina Dwayne, at ang girlfriend niyang si Jaine, tapos sina Jin and Yena, atsaka si Trex at Liam. Masaya kaming nagkukulitan ng biglang may bumangga sakin. Isang haliparot na hitad ang aking nakita. Mabilis pa sa alas kwatro akong nagtaas ng isang kilay.
"What's wrong, Laine?" Trex na halatang hindi niya nakitang nabangga ako ng hipon na ito. Na kasalukuyang napaupo sa semento.
Siya na nga itong nakabangga sa akin, siya pa talaga ang may ganang mag-inarteng nasasaktan habang hinihimas ang kaniyang pwet. Nyeta! Ang arte! Ni hindi nga ako natinag sa pagkakabangga niya sakin... Tapos siya napaupo? Oh b***h please, sinong niloko mo?
"Tatayo ka ba diyan? O baka gusto mong gagawin kitang lumpo forever??" pagbabanta ko habang nakacross arms. Napansin ko naman ang pagkukumpulan ng mga estudyante sa paligid. Gosh! Nagmukha tuloy na binu-bully ko itong higad na ito sa sobra nitong kaartehan. May paiyak-iyak effect pa ang gaga!! Don't me girl! I know your style!
"Ano ba kasi ang ginawa ng b***h nato?" Trex na nakakunot na ang noo dahil hindi ko siya pinansin habang nakaturo kay higad. Akmang susugod na yung mga kasama ko, dahil alam nila ang kaartehan ek-ek ng babaitang ito, kaya agad ko silang pinigilan.
"Oops. Wag na kayong makisali. I can handle this higad." Maarteng saad ko sabay ngisi. "Pwede ba? Wag mo'kong artehan? You're the one who bumped me, so you're supposed to be the one who's responsible here." Mygod! Maaabot na yata sa langit ang aking kilay sa sobrang taas na nang pagkaka-arko nito nang bigla nalang umiyak ng pagkalakas-lakas yung babaeng higad. Bwiset na'to. Ako pa ang ginawa niyang antagonist ngayon?? Like b***h please, don't be like that. You can't fool me.
Sobrang naiinis na talaga ako. Dahil kanina pa kami dito. At sobrang init na ni Mr. Sun, kasing init narin ng ulo ko dahil sa higad na'to. Ayaw kong mabilad sa araw at baka masira pa ang skin cells ko. Ayaw kong umitim! Kaya kailangan ng matapos itong kaartehan niya! Akmang lalapit na sana ako sa babae upang patayuin siya ng may biglang sumigaw.
"Ano na naman ba itong ginagawa mo, Miss Ellaine Salazar?" Kahit na hindi pa ako lumilingon ay kilalang-kilala ko na ang may-ari ng boses nayun. Si Draight Rim Gonzaga. Ang SSG president ng school namin. Pag minamalas ka nga naman!
Pinakalma ko muna ang aking sarili bago ako lumingon at nginitian ang presidente ng pagkatamis-tamis.
"Wala po akong ginagawa, Mr. PRESIDENT." may halong inis kong sabi habang nakangiti pa rin sa kaniyang harapan.
"Really, huh?" He said in disbelief habang nakataas ang isang kilay. How I hate this damn yet handsome creature!! Ang gwapo-gwapo niya sana kaso palagi niya naman akong iniinis! Gosh! Porket siya ang presidente ng school ay pweding-pwede niya akong pabalik-balik na ipakulong sa detention??! Mabuti sana kung sa puso nalang niya, kaso hindi eh! Detention room yun mga veve! Ang baho-baho kaya doon at ang dami pang insekto!! Masisira lang ang beauty ko doon, mga bebe!!!
Kaya kailangan kong kontrolin ang aking sarili. Umagang-umaga, ganito agad ang sasalubong sakin? How nice! **insert sarcastic tone here.
"Yes." I honestly said. Dahil ayaw ko siyang galitin at sana.... Sana ay umalis nalang siya ng matiwasay... Geeez.
"Explain." Cold niyang saad habang nakatitig sa mga mata ko. Ane be nemen yen. Bakit genyen ka nemen makatingin?? Pinapahalata mo namang may gusto ka sakin.
".. .. " But damn! Hindi ko tuloy mahanap kung saan napunta ang dila ko dahil sa paraan ng pagkakatitig niya sakin.
"Well.. Ano kasi eh.... Ahm... Ehhmm.. Iiiim.. . Oohmmm..??" Nabubulol kong sabi habang iniipit sa tenga ang ilang hibla ng aking buhok na nakaharang sa maganda kong mukha. Gosh! Bakit hindi ako makapagsalita ng maayos???
Kumunot ang kaniyang noo. My gosh! Ang hot niya mga bebe!! Next target lock in. *_*
Tinitigan ko siyang mabuti. Mula sa kaniyang maitim na buhok papunta sa kaniyang nakakunot na noo. Hanggang sa magkasalubong niyang kilay, sa kaniyang naiinis na mga titig sakin, sa kaniyang ilong na sobrang ganda ng pagkakahugis. At napako ang mga mata ko sa kaniyang maninipis at mapupulang labi na tila ang sarap-sarap halikan. Takte! Ang hot ng lalaking ito! Pwede ko ba itong maikama?? As in NGAYON NA! CHAROT! Hahaha.
Napansin ko ang pag-galaw ng kaniyang adams apple. Napalunok pa yata ang lolo niyo!! Ahihihi. Sabi ko na nga ba!! May gusto talaga sakin ito eh!! Hindi niya lang siguro masyadong pinapahalata! Aweeee. Ako'y kinikikikig~
"Detention. After class." Biglang sabi niya at agad kaming tinalikuran.
Bigla akong nanlumo sa kaniyang sinabi. Hanudaw???? Sandali! Wala naman akong ginagawang masama dito!! Hoy!!! Hintayin mo ang paliwanag koooo! Litse ka talagaaaaa~
\\
"Bwiset na lalaking yun! If I know, may gusto lang yun sakin kaya siya nagpapapansin upang ibigin! Duuh!" Maarte kong sabi habang naglalagay ng make-up sa mukha. Kesa naman sa pwet?? Duuuhh? Commonsense! Aish! Ano ba itong ginagawa ko!?? Nababaliw na yata ako dahil sa lalaking yun. Draight Rim Gonzaga. Lagot ka talaga sakin!
Nandito kami ngayon sa canteen at kakatapos lang naming magluch, pero magpahanggang ngayon ay hindi pa rin ako tumitigil sa pagmamaktol ng dahil kay Draight!
"Really, huh?" Dwayne habang ginagaya ang tono ni Draight kaninang umaga. Sa inis ko ay muntik ko ng mahampas sa kaniya ang hawak kong lipstick kung hindi lang talaga ito kinuha ni Jaine.
"Thanks babe." Nakangiting sabi ni Dwayne.
"Syempre babe, ayaw kong masaktan ka... " nakangiting sagot rin sa kaniya ni Jaine. Ang OA nila! Sarap pag-untugin!
Magsasalita na sana ako ng may dinugtong pa si Jaine... "Ng iba... Gusto kong ako lang ang nananakit sayo!" Sabay kagat niya sa braso ni Dwayne. Ito na naman sila! Nabaliw na naman!!! Grrrr!
Hindi ko nalang sila pinansin at nagsalitang muli, "Want a proof?? Just give me a day."
"Girl? Why need a DAY? Eh diba kahit 30 seconds lang ay kayang-kaya mo ng paibigin ang sinoman?" Yena habang ginuguhitan ang kaniyang kilay.
"Girl, ibahin mo naman si Draight! He's not your typical guy, you know?" Sabi ko habang nag-ii spray ng pabango.
"Okay game!" Biglang sabi ni Jin at hinampas pa talaga ang table namin. Nakaagaw tuloy kami ng atensyon. But we don't care anyways. "We will give you a day."
"Then I'll start tomorrow." Ngising saad ko. Ganito talaga kaming magkakaibigan, pare-pareho kaming may saltik sa utak.
\\
Kinabukasan....
Maaga akong dumating sa school dahil sa pagkakaalam ko, maaga daw dumadating si Draight sa SSG office. May malapad akong ngiti sa labi habang tinatahak ang hallway patungong SSG office. Hindi ko maitatago ang excitement kahit na nasa akin na ngayon ang attention ng ilang mga estudyante sa paligid. Tsk! Bahala kayo diyan! Wala akong paki-alam!
Nang makarating ako sa office ay dali-dali ko itong binuksan at agad kong nakita si Draight na nakaupo sa kaniyang table habang may binabasang mga papel.
Nang marinig niya ang marahas na pagbukas ng pinto ay agad siyang napatayo at galit na galit na napatingin sakin at sa suot ko. Napatingin naman ako sa sarili ko. Nakasuot ako ng two piece na binili ko lang kahapon. Mabuti nga't wala pa yung guard doon sa guardhouse kanina eh. Dahil kung nandoon siya ay baka hindi niya ako papapasukin na ganito lang ang suot.
'Ang ganda talaga ng katawan ko.' Pagpupuri ko sa aking sarili at binalik ang tingin kay Draight, na ngayon ay nakapikit habang hinihilot ang kaniyang mata. Unti-unti akong lumalapit sa kaniya habang gumigiling kasabay sa musika na tanging ako lamang ang nakakarinig.
Nang makalapit na ako sa kaniya ay kaagad kong hinaplos ang kaniyang katawan. Graveh mga viveh! Ang tigas ng kaniyang mga muscles.
"Distance yourself!" Mahina ngunit may halong coldness niyang saad. Pero hindi ako nakinig at agad na hinalikan ang kaniyang leeg.
"I said, DISTANCE YOURSELF!!" galit niyang sigaw kaya napaatras ako ng dalawang hakbang. Galit na galit siyang nakatingin sa mga mata ko. Napansin ko na parang ayaw niyang tumingin sa katawan ko. Hindi man lang ba siya naaakit sakin??? This is my most dirtiest seductive move, pero parang ayaw niya yata nito.
"What do you think you're wearing?" cold niyang tanong habang nakatitig pa rin sa mga mata ko. Tinignan ko ang sarili ko. Wala namang mali sa katawan ko. I have the body na pinaglalawayan ng lahat ng mga kalalakihan pero bakit tila ay nandidiri siya sakin???
"Go to the detention room!" sabi niya sabay upo at muling itinuon ang atensyon sa mga papel na nasa kaniyang mesa. Napairap nalang ako.
"Ayoko!" sabay cross arms.
Tumahimik ang paligid. Kaya nabigla ako ng may biglang kumatok. Pero mas nagulat ako sa pagsigaw ni Draight!
"DON'T COME IN!!!" sigaw niya kaya napakunot ang noo ko. Bigla siyang tumayo habang hinuhubad ang suot niyang jacket na may hood at walang ano-anong isinuot niya ito sa akin.
"And you!! Go to the DETENTION ROOM, NOW!!!" Sigaw niya ulit kaya mas lalo lang na nangunot ang noo ko. Muli siyang umupo at abalang-abala na namang nakatitig sa mga papers na nasa kaniyang table.
Gosh! He's imposible! I know naman na naramdaman niya yung malambot kong balat while he's putting the jacket in me, pero bakit hindi pa rin siya naakit sakin?? Am I not attractive enough for him to be satisfied??? Grabeh! Ano ba siya, BATO?? Tell me, ni hindi man lang ba siya natigasan? At teka nga, ano nga ulit yung sinabi niya????
'And you!! Go to the DETENTION ROOM, NOW!!!'
And you!! Go to the DETENTION ROOM, NOW!!!
And you!! Go to the DETENTION ROOM, NOW!!!
Ohshit! "Wait, I still have a class!!" pagrereklamo ko. Tinapunan niya lang ako ng bored na tingin sabay sabi ng, "Am I the one to be blame?"
Sa huli,
Maghapon akong nakakulong sa detention room. -.-
"Nakakainis! Mukha ba akong nakapatay? Kung ikulong niya naman ako doon parang ang laki-laki naman ng kasalanan ko! Ampp! Bakit ba kasi hindi siya naakit sakin? Panget ba'ko? Hindi ba kanais-nais ang hubog ng katawan ko?? Kasuklam-suklam ba'ko? Then Whhhhhyyyyy??" Maktol ko habang nakatingin sa sarili kong repleksyion sa salamin. Nandito ako ngayon sa loob ng restroom sa pinakamababang floor ng building netong school namin dahil inaaayos ko pa ang mukha ko. Naglagay pa ako ng make-up at tinatali ko pa yung buhok ko. Dahil wala narin namang katao-tao dito ay kinakausap ko ngayon ang sarili ko. Mukha na nga akong ewan e, pero kasi nakakainis lang kasi. Gusto ko lang maglabas ng sama ng loob dito sa harap ng salamin. Ikinulong ba naman ako sa detention room buong maghapon? Hindi naman na ata yun makatarungan!!
And as obvious as it is, ngayon palang ako nakalabas sa detention room at ang mas nakakainis pa, mukha na akong pulubi. Ang panget na ng pustura ko. Sobrang haggard ko na! Ang init-init naman kasi do'n tas ang dilim pa and the worst things are MABAHO na nga, ang dami pang daga at isnekto!! Bwiset na lalaking yun! Grrrr!
When I got satisfied, naghanda na ako para umuwi. But then, nong palabas na ako ay may bigla namang pumasok. Isang lalaki, na may medyo mahabang buhok.
"Shish! p*****t kaba?! Kita mong restroom to ng mga baba----" I couldn't even finished my statement because he covered my mouth with his hand.
"Can't you shut the f**k up, woman?!" he whispered with full of annoyance and arrogance. 'Nak ng putek naman! Lakas din naman ng trip ng isang 'to! Pinapatahimik ako kasi may binabalak siyang masama? Panay salita parin ako kahit tinatakpan niya yung bibig ko. Nagpupumiglas ako sa kaniya pero habang tumatagal mas lumalakas lang yung pwersa niyang patahimikin ako. In the end, napagod at nasasaktan lang ako kaya mas pinili ko nalang ang tumahimik. Pamilyar sa'kin yung mukha niya pero hindi ko naman siya madalas atang nakakasalamuha kaya hindi tumatak sakin ang kaniyang pangalan. But there's something inside of me that's telling me na parang kilala itong isang 'to sa buong School namin. But the truth is, pagod na ako for today na mag-isip. I just badly need a warm shower and a comfy bed to sleep. I had so much for the day, kaya hindi ko na masyadong pinag-isipan kung sino nga ba ang nilalang na ito na nasa aking harapan.
After a while ay binitawan niya naman ako kaya yung bunganga ko ay biglang sumabog, "WALANG'YA KANG KUPAL KA! NAPAKA BASTOS MO! ANONG GAGAWIN MO SAKIN HA? PAGNANASAAN MO AKO? SORRY TO DISSAPOINT YOU, PERO OFF LIMITS AKO! DO'N KA SA BAR MAGHANAP KA NG BAYARANG BABA----" hindi ko na ito natapos dahil umalis na kaagad yung lalaki na tila ba'y walang naririnig. Ang bastos talaga! Kitang nagsasalita pa'ko e! Walang manners!!