Six
Jyren POV
Nasa CR ako at nagre-release ako ngayon ng magic. Kanina pa ako dito at hindi pa rin ito lumalabas. Damn, masakit yung tiyan ko. Ano bang nakain ko?
Nasa gitna ako ng pagma-magic nang may biglang natawag. Number lang kaya hindi ko na sana ito sasagutin nang maisip ko na baka chicks ito. Kaya pinidot ko yung accept. Pero s**t, dapat hindi ko nalang pala sana ito sinagot.
"Locate this f*****g phone and come here, ASAP." Kilalang-kilala ko na kung kaninong boses ang nagmamay-ari no'n at since ayaw na ayaw ng lalaking iyon ang pinaghihintay ay naudlot tuloy ang pagmamagic ko. Agad ko siyang sinunod kahit sobrang masakit nong tiyan ko. Hindi ko pa siya nailabas, p*ta!!
Nagmadali ako sa pagsuot ng pantalon at lumabas ako ng CR. Kaagad kong nilocate yung phone call namin at ng malaman ko kung nasaan siya ngayon ay lumabas na ako ng condo.
Lakad-takbo ang ginawa ko papuntang parking lot habang hinihimas ang masakit kong tiyan.
"s**t naman kasi e," Bulalas ko nalang sa sarili at kaagad na sumakay sa kotse. Nang makarating ako sa distenasyon ay muli kong naramdaman ang pagtatawag ng kalikasan. Shiiit malapit ng lumabas kaya dali-dali ko siyang inilalayan.
Ang bagal-bagal niyang maglakad kaya nagsalita na ako, "Bilisan mo ang paglalakad pre. Kanina pa ako natatae!"
**********
Natutulog ako ng bigla nalang tumunog ang phone ko, nakapikit ko itong inaacept ang tawag. Silently hoping na sana boses ng isang magandang babae ang aking maririnig.
Pero ng marinig ko ang boses niya ay napabalikwas ako kaagad ng bangon, "Locate her phone."
"Phone?? Kaninong phone??" inaantok kong sagot sa kaniya habang kinukosot ko pa ang mata ko. Shete naman ang ganda pa sana ng panaginip ko e.
"Yung ginamit kong phone nong nasaksak ako." walang emosyon niyang sinabi.
"Huh? Bakit naman?" Nagtataka kong tanong.
"s**t! JUST LOCATE HER DAMN PHONE! DON'T ASK FOR MORE QUESTIONS. IF YOU STILL TREASURE YOUR USELESS LIFE, THEN LOCATE THAT MASK GIRL!!!"
Psh! Kita niyo na?? AKO PA YUNG SINIGAWAN KAHIT SIYA ITONG NAMBULABOG NG TULOG.
Laine's POV
Ano na?? Tatakbo na ba ako mga veveh??? Ipapa-locate niya yung phone ko... Heeeeelpp.... Pero teka nga, Bakit naman kaya? OMG. Baka pinapahanap niya ako upang ipa shoot to kill. Eheem.
Palihim kong shinut-down ang cp ko na nasa bulsa ng skirt ko. Nakatalikod pa rin ako sa kaniya at dahan-dahang naglakad patungong elevator. Ni-hindi ko siya nilingon or tinapunan ng tingin, nakayuko lang ako habang tahimik na nagdadasal na sana ay hindi niya ako pansinin. He cleared his throat. Kaya napahinto ako sa paglalakad at naging dahilan upang magsitayuan ang lahat ng balahibo ko sa katawan. Naloko na! Mukhang hindi yata ako nito hahayaang makaalis ng matiwasay. Narinig ko ang kaniyang yabag na papalapit sa akin. Mas lalong kumabog ang aking puso dahil sa takot, kaba at pangamba. Nang tuluyan na siyang nakalapit sa akin ay huminto na siya sa paglalakad at nararamdaman ko ang presensya niya sa aking likod.
Knowing his presence at my back is so nakakakilabot. Naririnig ko ang malakas na pagtibok ng aking puso. Gusto ko nalang na maglaho na parang bula. Sheesh, help me.
"What are you doing here?" masungit niyang tanong.
Napalunok ako ng laway at unti-unti akong humarap sa kaniya at naglakas ako ng loob upang ngitian siya. "Naligaw lang. Akala ko kasi nandito ang unit ko eh. Excuse me." sabi ko at tatalikod na sana ng magsalita ulit siya.
"Didn't you know that this floor is off-limits?" He said, his voice full of authority and it almost sounded like a death warning.
Marahas akong nagbuntong hininga at pilit na pinapakalma ang aking sarili dahil baka kapag hindi ako nagpigil ay sumabog ako bigla at malalagot na naman ako sa badboy na'to. Ngumiti ako ng bahagya sa kaniya pero nagtaas lang ito ng kilay na tila ba'y naghihintay sa aking sasabihin. Napakamot ako ng batok at napaiwas ng tingin. Hindi ko nakayanan ang makipagtitigan sa mga mata niya. Masyado siyang high-authority na tila ba'y mas nakakatakot pa siya kesa sa mga pulis.
"What? Are you just going to stand there?!" he asked and I jumped out of shocked. Bakit ba kasi nakakatakot ang nilalang na'to? Napatingin ako ulit sa kaniya at nakita kong nakatitig lang ito sa akin. Unti-unti siyang lumalapit, closing the remaining distance from us. Kaagad na bumilis ang t***k ng aking puso. Sheesh, He's too close!
Tinitigan niya akong mabuti habang nakakunot ang kaniyang noo. Kung makatitig naman ang isang ito ay parang hinuhukay niya ang buong pagkatao ko. Napalunok ako ng ilang ulit at panay iwas ang ginawa ko mula sa kaniyang mga titig.
"This area is restricted. What made you travel to my kingdom?" Muli niyang tanong sa nakakatakot na boses pero this time, naaamoy ko yung mabangong mint na nanggagaling sa bibig niya. Akala ko ba'y naninigarilyo ang lalaking 'to? Bakit nakakaakit yung amoy ng bibig niya? Diba dapat mangangamoy sigarilyo yan? Sheesh, nakakaakit, sarap halikan ulit. Nako, Laine! Magpigil ka! Gusto mo bang masuntok ka na naman ulit? Gusto mong magmukha ka na namang ugly duckling ha?
"Hindi ko nga alam, diba? Kaya nga ako naligaw dito eh! Takteng to!" hindi ko na napigilan ang bibig ko kaya ng matapos kong magsalita ay tinakpan ko kaagad ito pagkatapos ay lumayo ako sa kaniya ng ilang metro.
He smirk. "You're the girl who kissed me."
Medyo nainis ako sa paraan ng pagkakasabi niya. Hindi ko alam kung bakit but he said it as if sobrang baliw na baliw ako sa kaniya at hindi ko iyon nagustuhan. Hello~, ako kaya yung pinagkakaguluhan dito at kahit kailan ay hindi magiging uso sa'kin ang maghabol ng lalaki 'no.
"And you're the guy who punched my gorgeous face." sabi ko sabay irap.
Magsasalita na sana siya ng mag-ring ang cp niya. "What?" sagot niya dito. Mula sa pagkakainis ay bigla siyang ngumisi.
"Okay." saka niya inend call.
Nagulat ako na nagtataka kasi dahan-dahan na naman siyang naglalakad palapit sakin. Sa takot ko ay umatras naman ako. Gosh. Sa hitsura niya ngayon ay parang gusto niya akong lamunin ng buhay. Nakakatakot talaga siya mga bebe ko. Atras lang ako ng atras habang palapit naman ng palapit ang lalaking 'to. Ano ba kasi ang pina-plano niya?
Hanggang sa mapasandal ako sa wall. Hindi ko talaga kaya ang makipagtitigan sa kaniya kaya iniwas ko na naman ang aking tingin. Narinig ko ang pag-click at ang pagbukas ng elevator. Napasinghap naman ako ng inilapit niya ang kaniyang bibig sa aking leeg. Naghintay akong dumampi yung labi niya dito pero hindi naman. Sayang. Charot.
Ramdam ko yung mainit niyang hininga sa leeg ko hanggang sa may biglang nagsalita... "Siya ba yung pinagpalit mo sakin?"
Sa gulat ko ay natulak ko siya palayo sakin. Inayos ko yung damit ko at tinignan ang babaeng bagong dating.
She's gorgeous and hot. Pero mukhang lusyang. Mukhang nanay. Laos na kumbaga, Ganern~ gets nyo? Well, kung tutuusin ay mas maganda at mas hot parin naman ako noh. Tinaasan ko siya ng kilay nang tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Para bang inoobserbahan niya ang buong pagkatao ko. Like sheet, mas malinis pa'to kesa sa monay mo! But I can't blame her though, sa sobrang ganda ko ba naman. Naiingit yata siya sa kagandahan at kasexyhan ko. Nakatingin lang din ako sa kaniya ng nakataas ang isang kilay. Sino kaya 'to? Taga university din ba 'to? Or baka labandera ni Yzece? Pfftt--
"Slut." Yan ang unang lumabas sa kaniyang bibig matapos niya akong obserbahan. Napatingin naman ako sa suot kong damit. I'm wearing a fitted black dress that hugs the curves of my body, with a plunging neckline that reveals a hint of my cleavage. The dress has a thigh-high slit on one side, showing off my toned leg. Paired with strappy black heels and statement earrings, this outfit exudes my confidence and sexiness.
My eyes widened briefly before I flipped my hair in frustration. "Sorry 'nay ha, kung pinanganak kayo noong 90's." sabay irap ko. Duuh~ I'm a b***h, remember? At kahit kailan ay di ako nagpapatalo.
Hindi niya ako pinansin at tinignan niya si Yzece. "What the hell, Drei?! Magpapalit ka na nga lang ng shota, yung p*ta pa talaga?"
Pagkasabi niya no'n ay biglang nagsitaasan ang dugo ko papunta sa ulo ko dahil sa galit, "So, palinisan tayo ngayon??"
Napansin ko na biglang natigilan ang bababe kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita. Wala kasing preno ang bibig ko kahit kailan. Lalo na kapag inaapakan ang pagkatao, at mas lalong-lalo na kapag inaaapi ako ng babaeng alam kong mas higad pa naman sak'kin. "Girl, matanong lang, ilang lalaki na ang naka-score sayo?!"
Ngumisi ako ng mapansing natigilan silang dalawa. Psh! Don't me girl. Nakakaamoy ako ng mga manloloko.
Wag kasi ako ang kalabanin niyo, malakas ako mang realtalk lalo na kapag alam kong nasa tama ako.
Pagkatapos kong sabihin yun ay nag walk-out na ako. Masakit kayang masabihan ng pota. Lalo na kung di naman yun totoo. Tsk! Oo, ganito ako pero hindi naman ako bayarang b*bae!
Rumarampa na ako pabalik sa unit ko ng may biglang humawak sa wrist ko. Ngumisi ako. Lalaki na naman ito, panigurado. Mabilis pa sa alas-kwarto ko itong niyakap. Ewan, hindi ko alam pero gusto ko lang ngayon makaramdam ng warmth. I just want to hug someone. Kaya kung sino man ito. Pahiram muna ng katawan mo, kahit ilang sandali lang...
Hindi ko alam kung bakit pero sobrang bigat ng pakiramdan ko. Ang sakit palang masabihan ng p*ta. Pero kahit na makailang ulit ko siyang sabihan niyan, bakit hindi ko man lang siya nakitang umiyak? Ni minsan ay hindi ko siya nakitang nasasaktan. Sa bawat bitaw ko sa kaniya ng mga katagang yan, ay parang hindi siya tinatablan.
Feel na feel ko na ang pagkakayakap ko sa lalaki ng maya-maya pa ay bigla nalang ako netong itinulak. Dahilan upang mapaupo ako sa carpeted hallway.
Aray ko ah! Ang sakit non sa pwet ah!
Tumingala ako upang matignan kung sino yung niyakap ko na sana ay hindi ko nalang pala ginawa. Si Yzece Drei Sandoval pala yun. Sana pala tinignan ko muna kung sino bago ako yumakap ng basta-basta lang.
"Takte kang butiki ka! Bakit ka ba nanunulak???" sabay tayo ko. Inayus ko muna yung suot kong damit bago ko siya tinapunan ng masamang tingin.
"Why did you hug me?" he asked, his voice laced with anger.
Natigilan ako sandali bago nagsalitang muli. "B-bakit mo ba ako sinundan?" nauutal kong tanong. Emeged, bakit ba ako nauutal???
"I want you to be my girlfriend." biglang sabi niya. Dahilan upang muntikan ng malaglag ang aking panga. Seryoso ba siya???? Napalunok ako ng laway bago napangiti at napatawa sa kaniyang tinuran.
"What??? AHAHAHAA! Type mo talaga ako noh?? Ayieeee~ aminin~" pang-aasar ko sa kaniya. Napailing lang siya, with a hint of disgust in his face. It's okay, Veveh boy. I'm every guy's girlfriend." sabay kindat ko sa kaniya.
"No! You're not my type." diretsang sabi niya na nakapagpatigil sakin ng ilang minuto. Hindi daw ako type? Eh, bakit gusto akong maging girlfriend? Ano iyon? Forda display lang ang peg? Wow naman!
"Yun naman pala! Eh, bakit kailangan mo naman ako gawing girlfriend kung di mo naman pala ako type. Duuuh~" sabay irap ko, may halong inis ang bawat salitang binitawan ko.
"I want you to be my girl, in front of Sheena," he spoke to me with a serious and measured tone, his eyes fixed on mine with a penetrating gaze.
Ah, okay? Gagawin niya akong selos material ganern? Hmm, medyo mahirap yan pero.. may kailangan din kasi ako sa kaniya e. Nakatitig ako ngayon sa mga mata niya at nagtatalo ang aking isipan kung papayag ba ako sa inaalok niya. Nakatitig lang din siya sa'kin habang hinihintay ang aking sagot. Hindi nagtagal ay nagbuntong hininga ako at pinutol ang katahimikan na namamagitan sa aming dalawa.
"Pumapayag ako. In one condition," Sabi ko sa tono na seryoso habang nakatitig sa kaniyang mga mata ng diretso.
"What is it?" bored niyang tanong sabay lagay ng kaniyang kaliwang kamay sa kaniyang bulsa.
"Go to school and graduate." sabay ngiti ko. Marahan kong pinasadahan ang kaniyang matigas na braso habang nagsasalita ako ng ganito, "Okay ba 'yun, Veve boy? O ayan ah! Magkakasundo tayo. Sige, gorabells na ako, boyfriend ko." Bago ko siya tinalikuran, hinalikan ko na muna siya sa pisnge. Eh, makulit kasi ako eh... Wihihihi. Kaya nakabalik ako sa unit na may malapad na ngiti sa labi...