Four
Laine's POV
Hindi pa tuluyang gumagaling ang mukha ko pero napilitan akong lumabas ng condo dahil wala na akong pagkain. Bakit naman ako sa condo nakatira? Kahit na ayaw na ayaw kong mag-isa? Very simple answer, MAS MABUTI NA ANG MAG-ISA KESA ANG MAKASAMA SI DEAN SA IISANG BUBONG. Bukod sa maiimbarna lang ako do'n, ay restricted pa ako sa mga bagay na nakakapag-pasaya sakin, at ang pinaka-rason talaga ay ayaw kong nakikita ang pagmumukha niya! Kahit minsanan nga lang kaming magkita ay umiinit na yung dugo ko sa kaniya na til ba'y gusto ko na siyang saktan ng physical lalo na siguro kapag nakikita ko yung pagmumukha niya ng halos araw-araw baka mailibig ko lang siya ng buhay or maka-commit pa ko ng mas worst diyan! Gosh, I hate her!
Nakarating naman ako sa convenience store ng ligtas kahit pa may kumakalat na balitang may serial killer daw sa lugar na'to. Well nakakatakot. Pero mas nakakatakot pa rin talaga si Yzece. -.- Hindi ko siya mapapatawad sa nagawa niya sa mukha ko pero hindi ko naman siya kayang gantihan! Anong laban ko do'n? Baka nga sa next encounter namin diretsahin niya na akong fatayin, sheesh ayuko pa no! Marami pang vevevoyyss na naglalaway sa beauty ko. Ang hindi ko lang talaga maintindihan ay yung paghalik ko sa kaniya, akala ko kasi talaga nagustuhan niya kasi parang gumalaw ng kunte yung bibig niya. Like, its as if he was trying to kiss me back but he held himself back. Very suspicious.. hmmm...
Kunti lang naman ang binili ko dahil sa ayaw na ayaw ko ang tumaba ano. Kaya mabilis lang din akong natapos. Sa tingin ko naman ay walang makakakilala sakin dahil tinakpan ko ng face mask ang mukha ko. Nakakahiya kasi talaga ang mukha ko. Hanggang ngayon ay namamaga pa rin. Gosh! Namimiss ko ang lumandi. Namiss narin ata ako ng mga vevevoyyss ko jaan.
Pagkatapos kong magbayad ay lumabas na ako ng store at tahimik na nilalakbay ang daan. Dahil sa gusto ko na kaagad na makauwi ay naisipan kong dumaan sa shortcut. Dito ako madalas dumadaan kapag nagmamadali ako pero dito din madalas ang tambayan ng mga adik lalo na kapag ganitong lumalalim na ang gabi. Pero instead na paghinaan ng loob at matakot ay nagpatuloy lang ako sa paglalakad at buong tapang na hinarap ang makitid at madilim na daan. Papaliko na ako sa isang kanto nang sa hindi kalayuan ay may narinig akong sigaw.
"P*ta! May mga parak!!!" napatingin ako sa paligid at may nakita nga ako doon sa di kalayuan na mga kalalakihang nag-uunahan sa pagtakbo. Kung ipa-process pa ng braincells ko ay malamang! Maaabutan pa ako nito ng bukas bago ko maintindihan ang nangyayari kaya tumakbo narin ako. Kahit di naman ako kasali sa gulong ito? Buong lakas akong tumakbo sa direksiyon kung saan malapit na ang building ng condong tinitirahan ko. Bigla akong napahinto sa pagtakbo ng may nakita akong lalaking nakahilata sa damuhan. Duguan pa ito mga veve at may kutsilyong nakasaksak sa kaniyang tiyan. Gosh! Baka patay na ito! At ako pa ang mapagbintangang killer. Gaya ng sa KILLER BRIDE. Charot. Masyado atang ki-no-consume ng TV drama ang eggshell kong utak. Sa takot na baka masangkot pa ako sa krimen na naganap ay napailing-iling ako at unti-unting umatras. Dahan-dahan akong tumalikod at kakaripas na sana ng takbo nang mahawakan niya ang binti ko...... Waaaa heeeeelp meeeee... May ZOMBIEEEEEEE..... HUHUHUHU... Nanginginig yung katawan ko at kaagad kong naramdaman ang malamig na haplos ng hangin. Gosshh!
Unti-unti kong nilingon ang nakahawak sa binti ko. And it's Him!!! THE ZOMBIE APOCALYPSE, NA SI YZECE. THE BADBOY, YZECE DREI SANDOVAL. ANG KAISA-ISANG LALAKING MAY KAGAGAWAN NETONG MARKA AT MAGA SA MUKHA KO! Kaagad naman akong napangisi sa ilalim ng aking mask. Ang bilis naman kaagad ng karma. Mabuti nga sa kaniya! Psh!
"Give me your phone." cold niyang sabi habang umuubo ng dugo. Tinignan ko yung nakasaksak na kutsilyo sa kaniyang tagiliran, gosh sarap ibaon kaso bad yun!.. At teka nga, mukhang mangho-hold up pa yata ito ng cellphone. Anong akala ng isang 'to? After what he did to my face may lakas pa siya ng loob na na-hold-apin ako?? Inobserbahan ko muna ang buong katawan at ang kondisyon niya, mukhang mahina ngayon ang lolo niyo dahil sa saksak diyan sa kaniyang tiyan. Napangisi naman ako at lumakas ang loob ko para magtapang-tapangan ngayon. Aba, baka once in a life time opportunity ito na nasa upper-hand ako ngayon! Kaya lubos-lubusin ko na 'to, baka hindi na'to mauulit. Tumikhim ako at nagsalita ng buong tapang,
"Excuse me?? Bakit ko naman ibibigay sayo ang cp ko, huh?!! Baaakit???" nagtaas pa ako ng kilay sabay crossed arms.
"Because I told you to." Ma-autoridad niyang saad. Napairap lang ako sa hangin. Like who you po??? Porket inutos mo, you really think na susundin ko? hello? Baka wrong number ka! May kasalanan kapa saking heyep ka! Kaya pahihirapan kita ngayon, deserveee.
"Wala akong PAKI. KAHIT na ang nagsabi pa niyan ay ang presidente ng pilipinas! Kaya bitawan mo nga ako!" sabay sipa ko sa kaniyang kamay na nakahawak sa binti ko kaya nabitawan niya naman ito. Napaubo na naman siya ng dugo kaya napalunok ako ng laway. Baka nga mamamatay na'to dahil panay dura ito ng dugo. Nakonsensya naman ako kaagad pero hindi ko nalang yun pinansin. Kailangan kong iignore and konsensya ko gaya ng pag-ignore niya nong walang awa niya akong sinuntok at sa magandang mukha ko pa.
"Just give me your f*****g phone!" kahit na labis na siyang nanghihina ay hindi ko pa rin maipagkakailang nakakatakot pa rin siya. Sadyang malakas lang talaga ang loob ko ngayon dahil nanghihina siya, ni hindi nga siya makatayo eh. Tsk! Nag-arko naman ang kilay ko sa sinabi niya at tina-try kong intindihin ang gusto niyang gawin sa cp ko. After a few minutes of thinking ay may napasok nadin na idea sa utak ko kung bakit nga ba niya kelangan yung cp ko ngayon. Kaya kaagad ko siyang sinabihan nga,
"Ah! Gusto mong tumawag ng ambulansiya?? Sige, ako na ang tatawag for you." sabi ko at nag dial. Nang matapos kong masabihan ang ambulance ay napatingin ulit ako sa kaniya. Nakakaawa yung kalagayan niya kaso may kasalanan kasi siyang nagawa sakin kaya sorry nalang Yzece. Mukhang hindi mo talaga araw ngayon. Kung sana'y naging maayos yung takbo ng dare sakin ehh baka nadala na kita sa hospital kanina pa. But since I hold grudges, pasensyahan muna.
"There. It's done. Bye. See ya when I see ya." aalis na sana ako ng mahawakan na niya naman yung binti to at mas lalo niya lang itong hinigpitan. Araykopo. Ang shakeet. Nanghihina na nga yung katawan niya pero malakas parin yung pwersa niya.
"Just give it to me!" sabi niya ng nakalahad ang isang kamay. Napangisi naman ako, dahil may idea na pumasok sa utak ko. Napakunot noo naman ang nanghihinang Yzece sa lupa. Lagot ka sakin ngayon kasi araw ko 'to kaya magtiis ka diyan mag-isa mo!
"Ane ba kashe ang gushto mo???" kunware ay mangiyak-ngiyak kong sabi. "Itong katawan ko??" sabay yakap ko pa sa sarili. Lihim akong napangiti sa naging reaksiyon niya. Mukha siyang ewan don, pero pinagpatuloy ko lang yung drama-dramahan ko.
"Waaaa~ wag po, wag pooo.. Hu hu hu hu." Kunware ay nababaliw kong sabi sa kaniya para naman effective ar mas kapani-paniwala etong drama ko. Agad ako napaayos ng tayo at nagtaas ng kilay sabay sabi ng,, "sorry ah. It's off limits. BYE. Hoping not to see you again!" at inapakan ko nang kanan kong binti ang kamay niyang nakahawak sa kaliwa kong binti saka ako kumaripas ng takbo. Hindi ako nakonsensya. Tumawag na naman ako ng ambulansiya! Kaya kailangan kong i-disregard itong guilt ko sa, itatapon sa basurahan at kalimutan. Masyado naman siguro akong mabait kung tutulungan ko pa siya diba? Gayung ito nga ang dahilan ng pagkasira ng beauty'ng iniingatan at pinagmamalaki ko. Deserve ko ba ang masiraan ng mukha? Huh? I think not, pero yung badboy nayun? Deserve nong magdusa kaya let's just focus on ourself Liane okay? Kalimutan yung nangyari dahil hindi naman ikaw ang may gawa no'n atsaka isa pa, nagka ganon naman siya dahil sa kasamaan ng ugali niya. Baka may galit sa kaniya yung sumaksak sa kaniya kaya gano'n nalang ito kung basta-bastang saksakin na parang walang awa. He's a badboy Laine, okay? Don't be guilty. Gosh! Para na akong baliw dito na kinakausap ang sarili ko dahil nilalamon ako ng kunsensya ko. Pero teka, deserve niya nga kasi yun!
Well, let's just think it as my payback for punching my very very very beautiful and very very very very smooth face. Kaloka! Para na tuloy akong si Uggly duckling nito dahil tinatakpan ko na yung mukha ko. Kaya buti nga sa kaniya!!
Para na akong loka-loka habang tumatawang mag-isa. Kasi naman, kinakausap ko yung sarili ko dito sa utak kong 'to. Pero Gosh! That was so great!!! Hindi naman pala mashadong malupit si Tadhana ano? Wala pang ilang araw ay narating niya kaagad ang kaniyang karma sa buhay dahil sa ginawa niya sakin. Sabagay, hindi naman masama. Kasi afterall pinag-revenge naman ako ng wonderful tadhana. Ang sarap at ang gaan naman sa pakiramdam.
Nasuntok man kahapon. Nakabawi naman ngayon... Wahahahahaahaha...
"Takte talaga ang gagong yun! Kala niya maho-hold up niya ako ah! Hahahahaha!!!" ayan na nga, nabaliw na ako ng tuluyan dahil nagsasalita na nga akong mag-isa.
"And do you really think, that you can get away from me??" cold na sabi niya. Gosh! Paano niya ako nasundan?? Akala ko ba mamamatay na'to?? Nahihirapan siyang naglakad habang nakahawak sa kutsilyong nakabaon sa kaniyang tagiliran. Gosh! Nakakatakot naman ang lalaking ito. A walking zombieeee.... Somebody help me ahuhuhuhu...
Muntik na siyang matumba pero mabilis siyang nakaakbay sakin. Ehmeged. Nilalandee niye koooo.. Help mee.. A r****t zombieee...
"Just give me that f*****g phone of yours."
Nanginginig na ako sa takot kaya dahan-dahan kong ibinigay sa kaniya ang phone ko.
"Ang bagal. Ibibigay rin naman pala." paos niyang sabi. OMG. Ang hot niyang magtagalog... Nakaka hart². ??
Nag pindot siya ng numero at tinawagan ito. "Locate this f*****g phone and come here, ASAP." cold niyang sabi at inend call.
"Here's your cheap useless phone. Pinagdamot mo pa." sabay hagis nito sa gawi ko. Mabuti nalang at nasalo ko ito gamit ang kabila kong kamay. My gosh! Muntik nayun!
Naramdaman kong unti-unti siyang bumibigat kaya na out of balance na ako. Hindi ko keri ang timbang niya mga veve. Dahilan upang matumba kaming dalawa. Tumama yung ulo ko sa matigas niyang dibdib. Gosh! Mas lalong dumiin yung pagkakasaksak ng kutsilyo kaya siya napadaing sa sakit. Dahan-dahan niya naman itong binunot. OMG. Andito yata si Cardo mga veve. Dumiin na nga, binunot pa.
Natakot naman ako nang mas lalong dumami ang pag-agos ng dugo mula sa tagiliran niya. Umupo ako sa lupa. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa damit at sa mukha niya. Aha! I have an idea.
"Hubad." ma-autoridad kong saad. Napakunot noo naman siya.
"What the heck are you thinking??" May halong inis niyang sabi.
"Just Strip!!" muli kong saad pero tinaasan niya lang ako ng kilay.
"Kung ayaw mo, edi ako nalang!" sabi ko at dahan-dahan akong lumapit sa kaniya. Unti-unti naman siyang umaatras ngunit ng nahablot ko yung suot niyang polo shirt ay agad ko itong pinunit. Oh divah mga veveh, andito rin si Hulk. Wahahaha.
Matapos ko itong mapunit ay agad ko itong itinali sa sugat niya upang pigilan ang patuloy na pag-agos ng kaniyang dugo.
"Dooonee!!" Nakangiti kong sabi sabay tingin ko sa kaniya. Halos mabulunan ako ng makita ko siyang nakatitig sakin. Infairness ah, hindi nakakatakot ang titig niya ngayon... Parang bumait siya ng kunti??? Charot!
May biglang humintong sasakyan kaya naagaw nito ang aking atensyon. May bumabang gwapo. Sa aura niya ay ramdam ko ng cold sha. Mabilis niyang inalalayan si Yzece sabay sabi ng, "Bilisan mo ang paglalakad pre. Kanina pa ako natatae!"
Dahil do'n, humagalpak tuloy ako sa kakatawa. Grabe! That moment when you thought that he's cold, yet eeew NAKAKA-DERE.