Kabanata 15 Nang bumalik sa katinuan si Katleya ay agad niyang itinulak si Blue. Tumalikod siya at nagpakawala nang malalim na hininga. Nilapitan ito ni Blue at niyakap patalikod. "Bakit?" seryosong tanong nito. "Hindi masarap..." Ngumiti nang malapad si Katleya at nagpipigil sa kilig na nararamdaman. "Doon ka na sa mga anak mo." "Hindi masarap mo mukha mo! Halos mo na nga lunukin ang dila ko. Tss!" Hinigpitan niya ang pagyakap at ipinatong ang baba niya sa balikat ng babaeng mahal. "Ito iyong na miss ko, Pie. Iyong pagyakap mo nang ganito," ani Katleya. Hindi pa rin mawala ang ngiti sa labi ni Katleya. "Kanina ko pa gustong gawin ito, Kat. Salamat dahil hinayaan mo akong mayakap ka nang ganito ngayon." "Pinagbigyan lang kita..." Marahan niyang kinagat ang ibabang parte ng kanyang l

