Kabanata 28 "Handa ka na ba, Ate?" naiiyak na tanong ni Katleya. Nandito siya ngayon sa kuwarto ng Ate niya at may seryosong usapan sila. "Magiging Mrs. Gutierrez na ako bukas, sobrang lungkot ko." Nanlaki ang mga mata ni Katleya sa narinig. "B-bakit?" utal nitong tanong. "I hate cliche, right?" taas-kilay nitong sagot. Napabuntong hininga na lang si Katleya. "Akala kung ano na. Basta Ate, sobrang saya ko para sa inyo ni Green. Akalain mo, noon, halos magsuntukan na kayo, 'tapos ngayon? Bukas, maging asawa ka na niya." "Parang ikaw lang din, lumuluhod ka pa noon, nagmamakaawa, isang napakalaking tanga, at gutom na gutom na nanlilimos ng pagmamahal, pero ngayon? I mean sa susunod na taon, Mrs. ka na ng lalaking hinahabol mo." "Ate naman, e!" inis na sabi ni Katleya. Napailing na n

