Kabanata 29 "Go now in peace and live in love, sharing the most precious gifts you have—the gifts of your lives united. And may your days be long on this earth. I now pronounce you husband and wife. You may kiss the bride," anang pari. Matapos ang matamis na sumpaan sa harap ng altar, idineklara ng bagong mag-asawa sina Green at Purple. Napaluha namang nakatitig si Purple sa asawa niya habang hinihintay na dumapo sa kanya ang labi nito. Napapikit na siya nang unti-unting naramdaman ang mainit na hininga nito. Ngayon, lumapat na ang labi nito sa kanya at saksi ang mga mahal nila sa buhay sa paghahalikan nila na ang ibig sabihin, tapos na ang kasal at ganap na silang mag-asawa. Bumawag na sa paghalikan si Green. "I hate you, Ate." "Ew! I hate you too," umiiyak na sagot ni Purple. Nagpuna

