CHAPTER 1 (Prank Gone Wrong)
Lena's POV:
"Ano Lena? Tutunganga ka na lang dito? — Akala namin matapang ka?" bigkas ni Shane sa akin habang nakapamewang ang kanyang katawan ngayon.
"Ibang klase naman kasi ang trip niyong tatlo. Paano na lang kung may girlfriend ang tao? Gusto niyo pa talagang mag-away sila nang dahil sa akin?" pag-uusal ko.
"That's the point of the prank, Lena. Para may thrill. Kaya gawin mo na," pahayag ni Gail.
"Ayoko. Iba na lang na prank, please?" pakiusap ko rito.
"Pero sumang-ayon ka na sa deal na 'to before tayo nag-exam diba? And according to our score in exam, you got the lowest. Kaya wala kang kawala, Lena. Ikaw ang gagawa ng prank," pagpapaalala ni Hanna.
"Ang hirap naman kasi ng pinapagawa ninyo. Masyadong nakakatakot," pagtuturan ko naman.
"Ang KJ mo masyado, Lena ha? Isang beses lang naman. And after that, tapos na yung trip natin. As if naman magkikita pa kayo," pahayag ni Shane.
Itong tatlong kaibigan ko, malalakas talaga ang saltik sa utak. Kung ano ang usapan, gusto nilang gawin agad.
"Pero paano kung maghiwalay yung magkasintahan?" na-ooverthink na sambit ko.
"Prank lang naman ang gagawin mo. At tsaka, kung magbreak man sila, ibig sabihin no'n — wala silang tiwala sa isat-isa," nakangising ani ni Hanna.
"Hayyysss. Hindi ko talaga kaya," natatarantang wika ko sa kanila.
Pero hindi na ako nakapag-tanggi pa nang malakas nila akong itulak sa dalawang tao na tila'y magkasintahan nga.
"Oh come on. Kaya mo yan! Ikaw pa!" Iyan na lamang ang tanging narinig ko sa mga kupal kong kaibigan.
Bigla tuloy na kumabog nang malakas ang puso ko nang masilayan ko ang nanlilisik na tingin ng lalaki. Mukha siyang bad boy. May hati ang kanyang kilay at may hikaw pa siya sa kanyang tenga.
Nakaramdam tuloy ako ng takot dahil tila isa siyang Mafia sa postura niya.
Napalunok naman ako ng laway at hindi ko alam kung ano ang una kong gagawin. Pero dahil nandito na ako sa kanilang harapan, wala na akong choice kundi ang gawin na lamang ang prank.
Sinimulan ko na ang aking pag-iinarte sa pamamagitan nang pag-iyak ko nang malakas habang lumuluhod sa harapan ng binata.
"Honey please... Huwag mo naman gawin sa akin to. Huwag mo naman ako iwan. Hindi ko kaya na wala ka. Hindi ko kayang mabuhay na hindi kita kasama," humihikbing sambit ko sa lalaki.
Lalo namang sumingkit ang tingin nito na tila'y napalitan nang pagtataka ang kanyang mga titig.
"f**k! What are you talking about?" inis na bigkas nito na animo'y naguguluhan siya sa pinang-gagawa ko.
"Nakalimutan mo na agad ang relasyon natin, honey? After three years of our relationship, limot mo na agad ang pinagsamahan natin? — Bakit ha? Dahil nakuha mo na ang p********e ko?!" pagalit na wika ko para mag-mukhang totoo ang lahat.
"f*****g w***e! I don't know your name. So stop making a scene here!" madiin nitong wika na para bang handa na siyang manakal ng tao.
Sa kabila ng aking takot at pangamba, tinuloy ko pa rin ang prank na ito hanggang sa makaisip ako nang mas malalang sasabihin.
"B-buntis ako. At ikaw ang ama. Nagbunga yung ginawa nating dalawa, honey. Kaya nga hindi ko kayang iwan mo ako. Dahil hindi ko kayang buhayin ang anak nating dalawa. Ayokong lumaki siya na walang ama. So please, ayusin naman natin ang relasyon na 'to oh. — alang-ala sa magiging anak natin," usal ko muli habang pinupunasan ko ang aking luha.
"What?! Hey, hindi kita kilala Miss! Kung ano mang rugby o droga ang sininghot mo, itigil mo na 'yan. Huwag mo akong idamay sa trip mo dahil nakakabadtrip kang pakinggan," pantataboy nito sa akin.
"But I'm pregnant honey... Makakaya ba ng konsensya mong ipagtabuyan kami?"
"The hell I care! Hindi ko alam ang pinagsasabi mo?! Kaya huwag mo akong idamay sa katarantaduhan mo!" sigaw sa akin ng lalaki.
Kaso biglang tumigil ang mundo ko nang magsalita ang babaeng kasama niya.
"Tangina mo naman Drake! Ganyan ka ba makitungo sa babae! Matapos mo siyang buntisin, ipagtatabuyan mo na parang basura?! — Mga walang itlog lang ang gumagawa niyan!" mariing mura nito sa binata at binaling sa akin ang kanyang tingin.
"Miss, pasensya na sa kapatid ko ha? — Asal hayop talaga 'yan minsan. Pero kahit papaano ay may puso 'yan. But don't worry, I'm here for you. Handa kitang ipagtanggol sa kanya. At handa ko rin na pilitin siyang panagutan ka," malambing na pahayag niya.
"Ate! I don't know her!" protesta ng binata.
"Shut your f*****g mouth, Drake! Binuntis mo siya, kaya dapat lang na panagutan mo! — Or else, ako ang makakalaban mo," bulyaw niya sa kanyang kapatid na may kasamang pagbabanta.
Oh my gulay! Parang gusto kong magpalamon ngayon sa lupa dahil sa mga nalaman ko. Akala ko pa naman mag-jowa silang dalawa. Pero nagkamali ako.
"Just don't mind him, Miss... Ang mabuti pa, sumama ka sa amin para makilala ka ng pamilya namin. I'm sure, mom will be happy to meet you — lalo na't magkakaapo na siya," patuloy na wika nito.
Pakiramdam ko ay nabuhusan ako nang malamig na tubig dahil sa sinabi ng babae.
"P-po? Isasama niyo ako? — Naku, huwag na ho. Hindi na ho kailangan," nanginginig ang aking boses ngayon habang binibigkas ang mga katagang ito.
"Don't be scared Miss. Hindi mo kailangang matakot sa kumag kong kapatid, as long as I'm here," she said again.
Gustuhin ko mang tumanggi na huwag sumama sa kanila — pero tila na-trap na yata ako nang bigla niya akong hawakan sa kamay at iginaya patungo sa kanilang sasakyan.
Hihingi sana ako ng saklolo sa mga kaibigan ko, kaso hindi ko na mahagilap ang mga anino nila.
Kasalanan talaga nila ito. Kung hindi sana nila ako tinulak ay hindi ko gagawin ang prank na 'yon.
Ang bilis tuloy ng karma ko.
At ngayon, halos hindi ako mapakali habang nasa loob ng kotse ng mga taong hindi ko naman talaga kilala.
"So what's your name, Miss? You look pretty ha? Infairness dito kay brother, magaling pumili ng babae," pag-uumpisang wika ng ate nitong kupal na lalaki.
"Ayan? Maganda na sa'yo? — Nabulag na yata nang tuluyan ang mata mo, ate. Hindi ka na marunong kumilatis nang maigi sa totoong maganda... Sa tingin mo ba ay papatulan ko ang katulad niya? Daig niya pa ang matandang walang ligo ng apat na buwan," turan ni Drake na halos ay panlalait ang lumabas sa bunganga nito.
"Wow ha? Sa'yo pa talaga nanggaling ang salitang 'yan? — Bubuntisin mo ba ako, kung hindi ako maganda?" rebat na turan ko sa kanya — kahit na walang katotohanan ang pinagsasabi ko.
"Wala akong maalala na may tinikman akong babae na katulad mo," pagtutugon nito.
Pero malakas na kurot sa tenga ang natanggap ni Drake sa kanyang kapatid dahilan para mapahiyaw ito sa sakit.
"I told you brother. Ako ang makakalaban mo. So better shut your mouth or else — I will kick your eggs," giit naman ng babae kaya't natahimik si Drake.
Sus... Tumitiklop pala siya sa kanyang ate.
"Anyway, don't mind this jerk beside me... — So what's your name again?" pagtatanong niya.
"L-Lena po Ma'am. Lena Sanchez," mahinang sagot ko.
"You're so nice. But you don't need to call me Ma'am. Ate Bea na lang... By the way, paano kayo nagkakilala ng brother ko? Isa ka rin ba sa mga babae niya?" pagtatanong na nito na tila'y nagsisimula na siyang interviewhin ako.
Sa unang tanong niya pa lang, hindi ko na kaagad alam kung anong sasagutin ko.
Halos maubos tuloy ang aking laway habang iniisip nang maigi kung paano ako makakalusot sa ganitong katanungan.
"Ang totoo po n'yan, ahm— kasi—" kinakabahang sambit ko habang nag-iisip ng kwentong kapani-paniwala.
"See? Hindi nya alam ang sasabihin niya, ate? I told you, hindi ko sya kilala at hindi niya rin ako kilala... Isa lang ang sigurado ako, malakas ang tama ng babaeng 'yan. Baka nga baliw 'yan. Tsk." inis na sambit ni Drake nang sumingit ito sa aming usapan.
"Hindi ako baliw," pagdedepensa ko naman.
"Kung nabaliw man ako, 'yun ay nung iniwan mo ako matapos mong pagsawaan ang katawan ko... Nakakabaliw kaya ang gano'n, lalo na kapag minahal mo nang husto ang isang tao," patuloy kong sabi.
Like eww, gusto kong masuka sa mga binibigkas ng dila ko ngayong araw.
"Hays ang bobo mo talaga Lena! Umamin ka na lang kaya para matapos na itong problema mo," pagkakausap ko naman sa aking isipan.
"I feel you, Lena. Lahat naman talaga ng tao, nababaliw sa pag-ibig. And I'm sure, mahal na mahal mo talaga ang brother ko. Kaya nararapat lang na magkatuluyan kayo," sambit naman nito.
"Sana hindi mo siya saktan kahit na ganyan ang ugali niya ha? Na-eexcite na tuloy ako na magkaroon ng cute na pamangkin", muling pahabol ni Ate Bea.
Dahil sa sinabi niya ay malakas namang napamura si Drake.
"s**t ate! Huwag ka ngang maniwala sa babaeng 'yan! Walang nangyari sa amin! Hindi ako ang ama ng batang dinadala niya! — Baka sa ibang lalaki 'yan nagpagalaw at gusto niyang ako yung umako!" galit na sigaw nito hudyat upang kabahan ako.
"Ano ba Drake! Tumigil ka nga sa kakasigaw mo! Nagdedeny ka pa! Isa kang kahihiyan sa pamilya natin kapag hindi mo siya panagutan!" pangungurot muli ng dalaga sa binata.
"O-okay lang po ate kahit hindi nya ako panagutan.. Kaya ko naman pong buhayin ang bata... Mas mabuting bumaba na lang po ako," saad ko para makatakas na ako sa kamay ng babae. Kaso mahigpit akong hinawakan nito para pigilan.
"No Lena. Hindi ka aalis... Because starting today, you'll be living in our house... Ako na rin ang bahala na i-set up ang kasal niyo. Sasabihin ko kay mom, na ikaw at ang kapatid ko ay magpapakasal as soon as possible. Para kahit papaano hindi masira ang image namin, lalo na't Drake will be a CEO in our company," seryosong wika niya sa akin.
Sa mga nalaman ko, halos takot ang bumalot sa puso ko. I don't know how to escape in this bad situation.
Kaya nanatili na lamang akong tahimik sa loob ng kotse habang iniisip kung paano ako makakawala sa babaeng katabi ko.
Sa palagay ko, seryoso siya sa kanyang mga sinabi — lalo na tungkol sa kasal.
Nang tumigil ang sinasakyan namin, halos pagdadasal ang pumapasok sa utak ko. Nagdadasal ako nang taimtim at humihingi nang kapatawaran dahil sa mga nagawa ko.
Siguro nga't deserve ko ito dahil pumayag ako sa prank ng mga kaibigan ko. Pero Lord, I don't want to stay here. Para akong papatayin ni Drake eh.
"Bumaba ka na d'yan, Lena. Huwag kang mahihiya ha? You are now part of our family kaya feel at home ka lang," ngiting sabi ni ate Bea sa akin.
Pilit naman akong ngumiti kahit ang totoo, kinakabahan ako sa mga susunod na mangyayari.
Nang makababa na ako sa kotse, may lumapit namang katulong kay ate Bea.
"Ma'am, may naghihintay po sa inyo sa loob. Isang kliyente niyo raw po," magalang na sambit niya.
"Okay. Thank you. Susunod ako," tugon naman nito sabay baling ng kanyang tingin kay Drake.
"Ikaw na ang bahala kay Lena, brother. Make sure na hindi yan umalis. At siguraduhin mong wala kang gagawin na masama sa kanya," pagbilin niya rito habang nakataas ang kilay.
Tumalikod na ito sa amin at tuluyan na ngang pumasok sa loob.
Ngayon, ako at si Drake na lamang ang magkasama. Hindi ko tuloy maigalaw ang katawan ko.
Pakiramdam ko ay dumikit sa sahig ang aking paa.
Hindi ko kayang tingnan ang lalaki ngayon dahil sa kahihiyan na ginawa ko.
Kung tutuusin, nadamay lang siya sa gulong pinasok ko. Kaya naiintindihan ko ang dahilan ng kanyang galit.
"Now tell me, ano ba talaga ang pakay mo sa akin, Miss? — Kailangan mo ba ng pera?" tanong nito na may kalmadong boses.
Hindi ako makasagot sa tanong niya sapagkat hindi ko naman talaga alam ang isasagot ko.
"Alam mo ba nang dahil sa ginawa mo, sinira mo ang buhay ko? — Makakasal ako nang wala sa oras sa'yo," muling wika ng binata.
"S-sorry." Iyan na lamang ang kusang lumabas sa bibig ko.
"f**k that sorry! — Sa tingin mo ba may magagawa pa 'yang sorry mo?! — Hindi ka ba nag-iisip ha?! Nilagay mo ako sa sitwasyon kung saan kontrolado ako ng pamilya ko! — Alam nating dalawa na hindi natin kilala ang isa't isa kaya ano bang pumasok sa kokote at ginawa mo 'yan ha?!" galit nitong sambit na animo'y sasabog na ang kanyang mukha. Sobrang pula na ang magkabila nitong pisngi.
Sa puntong ito, tumingin na ako sa mata ni Drake. At dito nagtama ang paningin naming dalawa.
"H-hindi ko naman sinasadya na umabot tayo sa ganito. Ano kasi 'yon eh. Ahm ano yung ahm—" hindi ko naitutuloy ang aking sasabihin dala ng takot sa aking puso.
"What?! Tell me!" malakas na bulilas niya sa akin kaya awtomatikong napaatras ako nang konti sa binata.
"Huwag mo nga ako sinisigawan! Baka nakakalimutan mo, kakampi ko ang ate mo! Gusto mo isumbong kita sa kanya?!!" pananakot ko naman at saka ito natahimik.
Bwisit siya! Yung ate niya lang pala ang katapat niya.
"Sumunod ka na lang sa akin." Ang tanging narinig ko sa lalaki bago siya lumakad papasok sa kanilang mansion.
Wala na nga akong sinabi pa kundi ang sundin si Drake.
Kahit papaano ay meron na akong alas laban sa kanya kung sakaling takutin o saktan niya ako. Takot siya kay ate Bea. Ramdam at halata ko ito sa mga kilos niya.
Kung sabagay, nakakatakot nga naman si ate Bea. Kung mala-Mafia ang dating niya. Ang ate naman niya ay mala-Mafia Queen ang galawan. Mabilis ang kamay nito at walang alinlangan nitong sinasaktan si Drake.
Sa pagpasok namin sa mansion, nasilayan ko naman si ate Bea na may kausap ngang tao. I think that's her client.
"Bukod sa magaling kang gumawa ng kwento, ang hilig mo pang makinig sa usapan nang may usapan. Tsismosa," wika nito sa akin sabay hila nang mariin sa braso ko.
"A-aray! Ano ba?! Ansaket ha?!" singhal ko rito.
Kinalap ko naman ang aking paningin. Nang marealized kong nasa kwarto ako, bigla naman akong nag-panic.
"T-teka, anong gagawin natin dito?", kinakabahang tanong ko. Mabilis niya ring nilock ang pinto kaya wala na akong kawala kay Drake.
Nag-unahan tuloy ang kalabog sa dibdib ko lalo na nung umiba ang awra ng binata na animo'y naging manyakis na siyang tao.
"Since you're pregnant, naisip kong wala namang mali kung mag-s*x tayo ngayon," walang alinlangan na saad nito habang inaalis ang kanyang polo.
Teka? Ano raw? Tama ba yung naririnig ko? Gusto niyang mag-s*x kami?
But I'm still a virgin!
Shuta naman!
"A-ano bang trip mo?! Umayos ka nga dyan Drake! Hindi nakakatawa 'yang sinasabi mo!"
sambit ko naman habang dinuduro ko siya ng aking hintuturo. Kaso hindi man lang siya natinag at lalong lumawak ang ngiti ng lalaki.
"Bakit parang natatakot ka yata? Akala ko ba buntis ka? Hindi ba dapat sanay ka na sa mga ganito. — Don't worry, kapag may nangyari sa atin ngayon, tatanggapin ko ang batang dinadala mo kahit na hindi 'yan akin," wika ng binata at akmang tatanggalin na rin ang belt sa kanyang pantalon.
"NO! AYOKO!" sigaw ko rito at pinigilan ko ang kanyang kamay na huwag ituloy ang pagtanggal ng belt niya. Kaso sa hilip na belt ang mahawakan ko, nagkamali ang kamay ko sa paghawak. Bagkus, isang matigas na ibon ang siyang nadakma ng palad ko.
Awtomatikong inalis ko kaagad ang aking kamay mula sa kanyang pagkakahawak.
"Ngayon ay nag-iinarte ka. — Baka nga ilang lalaki na ang gumalaw sa'yo kaya hindi mo na matukoy kung sino ang ama ng batang dinadala mo," pagsasambit ni Drake na halos husgahan na nito ang p********e ko.
Akala talaga nito ay buntis ako.
Nakaramdam tuloy ng kirot ang puso ko dahil sa mga salitang ipinamukha nito sa akin.
Kasalanan ko naman ito kaya dapat lang na tanggapin ko ang masasakit na salitang naririnig ko mula sa kanya.
Kumabog nang husto ang dibdib ko nang makita ko ang pagbukas niya ng zipper.
Seryoso talaga ang gagong ito na ituloy ang binabalak niyang mag-s*x kami?
"Tigil-tigilan mo nga ako Drake. Hindi kita papatulan at lalong hindi ako magpapasakop sa'yo! — Ang yabang mo na yayain ako, samantalang ang liit naman ng t**i mo!" pasigaw na turan ko sa binata upang hindi matuloy ang kamanyakan niya.