CHAPTER 2 (Meeting His Mom)
SEDUCING MY BOSS
LENA's POV:
"WHAT DID YOU SAY?!" madiin na singhal nito sa akin.
Napalayo siya nang konti sa pwesto ko dahil sa sinabi ko. Hindi niya talaga matanggap yung salitang binitawan ko.
"Bingi ka ba? O sadyang nagbibingi-bingihan? — Ang sabi ko, maliit ang t**i mo!" bulyaw ko muli.
"Hindi maliit ang dinadala ko! — Bakit hindi mo hawakan para masukat mo," bigkas niya naman habang nagsasalubong ang makakapal nitong kilay.
"Hindi ko na kailangan na hawakan 'yan. Marunong ako mag-estimate base sa nakikita ko sa labas. Look at yourself, ni wala akong makitang bukol sa gitnang parte ng katawan mo. Siguro pati 'yang itlog mo, parang itlog ng butiki kaya masyadong maliit," pamimikon ko muli kay Drake.
And then, boom! Because of my words, kitang-kita ko sa mukha nito ang galit na parang bulkan na sasabog.
"Hindi nga ito maliit, Lena... Kung gusto, maghuhubad ako sa harapan mo para makita mo kung gaano kahaba ang kargado ko," wika ng binata.
"Huwag mo na ngang aksyahin ang oras ko, Drake. Nagsasayang ka lang ng laway... Ang lakas nang loob mong manyakin ako, hinliliit ko lang pala 'yang t**i mo," ani ko sa kanya.
"f**k you Lena! Asarin mo pa ako at hahalikan talaga kita dyan!" pananakot nito.
Pero hindi ako natinag dahil alam kong hanggang salita lang siya. As if naman halikan niya ako diba? Halos isumpa niya nga ako dahil sa ginawa ko.
"Hindi ako bata para matakot sa isang tulad mo na maliit ang ibon. Dinaig ka pa ng mga aso, mas malaki yung dinadala nila kaysa sa bayag mo. Bwahahaha," natatawang turan ko sa kanya.
Kaso agad akong natahimik nang hilahin ako nito at bigla akong pinahiga sa kama. Walang alinlangan niya rin na sinakop ang labi ko.
Yes, he seriously did it. He kissed me.
Sa sobrang bigla ko, hindi agad ako nakapagreact.
Tumigil naman ang mundo ko nang bumukas bigla ang pinto ng kwarto.
"What the hell! — Ano bang kalokohan 'to brother ha?! Binuntis mo na nga si Lena, balak mo pa yatang galawin pa siya!" sigaw ni ate Bea sa amin.
Agad ko namang tinulak ang lalaki sa pagkakapatong sa akin.
Nakakahiyang naabutan niya kami nang ganito.
Talagang iisipin nga nito na may nangyari nga sa amin ni Drake.
"Anyway, lumabas na kayong dalawa dahil mamaya darating na si Mom... So brother, alam mo na ang gagawin mo. You better be a good son," muling wika ng babae kasabay nang pagsara niya ulit ng pinto.
Kaagad naman akong tumayo sa pagkakahiga at tiningnan ko nang masama ang lalaking kasama ko ngayon.
How dare him! He stole my first kiss!
Akala ko pa naman ay nilock niya ang pinto.
"Oh? Ba't ganyan ka makatingin sa akin? — Don't tell me, nabitin ka sa halik ko?" nakangising bigkas niya.
"Napaka-manyak mong hinayupak ka! Gago!" malutong na sigaw ko rito na may kasamang pagtataray.
Tsssk! Nakakainis talaga!
Kailangan ko nang makaalis sa mansion na ito dahil baka mabuntis nga ako nang tuluyan dito.
Kaya dahan-dahan akong humakbang palabas ng kwarto at nagbabalak na sanang tumakas. Pero bigla naman akong sinita ni Drake.
"Kung binabalak mong tumakas, huwag mo nang subukan. Hindi ka rin naman makakaalis dito sa mansion... — Kung hindi mo pa alam, meron kaming 51 guards dito. Kaya bawat sulok, may nakatayong lalaki," walang emosyo na wika niya.
What?! — 51 bodyguards?
Awtomatikong napatigil naman ako at napabuntong-hininga nang malalim.
Bukod sa manyak siya ang kasama ko,magaling din pala siya magbasa ng binabalak ko.
Wala tuloy akong nagawa kundi ang umupo na lamang sa sahig.
"Ginusto mo 'to diba? Kaya panindigan mo. — Ikaw ang pumasok sa buhay ko. Ginulo mo ang mga plano ko. Kaya huwag kang umakto na parang ikaw ang kawawa... Dahil sa ating dalawa, ako itong nilagay mo sa alanganin. — Para sabihin ka sayo Lena, may babae akong hinihintay na dumating. She's my first love. The woman that I want to marry. Pero paano ko magagawang lapitan siya kung kasal na tayong dalawa?" mahabang litanya nito.
Napatingin naman ako nang wala sa oras sa kanya. Ramdam ko ang bawat salitang sinasambit ng dila ni Drake. Puno nang lungkot dahil sa ginawa ko.
"A-anong ibig mong sabihin?" nauutal kong tanong na tila naging interesado akong malaman ang tungkol sa buhay pag-ibig niya.
"Ilang araw na lang at babalik na 'yong babaeng mahal ko. Yung babaeng pinangakuan ko na pakasalan. Pero dahil sa trip mong hindi ko alam, mukhang malabo na yatang magkatuluyan kami... Now tell me, sino sa atin ang kawawa? Hindi ba't ako?" saad niyang muli.
Nakonsensya tuloy ako.
"P-pasensya na. H-hayaan mo. Sasabihin ko sa ate mo ang totoo — na wala sa ating nangyari... Aayusin ko ang gusot na ginawa ko," aniya ko rito sa mahinahon na boses.
Bago pa man siya makapagsalita, bigla namang kumatok ang maid at pumasok sa kwarto kung nasaan kami.
"Sir, andyan na ho ang mom niyo. Pinapatawag na kayo," singit na sambit nito.
Sinenyasan niya naman ang maid kaya umalis agad ito. Kasabay no'n ay napatayo na rin si Drake.
"Nandito na tayo sa sitwasyong ito, Lena. Kaya malabo 'yang sinasabi mo. Pipilitin ni Mom na ikasal tayong dalawa," turan ng binata.
"Pero—", magsasabi pa sana ako kaso bigla ulit siyang nagsalita.
"Hindi mo kilala ang magulang ko. Kung ano ang desisyon nila, 'yon mismo ang nasusunod..."
After he said those words, naiwan naman akong nakanganga.
Wala tuloy akong gana na lumabas sa kwarto at sumunod na lamang kay Drake.
Pinag-iisipan ko ngayon kung itutuloy ko pa ba ang kasinungaling ito? O sabihin na lamang sa harap ng kanyang pamilya na prank lamang ang ginawa ko.
Kaso paano ko naman masasabi ito? Sa mukha pa lang ni ate Bea, natatakot na ako.
Isama mo pa na medyo mataray yata ang ina ni Drake dahil kitang-kita ko mismo sa awra nito ang pagiging kontrabida na parang nasa pelikula ang datingnan niya.
"So, she's the woman that you're talking about, Bea?" pagtatanong nito sa anak niyang babae.
"Yes mom. Siya nga.. Her name is Lena. Napakaganda diba? Simple yet attractive," ngiting sagot nito.
Sinenyasan naman ako ni ate Bea na maupo na sa tabi ng kapatid niya kaya agad ko naman 'yon na sinunod.
"And what's the good news that you want to tell?" she asked again.
"Yung tungkol dyan mom, I guess, si Drake na lang ang tanungin mo... Siya yung dapat na magsabi no'n sa'yo dahil ayokong pangunahan ang magandang balita na 'yon," pahayag ni ate Bea. "So, brother, it's your turn now. Mom is waiting," patuloy ng dalaga.
"Bakit ako ate? — Wala akong dapat na sabihin dahil hindi ko naman kagustuhan ito," inis na bigkas ng lalaki dahilan para sipain ni ate ang binti ng binata.
"Naguguluhan ako sa inyo. Para na naman kayong aso't pusa. Ano ba kasi ang gusto niyong iparating? Diretsuhin niyo na ako dahil ayokong inaaksaya ang oras ko. I have a meeting to attend. So make sure na goodnews ang sasabihin niyo," seryosong saad ng ina at bumaling ang tingin sa akin.
Unti-unti namang kumalabog ang dibdib ko at napalunok nang laway.
"Ahm— a-ano po kasi pasensya na ho talaga pero ang totoo po kasi ay —" hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko dahil biglang sumingit si Drake.
"She's pregnant mom. At ako ang ama ng dinadala niya," walang ekspresyon na saad nito upang ituloy ang mga salita ko.
Parang nanigas ako sa aking kinauupuan nang marinig ko ang sinabi ng binata.
Ano ba 'yan! Balak ko na sanang aminin ang totoo pero sumingit pa itong si Drake.
Laking gulat ko naman nang makita ko ang ekspresyon ng mukha ng kanilang ina na animo'y tuwang-tuwa siya sa kanyang narinig.
"Really? That's really a good news! — Sa wakas, may nagawa ka rin na tama Drake... Magkakaapo na ako. Thanks God! And thanks son, dahil pinagbigyan mo ang kahilingan ko na magkaroon ng apo," wika niya habang nakangiti sa amin.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Yung inaakala kong mataray, may kabaitan palang taglay.
"So hija, what's your name again? And what's your plan?" tanong nito sa akin habang hinahawakan ang aking kamay.
"L-Lena po. Lena Sanchez," kinakabahang sagot ko.
"Mom, tinatanong pa ba 'yan? — Of course we need to accept Lena legally. Kaya yung planong naisip ko, ay ang ikasal silang dalawa — as soon as possible mom," si Ate Bea na siya nang sumagot sa pangalawang tanong ng kanyang ina sa akin.
"Darating din tayo dyan, Bea. For now, I'm just making sure that Lena is telling the truth.. Alam mo naman, ayoko sa lahat yung sinungaling," saad niya muli habang nakatingin sa tiyan ko ang kanyang mata na tila ay meron siyang pagdududa sa akin.
"Mom, I'm sure naman na mabait na tao si Lena. Kaya alam kong nagsasabi ng totoo si Lena. Right, Lena?" baling na tanong sa akin ni Ate Bea.
"O-oopo."
"Then great! — At least, nagkakalinawan tayong dalawa, Lena. Mahirap pa naman akong magalit. Alam mo na, galit ako sa mga taong sinungaling. Dahil ang taong sinungaling, NILILIGPIT KO." mariing sambit nito sa pinakahuling salita.
Halos malunok ko na pati ang aking dila dahil sa aking narinig.
Jusmiyo!
Ano ba itong pinasok ko?!