Three years later... Kaparehas kahapon ay nakatayo na naman ang dalaga sa matirik na bundok habang hawak ang bulaklak. Sa suot niyang itim na damit ay bakas din ang maitim na mga mata na bunga ng malagim na pangyayari. Hi, baby! Kumusta ka na diyan? Masaya ka ba diyan? Tatlong taon na pala ang nakalipas.. Ngunit, narito pa rin ang sakit sa aking dibdib. Hindi ako makaahon Razel, nanatili akong nakalunod sa masakit na ala-ala ng ating kahapon. Sa bawat pagpikit ng aking mata ikaw ang aking nakikita, bumabalik at bumabalik sa akin ang lahat nang nangyari. Kahit saan ako magpunta dala-dala ko sa isip ko na sana naging mas matapang pa ako, para sa paraan na iyon ay nailigtas kita. Tulungan mo ako baby, tulungan mo akong mapatawad ang aking sarili... "Alyana... Halika ka na, uma-ambon na."

