Madaling araw nang nagising si Alyana. Bumangon siya at hinanap ang switch ng ilaw pero hindi niya ito makita. Kinapkap niya ang wall hanggang sa nahawakan niya ang door knob at binuksan niya iyon. Kaagad siyang napasinghap sa malamig na hangin na sumalubong sa mukha niya. "How are you, feeling?" Malamig na tinig ng lalaking nakaitim na jacket at naka-sumbrero din na itim. "Sino ka? Ikaw ba ang kumidnap sa akin? Ano'ng atraso ko sa'yu?" Sunod-sunod niyang tanong pero hindi sumagot ang lalaki at bumuga lang ito ng usok ng sigarilyo. Lumapit dito si Alyana at tinanggal ang suot nitong sumbrero. "Ikaw?" Namilog ang kanyang mga mata at lumakas ang t***k ng kanyang puso. "Kumusta ka na? Pinahirapan ka ba niya?" Tanong nito pabalik na hindi manlang pinansin ang kanyang sinabi. "Bakit?" Mang

