Unang Kabanata
Alasdose ng umaga, matay hindi mapakali.
Liwang ng Poste, sa mga Mata'y dumadampi
Haring Araw na naidlip ngayo'y ay lumalapit.
Ano na Leonard kailan ka pipikit? yan ang bumabatid sa utak na hindi mapakali.
kaya minabuti kong kumalikot sa makabagong makinarya hinanap ang internet at sumiyasat ng mababasa.
Bumulaga sa akin ang isang libro na tila hinuna sa makalimang panahon.
Oh Lourdes kung ako nooy namumuhay. Siguro hanggang ngayon, magkasama tayo pagtanda.
Dalisay na pagmamahal, patuloy na ipararanas.Bumalik man tayo sa luma or makapanibagong panahon.
Medyo magulo ito, sa isip isip ko.
Totoo kaya na ang pagmamahal ay maaring madala hanggang sa panibagong taon?
ako nga na binata hirap ligawan ang isa sa mga gusto ko, paano pa kaya? kung itoy galing pa sa lumang panahon?
"Hanep ka Leonard", sa isip isip ko ang wierd ng imahinasyon ko.
Bukas kita babasahin isave muna kita. dahil akoy nahihiwagaan sa kwento mo.
6hrs Later.
Kringggggggggg! Kringggggggggg!
Anaaaaaaak! papasok ka pa ba? unang klase mo ngayon. Baka sakaliy gusto mo magpabida sa iskwelahan" Sigaw ni Inay" sa baba ng aming Silid.
Teka lang Inay babangon na Ho. ako nga pala si Leonard Ignacio. Malabo ang Mata, laging nakasalamin (Weird daw) kung tawagin. pero gwapings parin. hahahahahah.
totoo yun mga tsong.babad sa kawirdohan hindi maarok kung saan at ano ang patutunguhan. Pero wais din ako, hindi nangungulelat sa bilang.
Bumangon at kumain, nagsipilyo at syempre naligo! Kayo ba mga tsong ano ang unang ginagawa niyo? magsipiliyo bago maligo or maligo muna bago magsipilyo? Napawierd ko talaga! hahahaha.
Teka mag suot muna ako ng yuniporme,tingin sa salamin kindat at gwapo pose. hehehe maganda ang araw ko ngayon mga tsong.
Sabi kasi ni Father nung nagmimisa kahapon ( Lingo) Everyday is a blessing.
kaya masaya ako at humihinga pa, kayo mga brad alam ko pasukan niyo na rin ng lunes? face to face pa. sakit no?
hindi na tayo mag
"MA'AM RINIG PO"
"MA'AM EXCUSE PO MAHINA ANG NET NAMIN"
"MA'AM LAG PO KAYO"
at ang hili pakshet mga tsong "BAWAL NA ANG OFF CAM,MUTE DIN ANG MIC"
Dito na nga pala ako sa school tsong. At oo nga pala since First year college ako nahirapan din ako mag hanap kung saan akong room. Maiba tayo, ito ay pamantasan ni Jose Rizal. kung alam niyo yon,tama kayo ng iniisip. Akoy taga laguna hehehe.
Nag simula nang mapuno ang silid, palinga linga ako kung may kaklase ako ng highschool dito. Pero wala,napakamalas ako lang ang naglakas loob kumuha ng pang edukasyon.
Oo tama kayo, edukasyon ang kinukuha ko na noo'y pangarap ng aking Ina. Upang maibsan ang kalungkutan at mapalitan ng saya sila Inay.Ito ako ngayon sinusubok ang tadhana na dapat ay isakatutuparan ng akin Ina.
"Mr at the back mind if you can join us?"
tila lumilipad ang isipan mo, tila nasa online pa. naglaLAG yarn? biro ng aking guro.
at nagtawanan ang aking mga kaklase.
Tumayo ako at kamot ulo'y binigkas " Pasensya na po Ma'am naoverwhelmed lang po ako sa mga kaklase ko. magagaling at tila talented.
Magpapakilala narin po ako. Ako si...... o kilala niyo na naman ako readers, hindi ko na pauulit-ulitin pa ito.
tinatamad ako mag sulat e. hahaha Hindi,biro lang kasi alam ko pare parehas lang ng introductory pag ganitong libro, dahil matalino nga si Author. babaliin natin. hehehe
Ito na din first subject Filipino.
Nagpakilala si Ginang Marife na amin professor sa filipino.
"Bilang panimula at bago kayong lahat sa paraalang ito" Nais ko sanang mag-tanong. Bilang Filipino nais niyo bang bumalik sa panahong buhay pa ang ating mga Bayani"
"Sagot at bakit? kindly raise your hand if may idea. any volunteer? tugon ng Ginang.
walang sumubok at nagtaas ng kamay
pero napaisip ako doon mga tsong, sakto yung pag bukas ko ng internet kahapon. kainte-interesado.
"no hand? okay let me Pick 1 index Card"
paktay ayan na nga ang sinasabi ko.
Mr. Leonard Ignacio!
"Naks" ang ganda ng first day ko ako agad ang napili, sa isip-isip ko.
tumayo ako at sumagot: Ginang kung akoy bibigyan ng oportunidad na mamuhay noon panahon ng bayani siguro tatangapin ko po, dahil may pagkakataon tayo na malaman at masiwasat ang tunay na kahalagahan ng ating Historya, Hindi ito tsismis na kung saan galing sa Haka-haka. ito ay natuligsa,sinupil ng mga eksperto base sa tunay na nangyare noon panahon ng ating bayani. kaya kung mararapat ay nais kong mahusgahan lahat ng pangyayari na meron sa nababasa natin ngayon. ang tugon ko.
mahusay ang iyong tugon. Dahil diyan ikaw ay may .. hindi sinabi ni ginang ang score ko ngunit nababatid ko na itoy mataas at maganda ang grado.
any ide........tok tok tok tok!
kalampag na mahina na narinig namin sa pintuan.
sabay bukas at iniluwa ang babae.
nagbulungan ang mga kaklase ko.
"Ang ganda niya"
"Why so ancient naman ng clothes niya"
"Ang Linis niya tignan"
at marami pang iba.
"And you're? " tanong ni ginang.
pasensya na po ito po ba ang silid para sa propesyon pang edukasyon?
ano ba yan! grabe ang lalim ng mga wordings niya.Tila galing sa ibang panahon. sa isip isip ko
Dumeretso ang babae sa harapan ng silid.Hindi ko alam kung labis ba itong kinakabahan ngunit tila malakas ang presensya nato sa amin.
"Magandang Umaga po! Ako po si Lourdes Fernando, Bente-uno Anyos tubong laguna....
Marami pa siyang sinasalita ngunit tila parang lutang ang isip ko sa pigurang nakaharap sa amin.Halos natameme ako noong mga araw na yon.
"Pwede ba akong makiupo sa tabi ng iyong salungki"
"Ginoo, naririnig mo ba ang aking salita?"
sinimulan kong tignan ang babaeng nakaharang sa harapan ko.
"Ginoo, naririnig mo ba ang aking salita?"
"Ah hehe oo naman, pwedeng pwede" Tugon ko.
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko pero napa OO na lang ako.
Iba yung upo niya na tila isang babae na halos sa lumang panahon ang kilos, parang nasa tabi ko si Maria Clara na sa panahong ito ngayon ay nabubuhay.Iba ang postura, medyo bago ngunit hindi nakikipagsabayan ang pananamit sa iba. basta hindi ko alam pero ibang iba siya sa mga babaeng naririto.
"Hello, ako si Leonard (Leo) for short. taga saan ka? mahinang tugon ko dito.
"Ginoo akoy dito din namuhay sa ating nayon.ikinagagalak ko na makilala kita"
Gusto ko sanang sabihin kung saan lupalop ng daigdig ito nanggaling. Bakit ka nandito? anong gusto mong malaman, Hahahaha
napaka wierd ko talaga, iba na yung pag iisip ko. Baka puyat lang ito or baka nagugutom ka lang tsong. hahahaha.
[Lunch Time]
"Hello tol sama ka ssa amin, ako nga pala si Tommy at ito naman si Kenneth" tugon ng kumuhit sa akin.
Sige tol....banggit ko.
habang patuloy kaming nag uusap ng bago kong tropa.Ito ako ngayon pinakikiramdaman ang babaeng nasa tabi ko.
"Hi Lods!may kaibigan kana ba? wanna join with us"
Feeling ko masyado tong mabunganga hahaha, sa salita pa lang parang naka Mic na sa lakas ng boses nito.
Tagal sumagot ng babaeng nasa tabi ko hahahaha.
"Pwede naman po, gayun pa man maari ko ba kayong makilala muli" tugon neto.
May kinuha ang babae ayon sa peripheral vision ko. Isang pamaypay na gawa sa abaniko? putek ano na nangyare sa earth?
napailing na lang ako sa aking mga nakita. Putek tong babaeng ito hahaha.
Lumakad itong marahan kasama ang kanyang mga bagong kaibigan.