Naging inspirasyon ko si aiko sa araw-araw at maging sa pagpasok sa school....
Hanggang sa isang araw habang naglalakad kami ni aiko papuntang classroom ko.....nakita kami ng mga kaklase ko at pinagchismisan...
(girl Classmate 1): hala girlfriend niya ba yan?
(girl Classmate 2): ewan, ehh pano naman magkaka girlfriend yan ni hindi nga alam kung pano manligaw eh (sabay tawa)
Kahit naririnig ko ang kanilang mga sinasabi napapayoko nalang ako at dina umimik pa...
Pero hindi ko napansin na narinig din pala ni aiko ang mga sinasabi nila tungkol sakin....
Biglang nagsalita si aiko sa harapan ng mga nanlalait kong kaklase
Aiko: Girlfriend niya ako bakit?
Nagulat lahat ng mga kaklase ko sa sinabi niya
At kahit ako nagulat din.....
Natigil sa pagsasalita ang mga kaklase ko dahil sa sinabi ni aiko....
Aiko: hayaan niyo nga ang buhay ng iba....buhay niyo ang pag-interesahan niyo....puro nalang kayo chismisssss...talaga bang wala kayong magawa ha?
Napayuko nalang ang mga babae na nagchchismiss sakin....
Aiko: Oo girlfriend nga ako ni kakeru at ano bang pakialam niyo kung may girlfriend na siya?
Aiko: letche......
(sabay kuha ng kamay ko at umalis kaming dalawa)
Hindi parin binitawan ni aiko ang kamay ko kahit na malayo na kami sa mga kaklase ko...
Hanggang sa napahinto siya sa paglalakad
At sinabing
Aiko: okay kalang?
Tiningnan kolang siya
Aiko: sorry kung nag sinungaling ako sa harap ng mga kaklase mo....ayoko lang kasi na ginaganon ka....at para narin tumigil na sila sa panggugulo sayo...
Kakeru: Salamat.....
Pinasalamatan ko si aiko sa ginawa niya pero tumatak parin sa ulo ko ang mga sinabi niya na girlfriend ko daw siya...
Aiko: alam monaman na hindi totoo ang mga sinabi ko diba? (tanong niya)
Kakeru: oo naman..
Aiko: atleast ngayon hindi kana nila guguluhin pa....(sabay ngiti)
Aiko: ahh tara!(sabay kuha ulit ng kamay ko)
Dinala ako ni aiko sa rooftop ng school campus namin....
Napaupo kami sa upuan at doon kami nagkwentuhan......
Saaming pagkukwentuhan ay bigla kong napansin na inuubo si aiko...hindi lang basta normal na pag-ubo...kondi parang malalang pag-ubo.....
Kakeru: aiko gusto mobang bumaba mona tayo at uminom ng tubig?
Aiko: ahh wag na wala lang toh...okay lang ako
Kakeru: Anong okay?.....eh parang hindi eh....(sagot ko)
Gustong gusto kona talagang painumin ng tubig si aiko sa mga oras nayon..
Kakeru: halika na...hinawakan ko ang kamay niya para sa pag-alis...ngunit......inalis niya ang kamay ko at sinabing
Aiko: ano bah? Hindi moba narinig? Ayokong bumaba!...(palakas na boses niyang sabi)
Nagulat ako sa naging reaksiyon niya...kasi parang nag-iba siya....
Napaupo ulit ako sa gilid niya at paliit na boses kong sinabing
Kakeru: Malala na ang ubo mo aiko...kailangan mona ng gamot...at baka mapano kapa....
Concern lang ako sa kalagayan ni aiko.....
Kung sa simple at normal na ubo lang mapapalampas kopa...kaso hindi eh parang malala na.....
Aiko: wag kana kasing makulit kakeru.....(paluha niyang sinasabi)
Nagulat ako dahil wala naman akong ginawa o sinabi na makakasakit sa kanya bigla nalang siyang umiyak....
Kakeru: aiko bakit kasi ayaw mo?(tanong ko habang tinitignan kosiyang umiiyak)
Kakeru: hindi naman masama kung bababa muna tayo para makainom ka ng tubig tas babalik naman tayo dito...
Wala paring tigil ang kanyang pag-iyak...
Kakeru: Aiko...oyyyy....tara na..... (pinilit ko parin siya kahit umiiyak siya)
Aiko: may sakit ako!
Kakeru: ha?
Kakeru: sandali, ano bang sinasabi niya...ayy hindi baka iba lang ang pagkadinig ko....(Mind saying)
Aiko: May sakit ako kakeru..may sakit ako!!!.....(paiyak niyang sinabi habang nakatingin saakin)
Nandilim ang paningin ko.....ni hindi ako makapagsalita sa sinabi niya.....
Ok naman si aiko noong mga nakaraang araw...palagi naman siyang masayahin at diko naman nakikita na may dinadala siyang sakit...... pero nagkamali pala ako......
Kakeru: A-ano?
Aiko: may sakit ako 3 months na at bilang nalang ang mga araw ko (pahagulgul na iyak ni aiko)
Kakeru: a-ano? Hindi ko maintindihan
Nalilito ako sa kanyang sinabi at parang hindi ko matanggap ang sinabi niya....
Kakeru: Kakeru kalma....kalma kalang.....huminga ka ng malalim....kakeru kalma...(Mind saying)
Pinakalma ko ang sarili ko at nagsimula ng tumulo ang mga luha ko.....
Kakeru: Aiko bakit ngayon molang sinabi sakin?
Aiko: Ayoko lang kasing masaktan ka at pati narin kina tanaka at Nazumi (sagot niya habang nakatingin saakin na tumutulo ang luha)
Kakeru: tahan na!...wag kanang umiyak
Agad kong pinunasan ang mga luha niya at niyakap siya ng mahigpit...grabi ang pag-iyak ko sa mga nalaman ko.....