Kinabukasan, nagising akong mag-isa lang sa kuwarto. Alas-10 na pala ng umaga.
Bigla akong napakunot-noo ng mapansin kong may picture kami ng asawa ko raw, nakalagay sa table malapit sa kinahihigaan namin.
"Hindi ko 'ata ito napansin kagabi."
Nakasuot lang naman ako ng puting gown na nangingislap sa kinang base sa litrato na animo'y kinasal.
Bumangon ako at kinuha ang picture at pinagmasdan ko ang mga ito ng maigi.
"So, totoo ngang asawa ko siya."
Subalit, kumunot-noo na naman ako ng mapansin kong wala naman akong wedding ring sa daliri.
Muntik pa akong magulat ng marinig ko ang boses ng asawa ko raw.
"Hi honey, good morning." Bigla akong napa-angat dito. Pansin ko ang mga ngiti nito sa labi habang lumalapit sa akin.
"G-good morning," wika ko. Hinalikan ako nito sa labi na siyang ikinalunok ko.
"So, maganda ba ang pagkakakuha sa picture natin?" malambing na tanong nito sa akin.
"Hmm yeah, but-" Tumingin ako rito.
"What is it honey?" tanong nito sa akin.
"Napansin ko kasing wala naman tayong wedding ring?" tanong ko. Tinitigan ko pa ito ng maigi upang makita ang reaksyon nito.
"Of course honey, mayroon tayong wedding ring, paano naman tayo makakasal kung wala tayong wedding ring, sandali at kukunin ko," sagot nito na nakangiti.
Maya maya, pumunta ito sa isang drawer at may kinuha roon.
"Heto oh.. tupakin ka kasi, may kumausap lang sa akin na babaeng nakangiti, nagseselos ka na, kaya maya maya tinatanggal mo wedding ring dahil tinatakot mo ako," wika pa nito sa akin habang sinusuot nito ang sing-sing sa daliri ko.
"Mabuti na lang talaga nagkasya." Piping wika ni Dave sa sarili.
"S-selosa ba talaga ako?" maang na tanong ko rito.
Hindi ko rin napigilan ang mapatitig at humanga sa wedding ring na suot ko. Alam kong sa itsura pa lang nito, halatang napakamahal na.
"Yes honey, selosa ang maganda kong asawa, akala mo naman eh ipagpapalit ko, hinding-hindi naman iyon mangyayari," wika nito habang nakangiti ng matamis.
"Talaga? Hindi mo ko ipagpapalit?" tanong ko sabay tingin sa gwapong mukha nito.
Na siyang ikinasaya naman ng puso ni Dave.
"How sweet." Hindi naman niya napigilang yakapin ito at halikan ng malalim.
"No honey, hinding-hindi. You don't know how much I love you."
Ano ba Dave, sigurado ka ba riyan? Pero bakit parang totoong na love at first sight ako sa babaeng ito.
Nakita niyang ngumiti ito ng matamis, na ikinatutunaw ng puso ni Dave.
"Thank you honey, and I'm sorry kung hindi kita matandaan, o kahit ang pangalan ko," simangot kong wika rito.
"It's okay honey, maalala mo rin naman ang lahat, hintay lang tayo ng kaunting panahon," sagot ni Dave habang hinahaplos-haplos niya ang buhok nito.
"Tara na, mag breakfast na tayo, alam kong gutom na ang mahal kong asawa," wika pa niya habang nakangiti sa magandang babae na mukhang nagpapabihag na ng tuluyan sa kaniyang puso.
"Sandali, maliligo muna ako," wika ko sa asawa kong si Dave.
"Sige, sabay na tayo," pilyong wika nito na siyang ikinapula ng mukha ko.
Hindi ko rin naiwasan ang makaramdam ng kaba sa dibdib sa hindi ko malaman ang dahilan. Hindi ko rin napigilan ang mapalunok dahil sa sinabi nito.
"Oh, don't tell me na nahihiya pa rin ang maganda kong asawa sa akin?" natatawa nitong tanong sa akin. Na siyang lalo kong ikinapula ng mukha.
"Luko ka talaga Dave, huwag mo siyang pakialam no, hindi mo naman talaga siya asawa." Saway ng isip ni Dave.
"A-ah, hindi naman sa ganoon honey, alam mo naman wala akong matandaan kaya ganito reaksyon ko, p-pero sige kung iyan ang gusto mo," wika ko rito na may pag-aalinlangan.
Niyakap naman ito ni Dave at hinalikan muli. Ewan niya ba kung bakit ang sarap nitong halikan. Nakakapanggigil.
"I'm just kidding honey, naligo na ako kanina. Saka na lang tayo sumabay kapag nawala na iyang ilang mo sa asawa mo," wika ni Dave.
"Hmm, sige."
Nasa hapag-kainan kami ng magtanong na naman si Angel sa akin.
"Well, dapat lang naman na asahan ko na ang mga tanong nito."
"Ah honey, paano pala ako naaksidente?" tanong nito.
"Pauwi ka rito sa bahay natin, ng may nakasalubong kang isang malaking truck, mabuti na nga lang nailiko mo ang sasakyan mo subalit tumama ka pa rin sa pader na naging dahilan para maumpog ng malakas ang ulo mo," pagsisinungaling ni Dave.
"Ah, pero nasaan ka ng mga oras na iyon? Bakit hindi kita kasama?" tanong ko pa sa asawa ko.
"Nasa opisina ako noon honey, sabi mo kasi uuwi ka na muna habang may mga meeting pa ako, ayaw mo kasing nabobored sa opisina ko."
"You mean, hindi ako nagtatrabaho?" takang tanong ko pa rito.
"Nope, simula ng maging asawa kita, hindi na kita pinatrabaho, dahil ayaw kong mastress ka pa," wika ni Dave.
"How about my family? Nasaan sila? May picture ka ba sa kanila? May mga kapatid ba ako? Iyong parent's mo rin, nasaan sila? Bakit wala yatang nakakaalam na naaksidente ako?" sunod-sunod kong tanong na ikina-ubo ng asawa ko. Nataranta tuloy ako.
"Naku honey, okay ka lang? Here, drink a water," wika ko rito.
"So, may accent ang pananalita niya sa English. Hindi kaya, mayaman rin ito, base sa itsura nito, possible nga." wika ni Dave sa sarili.
"Sorry honey, nagulat naman kasi ako sa sunod-sunod mong tanong eh, ganiyan na ganiyan ka talaga noong hindi ka pa nagkaka-amnesia," pagsisinungaling ni Dave rito.
"Sorry naman, gusto ko lang malaman kung nasaan sila kung bakit wala sila rito," wika ko.
"Saka ko na sasabihin sa'yo, ayaw kong mabahala ka, let's finished to eat at ipapakita ko ang picture nila. But we must go out after this, mamamasyal tayo," wika ni Dave.
"Talaga?" tuwang tanong ko rito.
Na siyang ikinasaya naman ni Dave. Parang ngayon lang siya makakalabas ha. Sa isip isip niya.
"Yeah, we go out to see around. Baka sakaling makatulong kaagad sa'yo para makaalala ka," pagsisinungaling niya pa rito.
Pero ang totoo, natatakot lang naman siya sa maaring itanong na naman nito, lalo na at hindi pa naman naipaghanda ang lahat na possible niyang ipakita rito.