Episode 5

1138 Words
"S-saan ang pamalit kong damit?" tanong ko habang nakatingala rito. Kumilos naman 'agad si Dave at binigay dito. Bumili kasi siya ng damit nito saglit dahil alam niyang mailalabas naman ito kaagad. "Here." Aalalayan pa sana niya ito papuntang bathroom ngunit pinigilan siya nito. "I c-can handle it. Huwag mo na akong samahan," wika ko sa asawa ko raw. Pumayag naman si Dave dahil nasa loob lang naman ang bathroom nito. Maya maya pa lumabas na ito na siyang ikinalunok niya dahil sa simpleng dress na suot nito ay lalo itong gumana sa paningin niya. Litaw na litaw ang kaputian nito at hubog ng katawan. Gusto niya pang mapangiti ng makitang napaka inosente nito kapag tumitingin sa kaniya. "How I wish na wala kang asawang naiwan." "Aalis na ba tayo?" tanong ko sa lalakeng malagkit kong makatingin. Hindi ko tuloy maiwasang mahiya at mailang dito. "Yes honey, para roon ka na makapag pahinga sa bahay natin." Wala naman akong imik na sumunod sa mga sinabi nito. Napansin kong maraming nakasuot na itim ang nakabantay sa labas. Lalo pa akong nagtaka nang lahat ng ito eh, yumuko sa asawa ko raw at bumati pa ang mga ito ng may paggalang. "Ganito ba siya kayaman? Tatlong sasakyan kasi ang napansin kong naroon na nakapila habang nakabantay naman ang mga lalaking bumati sa kaniya." Hindi ko tuloy naiwasang tumingin dito. "Let's get inside honey," nakangiting wika ni Dave kay Angel. Ito na muna ang ipinangalan ko rito lalo na't wala pa akong alam kong saan ito nanggaling. Marahil nagtataka ito sa dami ng lalaking nakabantay. "Don't worry honey, mga tauhan lang natin iyan," wika pa ni Dave rito ng mapansin kong ayaw nitong kumilos para pumasok sa sasakyan. Nagpasalamat naman siya ng lihim ng tumalima ito para pumasok sa loob. "B-bakit marami sila?" takang tanong ko sa lalake. "Well, kailangan natin iyan honey dahil malaki kasi ang negosyong hawak natin kaya marami tayong tauhan. Huwag ka mo nang mag-isip ng kung ano-ano ngayon at baka sumakit na naman ulo mo," wika ni Dave. Tumahimik naman ito. Namalayan niya na lang na nakatulog na pala ito dahil biglang naihiga nito ang ulo sa balikat ko. Napapangiti akong ewan. "Sa tagal na panahon, ngayon ulit ako nagkainteresado sa babae at sa hindi pa talaga nakakaalala ha. Sira ka talaga Dave." wika ko sa sarili. Dahil sa sobrang himbing ng tulog nito, kinarga niya na lang ito paakyat sa kuwarto. Hindi naman siya nahirapan maglakad dahil ginamit niya ang elevator sa bahay. Nagising akong pupungas-pungas. Bigla namang nangunot ang noo ko nang mapansing hindi pamilyar sa akin ang kuwarto. Lalo pa akong nakaramdam nang takot ng maalala kong hindi ko pa pala maalala ang sariling pangalan. Gusto ko nang umiyak ng biglang bumukas ang pinto at sumungaw ang lalaking asawa ko raw. Patakbo akong lumapit dito at yumakap. "D-dont leave me." Nagulat si Dave sa ginawa ni Angel. Nakaramdam naman siya ng awa rito ng yakapin siya nito at sabihang huwag siyang iwan nito. "Siguro dahil nalaman niyang hindi siya makaalala." Niyakap niya rin ito ng mahigpit sabay punas ng mga luha nito. Nakita ko ang takot sa mga mata nito. "Shh.. don't cry honey, I'm here hindi kita iiwan. I'm your husband." Sabay halik dito. Nagulat si Dave ng mag-response ito sa halik niya. Dahil sa kagustuhan niyang mahagkan ito ng matagal, hinalikan niya ito ng malalim. Ilang minuto kaming naghahalikan ng kusang bumitaw ito. "D-dont leave me ha h-honey. N-natatakot ako, lalo na't wala akong matandaan," wika nito. "How sweet.." May kung anong kiliti sa puso niya ng tawagin siyang honey nito. "I'll never leave you honey, I promise. Don't be afraid, nandito lang ang asawa mo. Huwag ka nang mag-alala. Tara na, punta na tayo sa dining at ng makakain na tayo, alam kong gutom ka na," wika ko kay Angel. "H-honey ganito ba talaga kaganda at kalaki ang bahay natin?" tanong ko sa lalaking asawa ko raw. Kasalukuyang naglalakad kami pababa. Hindi muna ginamit ni Dave ang elevator para mapansin talaga ni Angel ang lawak ng mansyon niya. "Yes honey, matatandaan mo rin ito, soon," sagot ko na lang muna rito. Nalula naman ako sa laki ng bahay. 3rd floor ito at sobrang laki, bawat madaanan namin nangingislap ang mga ilaw sa liwanag. Daming disenyo ng bahay. Napansin ko ring maraming kuwarto. "Ano kaya ang mga nasa loob nito." bulong ko sa sarili. Hanggang sa makababa na kami. Nagulat na naman ako dahil nakahilera ang mga babaeng nakasuot na puting damit? "Siguro mga katulong ito." "Good evening boss, madam," sabay-sabay pa nilang wika. Napansin ko rin na sobrang dami ng pagkain sa hapag-kainan. "H-honey, bakit ang daming tao rito? Kahit ang pagkain marami rin? May bisita ka ba?" maang kong tanong. Napansin ko namang tumawa ito ng mahina. "No honey. Maid sila sa bahay natin, at gusto ko lang na maraming tagasilbi. Ayaw ko kasing kumilos ka kahit kaunti rito sa bahay. Masyado ka kasing masipag kaya dinamihan ko ang kasambahay para maiwasan mo ang gumawa. At ang pagkain naman, natural na sa atin iyan, kasi nga mapili ka at hindi ko alam ang magugustuhan mo riyan. Paiba-iba kasi ang taste mo, kaya marami ang pinapaluto ko, " pagsisinungaling ko. Nakukonsyensya man si Dave ngunit nasimulan na niya, kaya dapat niyang tapusin. "G-ganoon ba ako?" Lalong gusto niyang makonsyensya ng makita niyang lumungkot ang mukha nito. "D-dont worry honey, sanay na ako sa'yo at masaya nga ako dahil ganiyan ka eh, always challenging," nakangiti wika ko kay Angel. Sumaya naman ang puso ko ng tumawa ito. "Ganoon? Gano'n mo ako kamahal?" tanong ko sa lalake. Hindi ko tuloy naiwasang yakapin ito. Pakiramdam ko tuloy kahit wala akong maalala, parang totoo ngang asawa ko ito. I feel comfortable with him. "Ang sweet naman, sana huwag kaagad bumalik ang memorya mo." ipinilig ni Dave ang ulo dahil sa masamang iniisip nito. "Yes honey, I always love you. Kahit ganiyan ka pa kachallenging," Nangin-ngiti niyang sagot dito. Sandaling katahimikan ang naghari sa aming dalawa. "H-honey ano nga pa lang pangalan ko?" Muntik na akong mabilaukan sa tinanong nito. "Ah, your name is Angel Dela Cruz honey. Pero kung hindi mo talaga matandaan, huwag mo munang pilitin ha.. baka kasi sumakit na naman ang ulo mo. Hayaan mo munang makapag pahinga iyang utak mo ngayong gabi at bukas muna ako tanungin ng ibang gusto mong malaman." Ang totoo, kinakabahan si Dave sa bawat tanong nito dahil hindi pa niya napaghahandaan ang puwedeng itanong nito. Pinapagawa niya pa lang sa mga tauhan niya ang posibleng itanong nito sa kaniya bukas o sa susunod pang araw. Pagkatapos nilang kumain, kahit na masama sa loob niyang lagyan ng pampatulog ang inumin ni Angel, ginawa niya iyon dahil may mga kulang sa bahay nila na tiyak mapapansin ng babae na maaring ipagtaka nito. "Kailangan kong kumilos ngayong gabi."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD