Napansin ko rin ang likot ng tingin ng kamag-anak nito. "Ang laki naman ng bahay niyo. At marami rin kayong mga bantay. Bakit marami kayong bantay? May kalaban ba kayo?" mahinang wika nito sa akin. Ewan ko ba kung bakit nakakaramdam akong kaba sa tingin nito. Pakiramdam ko kahit nakasuot ito ng clown matiim ang tingin na ibinibigay nito sa akin. Magsasalita pa lang ako ng bigla na lang itong tumawa. "Sorry, mali yata ang nasabi ko. Ang cute-cute talaga ni Baby Daniel, nakakagigil. Puwede ko ba siyang mabuhat ate?" wika nito sa akin. Akmang kukunin na nito si Baby Daniel kahit wala pa akong permiso ng bigla na lang itong pigilan ng kaibigan ko. "Ako na muna ang magkakarga kay Baby Daniel," wika ni Mae. Napansin ko naman na biglang natigilan ang kamag-anak nito at nakatingin lang sa k

