Episode 38

1109 Words

Palakad-lakad lamang ako sa loob ng library habang nag-iisip. Ilang araw na ang lumipas simula ng gulong nangyari sa mansyon. Ngunit simula noon malamig at galit ang ipinapakita sa akin ng asawa ko. Hindi rin ako nito kinakausap, na siyang ipinagtataka ko. Kung kailan naman natapos ko na ang problema, saka naman lumamig ang pakikitungo nito sa akin. Hanggang sa bumukas ang pinto na siyang paglingon ko. "Hey dude, lalim ng iniisip ah. Don't tell me may problema na naman," wika ni Marc habang pumapasok sa loob. Kasunod nito ang ilang kaibigan namin. "Wala, iniisip ko lang kung bakit malamig ang pakikitungo ng asawa ko," sagot ko. "Bakit 'di mo kausapin? Sigurado, nagulat lang iyon sa mga nangyari lalo na' t wala siyang kaalam-alam na ang secretary mo ang kalaban," wika ni Vinz.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD