Dalawang linggo na ang nakakalipas ngunit wala pa ring bumabalik na Dave. Sabi nito babalik siya kapag manganganak na ako. Ngunit bakit wala pa siya. Ramdam ko na, oras na lang ang nalalabi para manganak ako. Kailangan ko siya. Pero bakit wala pa siya," piping wika ng isip ko. Namimilipit na ako sa sakit ng tiyan ko. Hindi ko rin mapigilang umiyak. Kaya ko naman tiisin ang sakit ng tiyan ko eh, napapaiyak lang talaga ako sa isiping wala siya sa tabi ko sa mga oras na 'yon. "Ahh! Mom, ang sakit! Manganganak na yata ako!" hiyaw na wika ko kay mommy. Nasa tabi ko lamang ito. Ganoon din si daddy. Ngunit mabilis itong lumabas para tawagin ang doctor. Kailangan pa naming may kasamang translator at hindi marurunong ang mga taga Switzerland magsalita ng English. Subalit may negosyo pa rin si

