Nagising si Jade mula sa banayad na haplos sa kanyang pisngi. Iminulat n'ya ang mga mata at nakitang nakatunghay sa kanya ang mukha ni Ted. "Hmm, why?" pupungas-pungas na tanong n'ya. Bahagya n'yang kinusot ang mga mata. "Nothing! I just want to look your beautiful face," "Anong oras na ba?" tanong n'ya at nilingon ang wall clock. Five fifteen na ng umaga. Ilang sandali lang at maliwanag na ang paligid. "Maaga pa," sabi nito habang nakaguhit ang isang pilyong ngiti sa labi at hindi rin mapuknat ang mata nito sa pagtitig sa kanya. Unti-unting lumapit ang mukha nito sa kanya. "Oy, ha, aga-aga kung ano na naman ang nasa isip mo," Iniwas ang tingin rito. "Isa lang naman, babe, eh?" ungot nito na pilit hinuli ang labi n'yang iniiwas dito. "Ano ka ba? Hindi pa nga ako nakakapag-toothbrush

