Bahagyang nagulat at nangunot ang noo ni Ivan sa tanong ni Jade. Natuon rin ang tingin nito sa kanyang dala. "Eh, halos kalalabas lang rin n'ya, eh! Hindi mo ba napansin? Oo nga pala, mali, kung napansin mo nga naman, hindi ka naman na siguro magtatanong," kakamot-kamot sa batok na sabi n'ya. "Ibig mong sabihin wala nga s'ya rito?" kunotnoo at salubong ang kilay na tanong n'ya. Hindi n'ya maiwasang makaramdam ng inis. Nag-ayos pa naman s'ya at nag-abala pang maghanda ng pagkain para lang dalhin dito, wala rin naman pala syang a-abutan. Ang sabi nito madali lang at agad rin uuwi, pero asan na naman ito ngayon? 'Hindi kaya s'ya 'yung nakita ko kanina na may kasama?' piping tanong n'ya sa sarili na mas lalo pang ikinakunot ng noo n'ya. Napansin naman ni Ivan ang biglang pagbabago ng

