HINDI malaman ni Ted kung sisisihin ba niya ang sarili na isinama pa roon ang kanyang asawa. Mabilis na binuhat niya ito at dinala sa clinic ng eskwelahan. "Please, paki-assist po muna ang asawa ko. Kailangan ko lang tingnan kung okay lang ba siya," pakiusap ni Ted sa nurse ng school. "Yes, sir," sagot nito at mabilis na in-check ang kondisyon ni Jade. May ilang minuto rin ang itinagal nito sa pagkuha ng mga vital signs at temperatures bago muling hinarap si Ted. "Kumusta ang lagay niya, nurse?" kalmadong tanong ni Ted. "She's okay, sir. Maaring dala lang nang pagkabigla kaya siya nag collapse. But so far, wala namang anumang abnormality sa kondisyon niya. Ang kailangan lang ay makapagpahinga siya ng maayos at iwasan na lamang na ma-stress siya. Mabuti at hindi rin siya highblood ka

