JADE "WHAT happened?" Malalaki ang mga hakbang na tanong niya sa asawa habang papalapit. Abala siya sa paglilinis ng kanyang lulutuing ulam nang marinig niya buhat sa komedor ang malakas na tinig ng asawa. Hindi rin niya maintindihan ang kanyang sarili kung bakit abnormal ang t***k ng kanyang dibdib. Kinakabahan siya sa hindi naman niya alam na dahilan, kaya nagulat talaga siya nang marinig ang pag-alsa ng tinig ng kanyang asawa. Dali-dali niyang iniwan ang kanyang ginagawa at halos patakbong lumabas sa komedor. Naabutan niya na may kausap sa phone si Ted at bakas sa mukha nito ang pandidilim ng anyo. Mas lalo tuloy doble ang nararamdaman niyang kaba. Tumakbo siya palapit kay Ted matapos makita na ibinaba na nito ang phone. "May nangyari ba?" Nag-aalala niyang tanong dito. "Please

