TED Maaga siyang pumasok kinabukasan para sa bagong malaking deal na kailangan nilang maipanalo sa biding. Nasa bungad pa lamang s'ya ng pinto nang seryosong lapitan s'ya ni Ivan at binulungan. Nangunot ang kanyang noo at walang salitang dumiretso sa loob at isinara ang pinto. "How long he's here?" walang emosyong tanong n'ya rito. Ang tinutukoy n'ya ay ang ama ni Cheska na si Mr. Bright. Umikot s'ya sa kanyang table at naupo. "Hindi lang nagtagal bago ka dumating," May inabot itong brown envelope sa kanyang harapan. "What is it?" tanong n'ya sabay abot sa envelope rito. Binuksan n'ya agad 'yon para tingnan. At may nakita s'yang ilang piraso ng mga pictures ni Mr. Bright habang kausap ang ilang mga kilalang personalidad. Hindi rin s'ya sigurado kung saan at kailan ito kuha dahil w

