Pakiramdam niya sobrang pagod na pagod na s'ya nang makauwi sa bahay. Katatapos lang nila sa ginawang pagpupulong nina Cheska na talagang isinama pa s'ya. Ikinatuwa naman n'ya dahil mas marami pa s'yang nalaman sa mga tago at illegal na negosyo ng pamilya nito. Tama nga lang ang desisyon n'yang pakisamahan ito ng maayos para mabunyag ang mga itinatago nito. Masasabi n'yang sobrang delikado, ngunit ito ang kailangan n'yang gawin. Ilang araw magmula ngayon at nakatakda na ang kanilang kasal, dahilan kaya napilitan si Cheska na ipakilala s'ya sa grupo nito. Nagtungo s'ya sa kusina at naghanda ng kanyang pagkain. Sandwich at tuna para sa kanyang sarili. Dinala n'ya ito sa kanyang kwarto. Matapos saglit na makapagpalit ng damit, lumapit s'ya sa isang malaking painting at may kung anong pin

