Sumapit ang nakatakdang araw ng kasal nina Ted at Cheska. Masayang-masaya ang babae sa isang silid ng hotel, at abala sa pag-aayos sa sarili. Nag-hire ito ng magagaling at mga sikat na make-up artist para gawing bongga ang ayos sa sarili. Pinili nito ang halos mga mamahaling gamit na susuotin mula sa damit hanggang sa kaliit-liitang bagay para sa sarili. Habang hindi matapos-tapos ang matinding kaba ni Ted. Nag-iisa s'ya ngayon sa kanyang okupadong silid para makapaghanda. Kasalukuyang nasa isang hotel na malapit lang sa pagdarausan ng kanilang kasal. Hindi rin matapos ang pag-usal n'ya ng panalangin. Nakasuot na s'ya ng damit pang kasal at naghihintay nang hudyat na oras para sa pagsisimula. Hindi s'ya mapakali sa kalalakad paroo't parito sa kabuuan ng silid at nag-iisip ng malalim.

