PAGOD ang buong katawan, iyon ang pakiramdam ni Jade sa sarili matapos niyang iangat ang kanyang ulo mula sa tambak na mga paper work. Mula sa ilang araw na hindi siya pumasok dala ng mga problemang kinakaharap nilang mag anak. Hinilot niya nang banayad ang kanyang batok at marahang inikot ang kanyang leeg, habang nakapikit ang mga mata. Kahit paano ay naramdaman niya na nabawasan ang kanyang pangangalay. Inunat din niya ang kanyang dalawang braso na tila nag-e-exercise. Tumayo siya at tinungo ang kanyang pantry para magtimpla ng sariling kape. Kung minsan hindi na niya kailangan iutos pa iyon sa kanyang assistant. Isang maliit na bagay iyon na kaya naman niyang gawin para sa sarili, maliban na lamang kung talagang abala siya sa kanyang ginagawa. Kasalukuyan siyang nagtitimpla ng kan

