"Umm, tsine-check ko lang. Para kasing may napansin ako kanina rito, eh. Hindi ko lang alam kung hayop o tao," sagot ni Danny na marahang umayos ng tao at nagkibit balikat. "Aba, brad naman, huwag kang magbiro ng ganyan. Tayo lang ang tao rito paanong may makikita ka d'yan, ano 'yun, multo?" biglang namutla na sagot nito sabay ang paglinga nito sa paligid. Gustong matawa ni Danny sa sinabi nito. Ibig sabihin ay takot pala ang kaharap n'ya sa multo. Pinigil na lamang niya ang sarili na napa bunghalit ng tawa para hindi ito makahalata. "Hindi ko rin alam, eh. Ano bang alam mo ba sa bahay na ito? Balita ko matagal na raw walang nakatira dito at hindi ko alam kung bakit dito pa napili ni boss na dalhin tayo, eh marami naman kugar d'yan. Ano sa tingin mo? Buhay pa kaya ang may ari sa bahay

