Maaga kinabukasan nagising si Ted. Inuna muna n'ya ang nag-prepare ng kanilang pagkain. Hinayaan muna niyang matulog si Jade. Lately, nagiging sobrang antukin ito at minsan naman may mga bagay na ayaw. Hindi rin n'ya minsan maintindihan ang pabago-bagong mood nito kaya sinusundan na lang n'ya. Kasalukuyan na s'yang nagliligpit ng pupungas-pungas na lumapit sa kanya si Jade. "Morning, babe!" bati n'ya kay Jade at saglit iniwan ang gawain para gawaran ito ng halik sa pisngi. "Hmm... morning too," Kumain ka na muna," Kumuha ng tasa si Ted at ipinagtimpla ito ng kape saka ikinuha ng tinapay na nilagyan na rin n'ya ng palaman. Pinaupo ito habang s'ya naman nagpatuloy sa kanyang ginagawa. "Galing si Dad dito kahapon," narinig ni Ted na sabi ni Jade. Saglit s'yang natigil sa kanyang gina

