TED Nagulat si Ted nang bumungad sa pintuan ng opisina si Jade. Hindi n'ya inasahang bibisita ito ngayon sa kanya. Bakas ang lungkot sa mukha nito na malayo sa pagiging masayahin. Hindi ito umiimik na naupo sa sopa. Mabilis at nag-aalalang nilapitan n'ya ito. "What happened? Bakit pumunta ka rito? 'Di ba sabi ko na magpahinga ka na lang muna?" "Totoo ba?" sagot ni Jade sa mahinang tinig. Ilang beses s'yang lumunok, dahil parang hindi n'ya kayang bigkasin muli ang mga salitang sinabi ni Cheska kanina. Parang bigla s'yang natakot na magtanong dito. "Ang alin?" takang tanong niya. Nakaramdam s'ya nang hindi maganda sa ikinikilos nito ngayon. Diretsong tiningnan ni Jade sa mukha si Ted at pinilit na hinagilap ang mga tingin nito. Gusto n'yang malaman ang totoo. "Nasalubong ko ang babae

