Mainit at mapusok ang pinagsaluhang halik nina Jade at Ted habang nasa may kadilimang bahagi ng bench. Sobrang ibinuhos ang labis na pagkasabik sa isa't-isa. Kapwa nila nalalasahan ang tamis na kanilang pinagsasaluhan. Parang mga nag-e-espadahan ang kanilang mga dila habang tila walang nais na tumigil sa kanilang ginagawa. Mas lalo pang idiniin ni Ted ang yakap na katawan ng dalaga sa kanyang katawan upang ipadama rito ang init na kasalukuyang gustong tumupok sa kanya. Maging si Jade ay hindi rin nakapagpigil sa sarili at buong init na sinasalubong ang bawat halik ng lalaki. Kahit gusto man n'yang sawayin ang sarili ay kusa naman s'yang ipinagkakanulo ng marupok n'yang damdamin. Tumatanggi ang isip n'ya ngunit bigay na bigay naman ang katawan n'ya sa bawat halik nito. Patunay ang maii

