Habang nakikipag-usap ang binata sa dalawang bata nang biglang mag-ring ang kanyang phone. Si Ivan ang tumatawag. "Ah, sandali lang, ha, sasagutin ko lang itong tawag," paalam n'ya sa dalawang bata. "Sure!" sabi ni James na nakangiti. "Thank you po sa chocolate," nakangiting sabi ni Jane. "Welcome, baby," sagot n'ya bahagyang kinusot ang buhok nito. Lumayo s'ya sandali sa mga ito at sinagot ang tawag mula sa kanyang assistant. JADE'S POV Matapos makapamili ng lahat ng kanilang kailangan agad s'yang lumapit sa counter. Hindi rin n'ya balak magtagal sa loob, dahil mas napapansin n'ya ang unti-unting pagdami ng tao sa kanyang paligid na tila nag-u-usyoso. 'Sana naman walang makakilala sa 'kin,' bulong n'ya sa sarili. Nasa labas lang ang kanyang mga kasama. Kahit na sabihing naka-dis

